Chapter 29, part 1 : Start of a fall

782 130 27
                                    

Hindi akalain ng mga manunood na makakasaksi pa sila ng mas hihigit pang laban kesa sa labanang Walter at Zigmund.

Hindi nila inasahang makakasaksi sila ng labanan sa pagitan ng dalawang hunters. Hindi lang basta-basta hunters. Ang isa ay kumpirmadong high ranked hunter. Ang isa naman ay namumuno sa ilan pang hunters. Doon pa lang ay naghihinala na silang isa rin itong high ranked hunter.

Kuminang ang mga mata ni Clyde nang makita n'ya ang naganap na pagbabago sa katunggaling si Rudy.

Unti-unting nabalot ang buong katawan ni Rudy ng isang bakal na suit.

"Handa ka na ba?" Umecho ang boses ni Rudy sa loob ng suot na suit.

Naghiyawan ang lahat kabilang na roon si Clyde.

Sino ba namang lalaki ang hindi nagdaan sa pagkabata? Ang bawat isa sa kanila ay minsan sa buhay nila ay pinangarap ang makapagsuot ng cool na mobile suit.

"Handa na ako." Ganadong sagot ni Clyde. Pinahiran n'ya ang tumulong laway sa pagkainggit.

Pumorma sila ng sabay, at sabay ding sumalakay.

Bam!

Sabay tumabingi ang kanilang mga mukha sa sabay na pagtama ng cross sa isa't-isa.

Sabay silang napaatras.

Sa kanilang magkaibang reaksyon ay nagkaideya na ang mga manunood kung sino ang lamang.

Bumalik sa dating porma n'ya si Rudy na parang wala lang nangyari.

Samantalang si Clyde naman ay inalog-alog ang kamaong pinanuntok sa kalaban. Kita mo sa mukha n'ya ang iniindang sakit.

"Ang tigas ng suot mo." Biglang komento ni Clyde.

Napangiti na lang sa tinuran ni Clyde si Rudy.

Nawirduhan si Clyde sa boses n'ya. Doon n'ya simulang nadama na bahagyang mainit ang pisnging nasuntok ni Rudy. Kaya naman idinikit n'ya ang gloves sa pisngi. Sa ginawa, halos mapasigaw si Clyde. Napahigop rin s'ya ng malamig na hangin.

Hindi ito pwede. Giit ni Clyde sa sarili.

Hindi makapaniwala si Clyde sa natamo n'ya sa isang palitan lang.

Nakalaban n'ya na ang dalawang rank S hunters sa pisikal na laban.

Nataon ding magkapatid iyon. Ang nakababatang si Raymond Dominguez. Sa kanilang naging pagtutuos hindi ganito ang naramdaman n'ya. Masakit ngunit hindi ganitong namaga sa unang atake pa lang. Siguro ay 'yon ay dahil laman ng tao ang tumama sa kanya noon. Samantalang sa ngayon ay bakal ang tumatama sa kanya. Mukhang hindi lang ito basta-basta bakal. Kung normal na bakal lang 'yon, hindi noon mapipinsala ang katawan ng isang high ranked hunter gaya ni Clyde.

Sa panahon namang nakalaban ni Clyde ang nakatatandang si Roger Dominguez ay isa lang ang masasabi n'ya roon. Huwag na huwag makakalusot sa kanya ang atake ng isang physical type hunter na rank S, kung hindi kamatayan ang naghihintay sa kanya. Obviously, ang kakayahan ni Rudy ay hindi na masama para sa isang rank A. Sadya lang nasa ibang dimensyon ang kalakasan ng isang rank S.

Kaya naman mas malakas ang pisikal na atake ni Rudy kay Raymond ay dahil isang mage type ang huli.

Muli, nagsimula silang magtunggali.

Napilitang lumaban si Clyde kahit alam n'yang dehado s'ya. Hindi s'ya nagkaroon ng sapat na oras para solusyunan ang mahirap na sitwasyon dahil sa rules.

Kaya naman maingat s'yang nag-outbox habang iniistall ang oras. Nagbabakasakali s'yang may pumasok na ideya sa utak n'ya.

Ngunit hindi naging madali ang kanyang plano.

Holymancer : Unang AklatWhere stories live. Discover now