Chapter 23, part 3 : Ang Nightmare demon at hidden quest

776 116 14
                                    

Lumipas ang taon at ngayo'y 4th year na sa high school si Clyde.

Sa pagpasok ng taon ay unti-unti ng gumaganda ang pangangatawan n'ya.

Sa taong din ito, naging kaklase ulit n'ya sina Vincent at mga kabarkada nito.

Si Vincent ay isa sa rason ng pagkakadisgrasya n'ya at isa sa mga nanti-trip sa kanya simula ng magka-anxiety disorder s'ya.

Patuloy pa rin sila sa pambwibwisit sa kanya sa araw-araw sa 4th year.

Kaya naman mas naging tahimik sa klase si Clyde. Ang hindi nila alam, tatahi-tahimik man si Clyde ay may plano na sa kanila ang binu-bully.

...

Isang araw narinig ni Clyde na pinag-uusapan ang mga taga-ibang section.

"Lakas nilang pagtripan si Lana." Sabi ng isa.

"Oo nga, e. Mga walang magawa sa buhay." Singhal pa ng isa.

Kilala ni Clyde si Lana 1st year pa lamang s'ya. Naririnig n'ya noon pa lang na tampulan na ito ng tukso, lako na ng mga lalaki.

Maitim kasi ang babae. Hindi rin kagandahan ayon sa normal na pamantayan ng society. Meron pa itong malaking nunal sa mukha na kasinlaki ng jolen.

Maliban kay Lana, pamoso ring pinagkakatuwaan si Princess na kaklase noon ni Clyde ng s'ya ay 1st year pa dahil sa anghit nito. At si Jenny, isang mataba at matangkad na ka-year nila Clyde. Sobra-sobrang body shaming ang natatamo ni Jenny sa mga kaklase.

"Seriously! Humans are really fucked up creatures. Para i-uplift ang mga sarili ay hindi sila mag-aatubiling i-down ang kapwa tao nila. Kaya naman nag-desisyon akong pagbayarin ang mga ganoong uri ng tao. Pero that have to wait. Kailangan ko munang tapusin ang pag-aaral ko at maging successful. Money and power. Kailangan ko n'yan. Dalawang bagay that go hand-on-hand. Magagawa ko ang lahat ng nais ko kapag nasa akin ang dalawang bagay na 'yan. One or two shits will be nothing in face of absolute power. I'll make them suffer a fate worse than death. Kamatayan? Bakit ko ibibigay sa kanila 'yan. Bakit ko sila patatakasin sa hinahanda kong regali sa kanila? Regalo ng takot." Bulong ni Clyde habang pinagmamasdan n'ya ang mga nagaganap na bullying sa eskwelahan n'ya.

Nang magbakasyon si Clyde matapos ang 3rd year, nag-isip-isip s'ya. In the end, nag-arrive s'ya sa isang conclusion. Sa lahat ng pinagdaanan n'ya at ng mga taong nabu-bully sa paligid n'ya, ang pagpapakita ng awa ay hindi kasama sa pagpipilian.

Ang pagpapalit ng mabuting mindset patungong sa isang psychotic mindset ni Clyde ay hindi nahalata ng ninuman.

Bakit? Whenever nakakasalamuha n'ya ang taong may galit s'ya o mga taong walang kinalaman sa kanya ngunit palagay n'ya ay nararapat sa torturious pain sa hinaharap, he'll smile at them sincerely. Paano n'ya nagagawa 'yon sa kabila ng matinding poot? He'll imagine the most beautiful happenings in his life. Kahit kailan hindi pa iyon pumalya. They fall for it. Maaaring ang iba roon ay mukha s'yang tanga sa paningin nila, ngunit wala s'yang pakialam. Afterall, they'll suffer horribly in the future.

An evil smile is plastered on his normal looking face.

...

"Isang normal na hapon sa boring na school life ni Clyde, habang sila ay naglalaro sa loob ng classroom, bigla na lang s'yang kwinelyuhan ni Vincent.

"Bugok ka!" Sabay suntok na mukha n'ya nito.

Napaatras si Clyde sa lakas ng pagkakasapak sa kanya.

Naramdaman n'ya rin ang init na dumadaloy sa ilong n'ya patungo sa kanyang nguso.

Hinawakan n'ya 'yon at nadiskubreng dumudugo ang ilong n'ya.

Holymancer : Unang AklatWhere stories live. Discover now