Chapter 2, Part 3 : Dual dungeon incident (End of chapter)

2.5K 230 10
                                    

"Susubukan kong silang kausapin. Titingnan ko kung magkakaintindihan ba kami. Mukha naman silang matatalino. Sana lang ay naiintindihan nila ang lenggwahe natin." Sabi ni Clyde sa mga kasamahan.

"Atake na Ron!" Sigaw ni Crooked Nose, kasabay noon ang pagtama ng pulang-pulang apoy sa ilan sa maraming mga duwende na nasa harapan. Agaran nitong kinitil ang mga tinamaan ng fireball.

Bumunghalit sa tuwa si Crooked Nose sa matagumpay na pagkamatay ng ilang mga duwende.

Kasabay noon ang matinding sigawan mula sa lahat ng mga duwende at mga makukulay na linyang pagala-gala sa paligid. Halatang punong-puno ng galit at hinagpis ang kanilang mga sigawan.

"Bakit n'yo ginawa 'yon Crooked Nose?" Bulalas ni Clyde sa galit kay Crooked Nose.

"Tanga ka ba? Sa tingin mo susunod ako sa'yo? Isa pa, hindi mo ba narinig na hindi rin natin maintindihan ang mga sinisigaw nila. Malamang hindi rin tayo magkakaintindihan. Mas mabuti ng atakihin natin sila at unti-unting ubusin." Sagot ni Crooked Nose.

"Ngayon hindi na natin madadaan ito sa mapayapang paraan. Napakawalang-hiya mo talaga Crooked Nose." Punong-puno ng sama ng loob na daing ni Clyde.

"Mamamatay na tayo!" Paulit-ulit na usal ni Rachel sa likuran nila Clyde.

Hinila ni Clyde sa tabi n'ya si Rachel habang nakipagtalikuran s'ya kay Gen para maprotektahan nila ang isa't-isa sa pagsalakay ng napakaraming kalaban. Sa tabi naman ni Rachel ay nagtalikuran din dalawang miyembro ng Dark Resurgence.

Galit na galit na sumusugod ang mga armadong duwende sa kanila.

Mukhang dito na matatapos ang lahat. Mukhang mauulila ka na naman Gaea. Patawad kapatid ko. Yan ang mga naglalaro sa isip ni Clyde sa mga panahong 'yon habang nagpakawala muli ng isang fireball si Ron sa isang grupo ng mga duwende.

Samantalang habang abala sila sa nangyayari sina Clyde merong isang kakaibang pangyayari sa isa sa mga nakahelerang puno ng saging.

Sa tuktok nitong puno, isang kayumangging lalaki ang nakaupo sa isang malapad na dahon. Para bang wala siyang timbang, sapagkat tanging dahon lamang ang nakasuporta sa bigat n'ya.

May isang malapad na ngiti sa mukha nitong kayumangging lalaki. Nakade-cuatro pa nga ito at nakapangalumbaba. Tila ba ay nasisiyahan s'ya sa panonood ng isang kakatwang palabas.

Nang pakawalan ni Ron ang ikalawang fireball doon na umaksyon ang misteryosong lalaki.

"Tama na 'yan." Walang ganang usal nito. Dapat ay hindi ito maririnig ng lahat dahil halos pabulong lang ang pagkakasabi n'ya roon. Pero sa hindi maipaliwanag na paraan. Napahinto ang lahat, lalo na ang dalawang uri ng mga duwende. Sila'y tila na estatwa sa umpisa.

Kasabay noon ang misteryosong pagkawala ng itinirang fireball ni Ron.

Nang makabawi, lahat sila ay bahagyang nagsiyukod sa direksyon ng lalaki bilang pagbibigay pugay.

Walang interes na ikinumpas ng lalaki ang kaliwang kamay. Para bang tahimik niyang sinasabi sa kanilang wala akong interes sa inyo, magsialis na kayo.

Matapos noon ay unti-unti na nga silang nagsihawan at tuluyang naglahong parang mga bula.

Habang nagaganap 'yon, sina Clyde naman ay may hindi maipaliwanag na pakiramdam. Simula ng mapansin nila ang lalaki, hindi na komportable ang pakiramdam niya sa sarili. Nabibigatan s'ya sa kanyang katawan. Nahihirapan na s'yang huminga. Bahagyang nanginginip ang kanyang kalamnan.

Hindi maalis ni Clyde ang kanyang paningin sa lalaki kahit na gustuhin n'ya mang iiwas ang tingin n'ya rito. Tila ba ay may kung anong pwersa o mahika ang nag-uudyok sa kanya na parang bang sinasabing tumingin ka lang sa kanya ng mabuti.

Holymancer : Unang AklatWhere stories live. Discover now