Chapter 7, part 2 : Mga pagyanig, stampede at witch hunt

1.6K 130 5
                                    

Kinaumagahan, marahang inayos ng hunter ang tinulugan bago pa man sumilay ang haring-araw. Maaga s'yang nagising sa pagtilaok ng mga manok at huni ng mga ibon.

Nag-inat muna s'ya bago tuluyang iligpit ang tent at itago sa system storage.

Sa ika-apat na araw, sa ikalawang palapag ng dungeon, nakalaylay ang mga balikat at mabagal na naglalakad si Clyde. Tila ba ay wala s'yang inaalala. Animoy naglalakad lang s'ya sa isang parke at relax na relax. Marahil naging panatagan ang kanyang loob sa bagong skill na nabili.

Nang makita n'ya ang unang lupon ng mga dungeon monster ay palukso-lukso pa itong lumapit. Isang grupo ng mga alimango ang masiyang sinalubong n'ya.

Gaya ng dati, inumpisahan n'ya ang laban sa paggamit ng divine pull ni Alejandro. Sinundan ito ng isang bouncing soul creepers. Napasinghap na lang s'ya sa paghanga. Paano ba naman, kahit mabilis ang kilos ng mga alimango ay tinatamaan pa rin sila ng mga orb. Naisip ni Clyde na parang homing-missiles ang mga orbs. Masyadong mataas ang accuracy nito. Garantisado ang 100 percent hit rate.

"Hmm?" Inboluntaryong reaksiyon ni Clyde. Napapikit pa ang isang mata n'ya sa pagdududa.

Tinamaang naman n'ya lahat ng target, subalit hindi pa rin namatay ang mga alimango tulad ng mga naka-engkwentro kagabi.

Tumakbo palayo si Clyde. Papasugod kasi ang mga alimango. Sinundan n'ya iyon ng divine pull para pwersahang mapasunod ang mga halimaw. Hindi katagalan nakakita siya ng isa pang grupo ng mga alimango.

Nilakihan pa n'ya ang mga hakbang palapit sa mga bagong dating. Nang nasa tamang distansya na, pinagamit n'yang muli kay Alejandro ang divine pull.

Nang naipon na ang dalawang grupo ng mga alimango, mabilis s'yang umatras para makuha ang tamang pwesto at maging angulo para pakawalan ang ultimate skill na bouncing soul creepers.

Sa pagkakataong iyon ay naka-instant kill s'ya. Mas nakumbinsi tuloy s'ya sa kanyang espekulasyon. Na kapag lima o mas mababa ang bilang ng kalaban ay mas mahina ang nagagawang damage noon. Pero dahil sigurista si Clyde ay minarapat n'yang siguraduhing tama ang hinala sa ilan pang labanan.

Di naglaon nasiguro na n'yang tama nga 'yon. Naging natural na rin sa kanya ang pag-iinitiate ng soul cleansing. Naging habit na rin ang paglalagay ng mga bangkay sa system storage.

"Let's return the favor, shall we?" May kumikinang na matang deklarasyon ni Clyde.

Nagsimula ang kumosyon sa malawak na kapatagan. Sobrang dami ng serye ng mga habulan. Ang kaibahan lang nito sa nakaraang mga araw ay nabaligtad ang sitwasyon. Sa umpisa si Clyde ang desperadong tumatakbo para sa buhay n'ya. Samantalang sa ngayon ay nagkukumahog na ang mga alimangong umalis para hindi sila mapatay ng hunter.

Nasolusyunan n'ya na rin ang problema ng pagiging solong hunter. Dahil sa isang skill lang ang kanyang weak point ay naging strong point n'ya na.

Nagugustuhan na rin n'ya ang pagiging mage type.

Nag-eexcel kasing talaga ang mga mage sa one versus many na mga sitwasyon.

Naadik sa pagha-hunt si Clyde.

Hindi na kasi s'ya huminto sa paghabol sa mga dungeon monster. Liban na lang kung siya ay napagod o kailangang mag-replenish ng kanyang health o mana.

...

Tirik na tirik ang araw habang busy sa pag-hunt si Clyde.

Pero katagalan may kakaibang naramdaman si Clyde. Para bang something is off. Masasabi mong hunter's intuition. Ilang beses na rin s'yang nailigtas ng pakikinig n'ya sa warning ng intuition n'ya bilang hunter.

Holymancer : Unang AklatWhere stories live. Discover now