Chapter 19, part 1 : Werewolves Plateau and the alpha

953 136 9
                                    

Dungeon key (Werewolves Plateau)

- As the name suggested, it has something to do with dungeons. A special key to be used for designating a specific dungeon. Upon designation, the user can freely enter the said dungeon infinitely.

- A designated dungeon key.

- Werewolves Plateau is a dungeon sharing location with Paderborn Plateau in Germany.

...

Iyan ang updated na impormasyon ng tingnan ni Clyde ang hawak n'yang dungeon key. Iyon ay matapos n'yang piliin ito sa mga pagpipiliang mga dungeon na napasok na n'ya.

Rumehistro ang pamilyar na tanawin kay Clyde ng nilibot n'ya ang paningin sa kanyang paligid. Sa pagkakataong ito, maswerte s'yang hindi sa gitna ng komunidad ng mga taong-lobo s'ya lumabas, 'di gaya ng huling tungtong n'ya sa dungeon. Marahil 'yon ay dahil noong una ay ang dungeon ay parte ng parusang natamo n'ya.

Napadpad s'ya sa lokasyon kung saan s'ya huling namataan sa loob ng talampas na namumutaktak ng mga taong-lobo.

Kasunod noon, narinig n'ya ang pag-alulong ng mga taong-lobo.

...

"Naramdaman mo ba 'yon, Alexander?" Saad ng isang matandang lalaking may puting buhok.

Ang matanda ay tila isang butler pagdating sa kanyang awra. Kung hindi pa makikita ang mga katangian ng isang taong-lobo sa kanya ay aakalain talagang isa itong taong-lobo.

Dilaw na mga mata na pang-lobo, mahahabang kuko sa mga kamay at higit sa lahat, ang matatalik nga pangil nito.

"Oo. Meron tayong bagong bisita." Ani ng isang seryosong Alexander.

Prominenteng wumawagayway ang trademark nitong mahabang pinilakang buhok.

Nakatindig ng matayog si Alexander. Hindi nito alintana ang pagpalibot sa kanya ng mga kapwa taong-lobo. Bagkus, gusto n'ya ang pakiramdam ng pagiging sentro ng malalakas at mababangis na nilalang.

Si Alexander ay isa sa mga pinuno ng mga tribo ng taong-lobo sa loob ng Werewolves Plateau.

Lahat sa kanila, mapabata o matanda, lalaki man o babae ay masasabing malakas at may tinataglay na kagandahan. Ngunit lutang ang matipuno n'yang postura at taglay na kakisigan.

"Ang nakakatawa lang nag-iisa lang ito. Mukhang hindi man lang tayo mag-eenjoy sa isang 'yan." Dagdag naman ng isang cute na dalagitang taong-lobong.

"Anong sinasabi mo? Hindi mo ba naaalala ang unique na amoy n'ya at ng kanyang awra? S'ya 'yung nag-iisang nakatakas sa'tin. Yung summoner na may kakayahang ikubli ang kanyang presensya." Singhal ni Alexander sa dalagita.

Nagliwanag ang mga mukha ng mga tauhan ni Alexander nang maalala nila ang tinuran ng kanilang pinuno.

"Sumunod kayo sa'kin. Mag-huhunt tayo bilang isang pack." Turan ni Alexander sabay mabilis na tumakbo sa direksyon ni Clyde.

Sa sobrang bilis ng mga taong-lobo, nagiging blur na sila. Kumpara sa liksi nila, tila baga ay slow motion ang kilos ni Roger.

Hindi man lang sila napapabagal ng mga puno sa kanilang binabaybay na daanan. Walang kahirap-hirap nilang inaakyat at niluluksuhan ang mga puno sa masukal na talampas.

From time to time, bahagyang humihinto ang pangkat ng taong-lobo sa kanilang pag-abante. Mga nasa lupa man, na pinangungunahan ni Alexander o nasa ibabaw ng mga puno ay pawang nagsisipag-alulong.

Ang mga nasa puno ay kundi naka-squat ay nakabaluktot ang isang tuhod at parehas na nakadipa pababa ang mga kamay. Tapos ay nakaangat ang mga ulo at pinakakawalan ang tunong mula sa kanilang mga lalamunan.

Holymancer : Unang AklatWhere stories live. Discover now