Chapter 28, part 2 : Natural skill acquisition experiment complete!

840 115 20
                                    

Makaraan ng sparring nina Lillith at Javed ay sina Xerxes at Talal naman.

Sumampa ang dalawa sa ring.

Nang magkatabi sila kitang-kita ng lahat ang disparity nila. Hindi hamak na mas matangkad at mas malapad si Xerxes kay Talal. Kumbaga parang maglalaban ngayon ang isang elementarya at isang college student.

"Panoorin mo ko Lillith myloves. Patutumbahin ko si Talal para sa'yo." Proud na sigaw ni Xerxes na inikutan ng mata ni Lillith.

"Kapal ng mukha."
"Shameless."
"Kapal-apog."
"Talal patumbahin mo 'yang hambog na 'yan."
"Gulpihin 'yang nyakis na 'yan."
"Gulpihin 'yan."
"Go! Go! Talal!"

Napamaang ang seryosong si Talal ng biglaan s'yang ulanin ng mga pag-suporta.

Nag-umpisa ang labanan.

Ginamit ni Talal ang Philly shell guard at ang sideways stance.

Base sa keyword na sideways, ang boksingero ay nakaposisyon patagilid.

Sa Philly shell guard, ang rear hand ng boksingero ay nasa tapat ng kanyang baba upang protektahan ito. Samantalang ang lead hand ay nakababa. Pinoprotektahan ng braso ng lead arm ang katawan ng boksingero. Nakaturo ang kamao sa kanyang rear hip. Ang balikat ay nagpoprotekta rin sa baba ng boksingero.

Sa kabilang banda, naka-southpaw stance si Xerxes.

Agresibong sumugod si Xerxes kay Talal.

Ginamitan n'ya ng jab-cross combo ang dudungo-dungong taong-lobo.

Iniwasan ni Talal ang jab ni Xerxes at sinangga ang cross gamit ang shoulder roll. Iyon ang purpose ng Philly shell. Paggamit ng reflexes para iwasan ang mga suntok. At shoulder rolls para sa pagsangga sa hindi kayang ilagan.

Sumagot naman si Talal ng kanyang sariling jab-cross. Ngunit pumalya iyon dahil sa reach advantage ni Xerxes.

Sumagot naman si Xerxes ng limang sunod.

Ilag, shoulder roll, matuling pag-atras gamit ang sideways stance.

Walang nagkakatamaan sa dalawa.

Napaisip ang magkatunggali.

Mukhang matatagalan ang labang ito.

Hindi nga sila nagkamali.

Walang suspense na natapos ang labanan ni Xerxes at Talal. Nanalo si Xerxes via decision. Malaki ang advantage n'ya sa weight division at reach kay Talal. Kahit na ganun, pinahirapan pa rin s'ya ni Talal. Hirap s'yang hulihin ito dahil sa defensive boxing gamit ang Philly shell. Masyado itong mailap at magaling tumakas.

Ang kanilang laban ay naging boring at tila nagsilbing intermission sa kasunod na laban.

Malungkot at nakayukong bumaba si Talal ng ring.

Sa kabilang banda, masayang nag-cecelebrate si Xerxes.

"Nanalo ako Lillith. Hindi ko nga lang napabagsak. Parang kiti-kiti, e." Nagbingi-bingihan na lang ang mga kontra kay Xerxes. Kaya naman walang nakarinig ang mga ito ni isa sa sinabi n'ya.

...

Name : Walter
Alias : Volk 1
Race : Werewolf
Level : 90

Stats. :

Health : 1000/1000
Mana : 2700/2700

Str : 190
Vit : 100
Agi : 190
Int : 270
Per : 190

Skills :

Special :

Holymancer's Attribute (Max Level) : Adds Life and Death attribute to the holymancer and his binded summons. Gives complete immunization against evil, demonic, death, holy, and life attribute or skills. Amplifies the use of holy and life related attribute and skills greatly. Boost is hundred percent. (Passive)

Holymancer : Unang AklatWhere stories live. Discover now