Chapter 36, part 2 : South Korea's Counterattack

411 72 15
                                    

"Tama na. Parang awa n'yo na." Sabi ng isang nakasalampak at nanginginig na lalaki sa isang sulok ng isang madilim na kwarto. Pilit nitong tinatakpan ang magkabilang tainga.

Ngunit, 'di epektibo ang kanyang ginagawa. Rinig na rinig pa rin ng lalaki ang pagtangis at paghingi nang saklolo ng isang boses ng babae.

That voice, hinding-hindi s'ya magpapauto sa mapanlinlang na boses na 'yon. Ilang oras pa lang ang lumilipas nang marinig n'ya ang boses na may sa demonyong 'yon. Ang lahat nang nalinlang ng boses at tumungo sa gubat na pinanggagalingan nang panghihingi nang tulong ay 'di na muling nakabalik pa. Di kalaunan ay may isa sa matatandang kanayon ang nagsalita at nagpaalala sa kanila ng isang mitolohiya ng Korea. Ayon sa matanda, ang mapanlinlang na boses ng babaeng nanghihingi ng tulong ay mula sa isang halimaw. 'It' was a monster that have an appearance of a tiger. Nababalot ang katawan nito ng puting balahibo.

Before the appearances of the dungeons, may mga sabi-sabing nananahan ito sa Busan, sa bundok Jamgsan. Mula sa pangalan ng bundok isinunod ang ngalan ng halimaw, Jamgsan Tiger. Ayon sa mga sabi-sabi ang Jamgsan Tiger ay may kakayahang gumaya ng boses na pambabae.

Kaya naman nang mapagtanto ng kanilang mga kanayon ang nangyayari ay tumigil na sila sa pagtungo sa kagubatan malapit sa kanilang nayon upang magmagandang-loob.

Ngunit ilang oras lang ang lumipas ay lumala ang sitwasyon. Dumami ang boses ng mga babaeng humihingi nang saklolo mula sa kagubatan. Di lang doon yun nagtapos. Ang daang-daang boses ng mga babae ay unti-unting lumapit sa nayon.

Laking gulat ng mga taga-nayon nang nagsulputan ang sangkatutan na Jamgsan Tigers sa harapan nila. Di nagpaligoy-ligoy ang mga halimaw na may anyong tigre. Nagsimula ang isang trahedya. Kinain ng mga Jamgsan Tiger ang sinumang makita nilang tao mula sa kanilang bisinidad.

Mabuti na lang ay nakatakas ang lalaki. Takot na takot itong nagtago sa basement ng kanyang tahanan. Ang mga natirang kanayon ng lalaki ay pawang ang maliliksi lamang ang isip upang maisipang magtago sa kani-kanilang mga basement. Kahit na nakaligtas ay nasa panganib pa rin sila. Di nila sigurado kung madidiskubre ba ng mga halimaw na tigre ang existence ng basements.

There is also the concern of being trapped in their basements. The real concern should be the possibility of starving to death with no food supplies prepared. Also, what they didn't knew was that their whole province, Gangwon, was also undergoing a disastrous upheaval.

On Taebaek Mountains, a mountain range that lies along the eastern edge and eastern coast of the Korean Peninsula, a disturbing event is happening. Out of thin air, monsters that resembles huge birds with human faces keep on spawning.

According to the news that Clyde have read online, no monsters that appeared were capable of flight. It is safe to assume that these are new breed of monsters. The characteristics of this new breed of monster align with one such creature in Korean Mythology, an Inmyeonjo.

Dumilat ang mga mata ng mga halimaw na Inmyeonjo na karamihan ay babae. Sa pagbuka ng kanilang mga nagbabagang mga mata ay mahahalata ang malice rito. Walang inaksayang panahon ang mga halimaw. Lumipad sila sa direksyon pababa ng kabundukan patungo sa probinsya ng Gangwon.

Sa himpapawid, sa boundary ng Seoul at Gangwon ay may kapapasok lamang na maliit na bagay. Kung titingnang mabuti ay dalawa iyong tao. Ang isa rito ay isang babaeng pumapagaspas ang luntiang pares ng mga pakpak na gawa sa mga halaman. Samantala, bitbit-bitbit n'ya ang isang balbas-saradong may edad na lalaki ngunit ang nakatataka sa lalaki ay ang kanyang tangkad. Kung ang katawan at ang mukha ang titingnan ay masasabi mong naglalaro ang edad nito sa trente hanggang singkwenta. Kasalungat noon ang kanyang taas na maihahalintulad lang sa isang batang mukhang kasalukuyang nasa elementarya pa.

Holymancer : Unang AklatWhere stories live. Discover now