Chapter 32, part 2 : Aizen Monasterio

568 83 8
                                    


...

"Tol!" Tawag ni Joshua sa kabilang linya kay Ice.

"Napatawag ka, bro?" Tanong ni Ice kay Joshua.

"May naisip lang ako." Umpisa ni Joshua.

"Ano 'yan? Siguruhin mo lang hindi kalokohan 'yan." May mapagbantang tonong turan ni Ice.

"Grabe ka naman, tol. Anong akala mo sa'kin? Pasaway?" Giit ni Joshua sa mapang-akusang komento ng kababata.

"Hindi, bro. Hari ng sablay."

"Naknang!"

"Totoo naman Joshua. Last week lang nang huli kang pumalpak. Inassign tayo nun mag-traffic last week."

"Hindi ko kasalanan yun, tol. Kasalanan yun ng ale." Defensive na tanggi ni Joshua.

"Hindi tol. Kasalanan mo yun." Giit ni Ice.

"Nagpatulong sa'yo yung humahangos na ale, bro. Hinahabol s'ya ng isang lalaki. Pinatakbo mo ang babae at sinapak mo ang lalaki nang dumaan s'ya sa tapat natin." Pagbabalik-tanaw ni Ice sa naganap.

"Kung ikaw naman ang nasa kalagayan ko parehas din naman ang gagawin mo, 'di ba 'tol?" Pangungumbinsi ni Joshua kay Ice.

"Hindi. Masyado kang padalos-dalos. Hinusgahan mo na agad sila. Dahil ang babae ay yung ale, inassume mo na agad na ang mama ang may kasalanan. Kung ako yun hindi ko paaalisin ang babae. Mas mapoprotektahan ko s'ya sa tabi ko kung s'ya nga talaga ang nasa panganib." Makahulugang sagot ni Ice.

"Kasunod noon ay dadaanin ko muna sa diplomasya ang lalaking humahabol sa ale. Iyon ang tamang mindset ng isang pulis.

Tatanungin ko ang mama kung bakit n'ya s'ya hinahabol. Pero hindi yun ang ginawa mo. Sinapak mo s'ya, real quick."

"Speed lang." Nag-side comment pa si Joshua.

"Kaya nakatakas yung ale tangay-tangay ang wallet ng mama." Nalukot ang mukha ni Joshua sa kabilang linya.

"Exception yun tol. Exception." Asik pa ni Joshua.

"I doubt it. Last, last week lang..."

"Meron pa?" Gulat na giit ni Joshua sa kausap.

"Oo. Manahimik ka muna." Sulpadong pagsaway ni Ice kay Joshua.

"Tsk!"

"Sigurado akong naaalala mo ito, bro.

Habang nagpapatrolya tayong dalawa two weeks ago may lumapit sa ating babae. Nanghihingi rin ng tulong. Maganda yung babae for sure naaalala mo.

Kuyang pulis pahawak naman nitong mani ko. Sabi noong babae sa'yo.

Nagulantang ka.

Si-sigurado ka? Nag-aalangang sabi mo.

Sa pagkumpirma n'yang 'yon muntik mo ng hawakan ang hindi mo dapat hawakan kung hindi ko pa hinablot ang kamay mo para ikaw ay aking mapigilan.

Napatili ang babae sa akmang gagawin mo.

Dahil masyado kang distracted sa ganda n'ya hindi mo napansin ang basket na lalagyan ng paninda n'yang mani. Meron kasi s'yang nalaglag nakalimutan. Eksaktong tayong dalawa lang ang nasa lugar na yun sa tamang oras.

Inis na inis sa'yo yung babae. Kung hindi ko pa napakalma at sa sinsero mo na ring paghingi ng paumanhin, malamang sa malamang ay nasampahan ka pa ng sexual harassment kung nagkataon." Iiling-iling na turan ni Ice.

"Hindi ko talaga napansin yung paninda n'ya. Tsaka magkakahulugan ang dalawang yun." Depensa pa ni Joshua.

"Hindi bro. Sadya lang talagang may pagkamanyakis at hari ng sablay ka." Giit naman ni Ice sa kaibigan.

Holymancer : Unang AklatWhere stories live. Discover now