Chapter 16, part 2 : Day of the fated clash

945 117 4
                                    

Bumalik ang ulirat ni Clyde ng tapikin s'ya ni Jake sa balikat. Napatingin s'ya sa kaibigang nakangiti pero halata ang pangamba sa mga mata.

"Let me introduce my friend to you! This is Clyde. Clyde they are the famous rank S hunters of La Liga Filipina." Bumaling ang tingin ni Clyde sa dalawang tao sa kwarto na hindi n'ya napansin.

Tumayo ang dalawa sa pagkakaupo. Sa aksyon pa lang nahalata na ni Clyde na 'di sila tipikal na mga rank S hunter. No ego for S rank hunters. Pinakitaan nila ng respeto si Clyde na hindi naman talaga nila kilala.

"Flare Lee known as the Blue Flare. Considered as the strongest mage. The combat mage." Haya ng kamay ni Jake sa lalaki.

"The one inagurated as the Saintess by Vatican. The very famous vice leader of La Liga, Crissa Eliseo." Nakangiting binati ng magandang babae si Clyde.

"Nice to meet you Clyde." Mahinhing bati ng babae sa bidang hunter.

"It is an honor to meet you two. Lalo na para sa isang simpleng hunter kagaya ko." Nakangiting turan ni Clyde.

Nginitian lang s'ya ng dalawa bago ito magtinginan.

"Jake kailangan na naming umalis. Huwag ka na ring mag-alala. Maraming nawalang dugo kay Angel kaya hindi pa s'ya nagigising. Magigising din s'ya." Mahinhing paliwanag ng the Saintess.

Namamanghang pinagmasdan ni Clyde ang likod ng dalawang hunter. Maaaring sila ay mababait na hunter ngunit halata sa kanilang mga tindig ang confidence sa sarili.

"Anong ginagawa nilang dalawa rito?" Baling ni Clyde kay Jake.

"Hiningi ko ang tulong ni Crissa para iligtas ang buhay ni Angel." Naririmarim na paliwanag ni Jake.

Inumpisahan nitong magkwento. Napag-alaman ni Clyde may mga namatay sa pinasok nila Jake na dungeon. Fortunately, nabuhay pa rin si Angel. Although, she is almost cut in half.

Matapos ang kwento ni Jake kay Clyde, bahagya ng nakaawang ang bibig ni Clyde. Nawalan ng kulay ang mukha sa pag-aalala sa babae.

"Sa'yo lang naman nakikinig si Angel, Jake. Pagretiruhin mo na kaya s'ya sa pagiging hunter?" Suhesyon ni Clyde.

"You know I'll do it bro. Pero kilala mo naman si Angel. She is stubborn and independent. I think the chance is slim but I'll try to convince her." Sagot ni Jake.

Tinitigan ni Clyde ang natutulog na dalaga. Hindi n'ya ginagawang ikubli ang pag-aalala sa mga mata.

...

Sa labas, lahat ng nakakasalubong ng dalawang rank S hunters ay name-mesmerize sa kanila. Ngunit hindi nila 'yon napapansin sapagkat sanay na sila sa atensyon.

"Ano sa tingin mo, Crissa?" Biglang tanong ni Flare sa kasama.

"What do you mean, Flare?" Balik tanong ni Crissa.

"I'm talking about that guy. That Clyde. What do you think about him?"

"He is trying hard to hide his strength. Clearly not working." Sagot ni Crissa. "Kahit anong gawin n'yang pagtatago, sa intensity ng aura na nakapalibot sa kanya, imposibleng itago ang kapangyarihan n'ya." Mahinhin pa ring paliwanag nito.

"Sa'yo Flare? What's your impression of that guy, Clyde?"

Masayang pumalatak si Flare.

"Same impression. He is strong. I want to fight him." Statement ni Flare. Kuminang ang mata n'ya sa antisipasyong pagkalaban sa bagong litaw na kompetisyon.

"Aray!" Daing ni Flare. Binatukan s'ya ng babae.

"Stop causing trouble for the guild. Grow up Flare. Stop being a battle junkie."

Holymancer : Unang AklatWhere stories live. Discover now