Chapter 30, part 1 : Disbandment of Dark Resurgence

859 105 17
                                    

Nakamaang ang lahat ng hunters ng Dark Resurgence sa mala-kotseng bilis na kalabang papalapit sa kanila.

Hindi nila alam ang gagawin.

Hindi nila alam ang uunahin.

Dapat ba nilang pagtuunan ng pansin ang mga kalabang reptilya?

O dapat bang ang pinakamalaking banta na kayang kumitil sa kanila ng walang kahirap-hirap?

They are feeling helpless.

Mabigat ang kanilang pakiramdam.

They are moving sluggishly because of the feeling they started to recognize as fear.

Dahil sa takot, ang ilan sa hunters ng Dark Resurgence ay napuruhan ng mga lizardmen.

"Magsikilos kayo mga tanga! Lumaban kayo! Sugurin n'yo s'ya!" Bulyaw sa kanila ng may gamit ng mga palakol. Isa sa limang rank A hunters ng guild sa dungeon raid.

Isang segundo ang lumipas ay walang umabante sa mga hunter.

Sa inis ng rank A hunter ay pinalakol nito ang likuran ng isang kasama.

Malakas ang tunog na bumagsak ito sa lupa. Umagos ang napakaraming dugo.

Gulat na gulat ang mga hunter ng Dark Resurgence sa ginawa ng kasamahan.

"Mas lalo tayong mawawalan ng tiyansang manalo kung hindi kayo kikilos mga hunghang. Kapag hindi kayo sumugod ako mismo ang papatay sa inyo." Pasigaw na banta ng rank A hunter.

Namutla ang mga myembro ng Dark Resurgence. Napatiim-bagang ang ilan dito.

Isa-isang mabagal na napilitang nagsi-abante ang mga hunter.

Kahit anong desisyon ay malaki ang tiyansang mamamatay sila. Kaya naman sa desperasyon, mas pinili na ng mga hunter na atakihin ang kalaban. Sa ganoong paraan, kapag nakalabas sila ng buhay sa dungeon ay meron pa rin silang proteksyong matatanggap.

Seryosong inangat ng mga hunter ang kanilang mga sandata.

"Spread out sa ganoon ay mas malaki ang tiyansa nating makapagpatama ng atake." Utos naman ng isa pang rank A hunter.

"Huwag n'yo hayaang magambala ng perwisyong 'yan si Raymond." Dagdag pa ng gumagamit ng palakol.

Patagang umatake ang unang hunter na sumugod sa kararating lang na misteryosong hunter.

Hindi naman nagpahuli ang kanyang mga kasama.

Sa kaliwa ay pasaksak na tinira ng isang spearman ang kanyang maiksing sibat.

Ang ikatlo naman ay umatake mula sa kanan. Ito ay ang rank A hunter na gumagamit ng dalawang palakol.

Sa likuran ng tatlo ay ang iba pang hunters na tumatakbo para palibutan si Clyde.

Napilitang huminto sa pagsugod kay Raymond si Clyde.

Pinagmasdang ni Clyde ang mga hunter sa harapan n'ya.

Inangat ni Clyde ang dalawang kamay para sa isang boxing stance.

Nag-focus si Clyde sa tatlo at mababagal nilang pag-atake.

Sinabayan ng Holymancer ng matuling pag-step-in ng kanyang kaliwang paa ang pababa ng pagtaga ng kalaban n'ya sa harapan.

Tiniming ni Clyde ang isang full powered lead hook nang ang espada ay nasa tapat na ng kanyang ulo.

Inasinta n'ya sa brasong may hawak-hawak ng espada ang suntok.

Pinaghalong tunog ng paglagutok at hiyaw ang umalingawngaw ng kumonekta ang kanyang lead hook.

Holymancer : Unang AklatWhere stories live. Discover now