Chapter 30, part 2 : Disbandment of Dark Resurgence

795 103 11
                                    


Makaraang balian ng siko ni Clyde ang kaliweteng babaeng archer, agaran s'yang umatras para hindi s'ya maatake ng ibang hunters ng Dark Resurgence na nasa tabi n'ya lang.

Habang umaatras, nilibot n'ya ang mga mata. Siniguro n'ya munang wala ng magiging banta sa buhay n'ya.

Sa harapan ay nakita n'ya ang karamihan ng hunters. Ang hitmen duo na sina Pepe at Felipe ay nasa kalagitnaan ng formation.

Ang dalawang katatanggal lang ni Clyde na unnamed hunters sa labanan ay pawang mga backliner.

Nagulat si Clyde nang sumulpot sa periphery n'ya ang isang anino na hindi n'ya namamalayan.

"Sa likuran!" Huli ng pag-aalerto nina Pepe sa mga kasama.

Clyde felt a cold sensation moving towards his neck.

Ang tulin. Gulat na sabi ni Clyde.

He is at least as fast as me while using Aura augmentation. Hindi ko maiilagan. Clyde shivered at that thought.

Inangat ni Clyde ang kaliwang kamay n'ya. Napahigop ng malamig na hininga si Clyde matapos tumagos sa likod ng kaliwang kamay n'ya ang isang patalim.

Lagus-lagusan ang patalim sa palad ni Clyde.

Tumilansik ang mainit na likido sa kaliwang parte ng mukha n'ya.

Tinigasan ni Clyde ang kaliwang braso. Pilit n'yang inilalaban ang kaliwang kamay sa pilit na pagbabaon ng patalim ng kalaban na ngayo'y nakita na ni Clyde.

Magulong buhok. May malalamig na mga mata. Nag-iigting na mga panga habang pilit pwinepwersang itarak sa leeg ni Clyde ang patalim gamit ang dalawa nitong kamay.

Hindi pamilyar sa kanya ang mukha ng kalaban.

Napaisip si Clyde.

Base sa lakas at kakayahan nitong makalapit ng hindi n'ya naramdaman ang presensya, narating ni Clyde ang konklusyong isang rank S hunter ang isang ito.

Hindi inaasahan ni Clyde na may makakalaban pa s'ya ritong rank S hunter liban kay Raymond.

Isang itong variable.

Naalarma si Clyde.

Hindi n'ya na nagawang makaalis matapos ang isang sneak attack gawa ng variable.

Sa ngayon, nasa isang precarious situation si Clyde.

Sa kaliwang gilid n'ya ay naroon ang isang rank S hunter na matagumpay na nagpako sa kanya sa kinatatayuan.

Sa harap n'ya, hinarap s'ya ng tatlo sa mga hunter na nakikipaglaban sa grupo ng lizardmen. Kabilang rito ang hitmen duo na sina Pepe at Freddy. Parehong mga rank A hunter ang dalawa.

Sa kanan n'ya ay ang matutuling tumatakbong pasugod na sina Raymond at ang rank A mage.

Pumivot pakaliwa si Clyde para ibaling ang katawan sa kalaban. Walang pag-aaksaya ng oras na sinundan n'ya 'yon ng isang right cross.

Holymancer : Unang AklatWhere stories live. Discover now