Chapter 27, part 1 : Ang unique na kapangyarihan, apostle arts!

796 110 10
                                    

"Class C dungeon? Parang hindi naman. This could be a hard debut for Kaiyo." Komento ni Clyde ng magisnan n'ya ang mga halimaw sa harapan. Iyon ay pagkarating na pagkarating nila sa loob ng class C dungeon.

Sunod-sunod na liwanag ang lumabas sa likuran ng nakapamulsang si Clyde.

Sa pagkawala ng liwanag ay nagsulputan ang daan-daang taong-lobo.

"Kamusta master." Sabay na bati nina Zigmund at Walter kay Clyde.

Sa likuran nila ay naroroon sina Lillith, Talal, Javed, Xerxes, Uta, Yaniv at iba pang mga dating alpha.

Isa-isa s'yang binati ng mga ito.

"Magandang araw rin sa inyo." Ani Clyde.

"S'ya nga pala si Kaiyo. Isa sa mga kaibigan ko." Pagpapakilala ni Clyde sa unang apostol sa mga taong-lobo.

"Nice meeting you."
"Kinagagalak kitang makilala."

"Kinagagalak ko rin kayong makilala." Sagot ni Kaiyo.

Hindi na gaanong nagulat si Kaiyo sa mga nagsasalitang summon ng kanyang master.

Sa bahay pa lang sa Palayan City ay naipaliwanag na ni Clyde ang sitwasyon. Ibinunyag n'ya rito ng lahat ng nalalaman n'ya sa kapangyarihan ng Holymancer.

Ginawa iyon ni Clyde upang ipakita ang sinseridad. Upang ipakita na may tiwala s'ya sa unang apostol. Para ipakitang magkapantay lang sila bilang mga biniyayaan ng Maykapal ng espesyal na kapangyarihan.

From my standpoint, hindi rin naman disadvantageous sa'kin ang pagbubunyag ng parteng ito ng sikreto. Afterall, alipin pa rin naman si Kaiyo. Mukha mang cold ang pagiging calculating ko, wala akong magagawa, kailangan ko pa ring mag-ingat.

"Unang beses itong susuong ni Kaiyo sa matagal ng panahon. Sa palagay ko ay masyadong mahirap ang napili kong dungeon. Maaari n'yo bang tulungan s'yang padaliin ito?" Tanong n'ya sa mga taong-lobo.

"Walang problema, master." Pagsang-ayon ng mga taong-lobo kay Clyde.

"Sa palagay ko rin ay masyadong mahirap para sa kanya ang lumaban sa mga lumilipad na kalaban. Lalo pa at ngayon lang ulit s'ya susuong sa labanan. Hindi lang 'yon, masyado ring silang marami." Turan ni Lillith.

"Akong bahala sa mga insekto sa himpapawid sa isang kondisyon." Dagdag pa ni Lillith.

"Ano 'yun?" Tanong ni Clyde.

"Tsokolate." Naglalaway na sabi ng dalagitang taong-lobo. Kahit na tumutulo ang laway sa pagkatakam ay hindi pa rin nawawala ang kacutan ni Lillith.

"Walang problema. Maliit na bagay lang 'yon. Wala ng oras. Laban na." Natatawang sabi ng Holymancer sa summon n'ya.

Sabay-sabay na pumulas para salubungin ng mga taong-lobo ang papasugod na mga higanteng insekto.

Ga-platito ang bilog na ulo ng mga insekto. May pagkakulay kahel ang mga ulo nila. Meron din silang pares ng malalaking sobrang itim na mga mata. May isang pares ng mahahaba at payat na itim na antenna.

Meron silang isang pares ng pakpak. Ang mga pakpak ay maninipis. Sa sobrang nipis ay transparent na ang kulay kahel na pakpak.

Sa pagdating ng mga taong-lobo sa harapan ng mga insekto, ay ang s'ya namang oras ng kamatayan ng mga kawawang nilalang.

Walang kahirap-hirap na pinuksa ng mga taong-lobo ang mga insekto.

Nahati o napisak na sila ng mga taong-lobo bago pa man sila maka-react papulas sa mga halimaw na summon ni Clyde.

Holymancer : Unang AklatWhere stories live. Discover now