Chapter 28, part 1 : Natural skill acquisition experiment complete!

904 112 21
                                    

"Kaiyo gusto ko lang sabihing maraming-maraming salamat sa pag-aasikaso mo sa bukirin. Dahil sa maayos mong pangangalaga rito wala akong alalahanin. Nagagawa ko ng maayos ang pag-clear ng mga dungeon."

"Wala po kayong dapat ipagpasalamat master. Ginagampanan ko lang ang tungkuling inatas mo." Seryosong sagot ng unang apostol.

"Kahit na. Salamat talaga." Nakangiting sabi ng Holymancer.

Inilipat ni Clyde ang atensyon n'ya sa mga bagong kakatuwangin ni Kaiyo sa bukirin. Ang mahigit limampung alipin at dalawampung mga bata.

"Kayo ng bahala kay Kaiyo at sa siguridad ng bukirin." Tumuon ang paningin ng Holymancer sa lalaking nakapiring ang isang mata.

"Huwag kang mag-alala. Susundin ko ang sinasabi mo bilang kabayaran sa pagliligtas sa'min ng kapatid ko." Seryosong tugon ng lalaking nakapiring ang isang mata.

Ngiti ang ginawad dito ni Clyde.

"Inaasahan kong matutulungan mo si Kaiyo sa mga gawaing bahay. Pati na rin sa pangangalaga at eskwlela ng mga bata." Baling n'ya naman sa isang babae. Ito yung babaeng hindi umalintana sa kapakanan n'ya noon sa slave market.

"Maasahan mo po master. Akong bahala sa mga bata." Magiliw na sagot nito.

"Kung ganun paalam na." Nag-umpisang lumakad si Clyde palabas ng bukirin.

"Mag-iingat ka po master." Sigaw ng mga alipin sa kanya.

Hindi naman nagawang balewalain iyon ni Clyde. Nilingon n'ya sila at kinawayan. Sa ginawa n'ya, matinding nagkawayan ang mga ito sa pangunguna ni Kaiyo.

...

"Magandang umaga po sir Jerry." Bati ni Clyde pagkakitang-pagkakita pa lang sa matandang boxing coach.

"Magandang umaga rin sa'yo."

"S'ya nga Clyde. May ipakikilala ako sa'yo."

"Halika rito dali." Tumalikod ang matanda at matinding nagkakaway.

May lumapit na isang lalaki sa kanila.

"S'ya nga pala si Troi. Ang pinakamagaling at pinaka-accomplished na boksingero sa gym namin." Nakangiting pakilala ni Mang Jerry kay Clyde sa bagong dating. Tinapik pa ng matanda ang lalaking nagngangalang Troi.

"S'ya naman si Clyde. Yung tinutukoy kong lider ng grupo na ang bawat isa ay biniyayaan ng likas na talento para sa pakikipaglaban."

Nagtanguan ang dalawa. Tahimik na sinuri ang isa't-isa.

Na-curious si Clyde kay Troi. Imposibleng kasing ikubli ang hostility na pasimpleng dinederekta n'ya sa isang hunter na tulad ni Clyde.

"Ano palang balak n'yo ngayon, Clyde?" Tanong ng matanda.

Napangisi si Troi. Pakiramdam nito ay nagwagi s'ya dahil unang nag-iwas ng tingin n'ya si Clyde.

"Tulad po ng nakaraan. Sparring po sana." Magalang na tugon ni Clyde rito.

"Madali lang naman 'yan. Basta magwarm-up muna kayo bago kayo magsimula." Paalala sa kanya ng matanda sabay alis nito kasama si Troi.

"Bakit ka ba kasi pumunta pa rito? Sabi ko naman sa'yo magpahinga ka na lang sa inyo. Katatapos mo lang idepensa ang title mo noong Biyernes." Lecture ni Mang Jerry sa boksingero n'ya sabay pabirong kaltok sa ulo nito.

"Magmaang-maangan daw ba? Kilala mo na naman ako hindi ba tanda? Sa kwinekwento mo sa'kin simula pa noong Biyernes sa tingin mo hindi ako pupunta rito?" Malakas at tunog aroganteng pagkakasabi ni Troi sa matanda.

Holymancer : Unang AklatWhere stories live. Discover now