Chapter 15, part 2 : Calm before the storm

1.1K 131 9
                                    

Sa highway papasok ng Ipil makikita ang isang matinding digmaan sa pagitan ng mga hunter at sangkatutak na dungeon monsters.

Sa likuran ng mga hunter ay may barikada. Nakapagitan ang barikada sa hunters at kapulisan. Mga kapulisang may assignment upang patigilin at protektahan ang mga mapapadpad na mamamayan.

Ang mga hunter na nasa gitna ng kalsada ay gumagamit ng kakaibang mga sandata.

Merong gumagamit ng papel at lapis para gumawa ng mga pag-atake gamit ang mga salita.

Merong mga gumagamit ng chalk para gumuhit sa lupa.

Merong gumagamit ng pala bilang pamalo at panghukay ng malalaking tipak ng lupa.

At kung anu-ano pang uri ng kagamitang ginagamit sa iba't-ibang larangan. Ngunit may higit na kapansin-pansing sa kanila.

Apat na hunters na nangingibabaw ang kakayahan sa pakikipagtagisan sa mga kalaban.

Isang babaeng tila artista't modela sa ubod ng ganda. Ang kanyang maitim na buhok ay makintab at mahaba.

Hugis kandila ang maliliit n'yang daliri. Sa tuwing bumubuka ng pagkalapad ang kanyang mga palad, lumalabas ang tunay n'yang kulay.

Ang mga kuko n'ya ay humahaba at nagiging ubod-talim.

Naglaho s'ya kasunod ng pagiging makintab at transparent ng kanyang mga kuko.

Sa sumunod na sandali, palahaw ng dose-dosenang mga paniki sa ere ang umalingawngaw. Unti-unting nagkulay itim ang mga 'yon. Hanggang sa isang iglap, mabilis nag-breakdown ang kanilang katawan at tuluyan ng nabulok.

Matapos mamatay ng dose-dosenang kalaban sa himpapawid, muling lumitaw si Nana sa dating pwesto.

Sa paglitaw n'yang muli, bahagya pang nakita ang lumalamlam ng kulay itim na mga kuko.

"Blackening off!" Bulong ng babaeng nagngangalang Nana.

S'ya ang nag-iisang rank A assassin ng Kilusang Mayo Uno.

Mapanlinlang ang kanyang itsura. Kung titingnan, tila 'di makabasag-pinggan si Nana. Ngunit ang katotohanan ay kabaligtaran. S'ya ang pinakamatulin at pinakatahimik kumatay ng kalaban.

Pinagmasdan ni Nana ang kabuuan ng labanan. Tinutok n'yang mabuti ang paningin kung saan susunod na aatake.

Sa libo-libong mga paniki at ibon bang nagpapadilim sa ulap? Na kung pagmamasdan ay parang may buntot ang kadiliman. Indikasyong marami pang dumadating na halimaw na panghimpapawid.

O sa mga nagsusulputan bang maliliit na mga halimaw sa lupa? Mga halimaw na malalago at malalambot ang balahibong nagbubungkal ng lupa. Pahaba ang katawan at maliit ang mukha. Malalaki ang kanilang mga paang may matatalim na kuko. Sila ay mga mole.

O sa malalaking butiking naglalabasan mula sa mga kagubatan sa pagitan ng highway?

Hindi mapigilan ni Nanang dumako ang paningin n'ya sa isang kasamahan.

Napansin n'ya si Ralph. Ang lalaking malaki at bilugan ang katawan. Nakasakay si Ralph sa isang wrecking ball crane. Malaki ang crane. Pero dahil malaki si Ralph nagmumukhang maliit ang crane.

Nagningning ang mata ni Nana nang makita ang bilugang hunter. Mas umigting pa ang pagniningning ng umatake ito gamit ang wrecking ball. Mabagal ang atake ngunit mapaminsala.

"So cool!" Mahina ngunit patiling komento ni Nana kay Ralph. Ang mga mata n'ya ay naghugis puso ng talaga.

Hindi naman nakalampas ang tili na 'yon sa isa pang rank A hunter 'di kalayuan sa pwesto ni Nana.

Holymancer : Unang AklatWhere stories live. Discover now