Chapter 20, part 2 : True alpha and the army of werewolves

1K 138 25
                                    

Ang taong-lobong si Zigmund ay mula sa parehong henerasyon ng alpha na si Alexander.

Mula sila sa unang pangkat ng mga taong-lobo na nanirahan sa loob ng Werewolves Plateau.

Parehas na wala pa sa hustong gulang ang dalawa nang naganap ang panlilinlang sa kanilang pack ng dungeon master. Kaya naman wala silang nagawa sapagkat hindi pa ang kanilang lakas. Hindi pa nararating ng dalawa ang peak ng kanilang lakas na natural na nararating ng isang taong-lobo kapag well-developed na ang kanilang katawan.

Hindi tulad ng mga hunter na fixed na ang kapangyarihan pagkagising nila rito, ang mga supernatural beings tulad ng werewolves na namumuhay na pasikreto sa daigdig ay natural na lumalakas hanggang maabot nila ang ceiling ng kanilang potensyal. Isang halimbawa na ng pag-arok ng kanilang potensyal ay ang coming-of-age.

Bumalik tayo sa panahong mga bata pa sina Zigmund at Alexander. Bago pa sila mapadpad sa Werewolves Plateau, nananirahan ang pack nila sa isang simpleng nayon sa bansang Aleman.

Ngunit sa walang habas na paglago ng populasyon ng mga tao, nagambala ang simpleng pamumuhay ng kanilang pack.

Nang madiskubre ng mga tao ang sikreto ng kanilang lahi, gamit ang excuse na paglipon sa kampon ng kasamaan kinitil nila ang buhay ng karamihan sa pack. Ngunit ang tunay na dahilan ng mga tao ay ninanais nilang makamkam ang teritoryo ng mga taong-lobo para sa sariling kapakanan.

Swinerte lang na mabuhay nila Alexander, tandang Walter, Zigmund at Uta dahil nakatakas sila sa mapagmalupit na kamay ng mga tao. Samantalang si Lillith naman ay pinanganak sa loob ng dungeon.

Sa panahong 'yon, sa mabilis na paglago ng populasyon ng sangkatauhan, sunod-sunod ang agresibo at walang-awang pananakop para sa teritoryo ng mga tao. Hindi nila inalintanang bahiran ng dugo ang mga kamay; ng mga hayop, mga mythical creature at kung anu-ano pang may buhay para lang makapag-expand ng teritoryo at yaman.

Natigil lamang iyon sa pagsulpot ng mga dungeon. Higit pa sa pagtigil, nag-umpisa ring lumiit ang populasyon ng sangkatauhan sa opresyon nagmula sa mga nilalang ng dungeon.

Kung susuriing mabuti, tila ba ang opresyon ng dungeon sa sangkatauhan ay sumasalamin sa ginawang karahasan ng mga tao sa ibang mga nilalang.

Nang madiskubre ng mga ekspertong mag-aaral sa dungeon ang pagkakatulad, sila ay naglimi.

Silang lahat ay dumating sa isang tanong.

"Ang pagkakatulad ba ng dalawang sitwasyon ay isang patunay ng natural na proseso ng kompetisyon para sa kaligtasan ng mga lahi? O ito ba ay paniningil sa kalupitan ng sangkatauhan?"

Ito ay marahil isang katanungan hindi masasagot ng sinumang mortal. Isang tanong na walang kasagutan.

Si Zigmund at Alexander ay parehong naulila sa ginawang 'yon ng mga tao.

Siguro dahil na rin sa maraming pagkakatulad ng kanilang mga sirkumstanysa, natural ng naging tagasunod ni Alexander si Zigmund. Maaari ring kung si Zigmund ang naging alpha ay si Alexander naman ang naging tagasunod.

But enough with that. Dahil nga orihinal na taga daigdig si Zigmund, alam n'ya ang mala-paraisong mga bagay mula sa mundo kumpara sa matatagpuan sa dungeon. Kabilang na roon ang mga pagkain gaya ng tsokolate.

Sa totoo lang, mas matindi ang temptasyong nararanasan ng mga taong-lobong orihinal na inhabitant ng mundo kesa sa mga pinanganak sa dungeon gaya ni Lilith. That applies to Alexander and his original cohorts.

Nangangarap ding makaalis sa mala-kulungan dungeon si Zigmund. Gusto n'ya ring maranasan ang mga bagay na hindi n'ya pa na naranasan noon. Ngayon ngang dumating ang pagkakataon, desperadong sinunggaban n'ya na 'yon.

Holymancer : Unang AklatWhere stories live. Discover now