Chapter 29, part 2 : Start of a fall

1K 133 16
                                    

"Tara na." Utos ni Rudy sa mga kasama n'ya.

Sa likuran n'ya ay naroroon ang mahigit sampung mga taong nakabuntot sa kanya.

Bawat isa sa kanila ay nakasuot ng makukulay at kaagaw-agaw pansing mga damit. Ang iba sa kanila ay mga nakasuot ng mabibigat na baluti. Ang iba naman ay may mukhang magagaan at maiikling baluti na probokatibo sa mga mata. Meron namang maninipis na gawa sa telang damit. Ang pagkakatulad-tulad lang ng mga ito maliban sa may bibtit silang mga sandata ay ang markang nakalagay sa iba't-ibang parte ng kanilang mga kasuutan.

Isang emblem na isang malaki at puting bato. Ito ang marka ng pagkakakilanlan ng isang kilalang guild sa Bulacan, ang Immovable Boulders.

Ang guild na ito ay isa sa iilang guild na itinuturing na malakas kasunod ng Dark Resurgence, ang guild na officially recognized as the best sa Bulacan.

Of course ang Dark Resurgence ay ang natatangging 1st tier guild dahil sa dalawang rank S hunters nila.

Ang 2nd tier na kinabibilangan ng Immovable Boulders ay hindi nilalagay sa mata ng mga myembro ng Dark Resurgence. Iyon naman ay normal sapagkat kung sa lakas lang ng guild ang pagbabasehan, ang Dark Resurgence ay ang runaway winner kahit pagsama-samahin pa ang lahat ng bawat 2nd tier guilds sa Bulacan.

Kahit na ganun, ang Immovable Boulders ay kilala dahil sa iba't-ibang kadahilan. Ang ilan rito ay kahanga-hanga. Ang iba naman ay kakatwa.

Laman ng katatawanan sa mga usapan sa komunidad ng mga hunter ang Immovable Boulders dahil sa kanilang kakaibang pangalan. Sabi ng karamihan ay sa dinami-rami raw ng cool na pangalang maaaring gamitin ay Immovable Boulders pa raw ang napili ng kanilang lider. Hindi pa nakontento at talagang ginawang emblem ang isang bato.

Sa parehong dahilan ay hinangaan ang guild na ito ng kanilang supporters.

Ang tunay na mga tagasunod ng Immovable Boulders ay ang nakakaalam ng tunay na kahulugan ng pangalang Immovable Boulders at ng simpleng emblem nila.

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na ang lider ng nasabing guild ay dating myembro ng Dark Resurgence.

Tumiwalag si Rudy dahil hindi n'ya maatim ang buktot at kasuklam-suklam na gawi ng Dark Resurgence.

Itinatag n'ya ang Immovable Boulders sa pagtataguyod ng patas at payapang environment para sa mabubuting hunters na nais pumisan sa Bulacan.

Ang Immovable Boulders ay sumisimbolo sa hindi matitinag na patas at maayos na prinsipyo nila sa kabila ng mga temptasyon.

Alam ng lahat na ang mga pinag-iinitang hunters ng Dark Resurgence ay malugod na tinatanggap ng Immovable Boulders. Kaya naman bukas na sikreto sa lahat na mainit ang mata ng isa't-isa sa magkabilang guild.

"Ayan na ang mga myembro ng Immovable Boulders." Hiyaw ng isang normal na tao matapos lumabas ng mga myembro ng naturang guild sa kanilang base.

Lokal na celebrities ang mga myembro ng Immovable Boulders lalo na sa mga normal na tao. Nagsilbi silang inspirasyon sa mga naaapi ng Dark Resurgence.

Hindi naman na nagulat ang grupo nila Rudy dahil pangkaraniwang kaganapan 'yon sa kanilang bisinidad. Ang iba pa ngang myembro ng guild ay kumaway pa sa mga tao sa paligid.

Sa likuran ng grupo ay may dalawang babaeng nag-uusap.

"Nararamdaman mo pa rin bang may nagmamatyag sa'yo?" Tanong ng isang babaeng hunter na matikas.

"Hindi na masyado." Tugon sa kanya ng isang babaeng may maamong bikas.

Kung nakikita ni Clyde ang dalawa ay agad n'ya silang makikilala. Sila ang dalawang babaeng hunters na nakasama n'ya sa dual dungeon incident kung saan nakamtan ni Clyde ang Holymancer system.

Holymancer : Unang AklatWhere stories live. Discover now