Chapter 18, part 2 : The chase amd the encounter

881 120 15
                                    

Namutla si Clyde. Pansamantala itong natulala. Nakatingin ang hunter sa kanila lang na kinatatayuan.

Pulos usok na lang ang natatanaw n'ya sa pwesto dahil sa matinding mga atakeng tinamo.

Maswerteng nakaligtas ang hunter sa surpresang pag-atake, sapagkat alisto s'ya at hindi minamaliit kailanman ang kalaban. Higit sa lahat, hindi pa n'ya nailalabas ang lahat ng alas.

Salamat sa pagsasakripisyo ni Maria sa sarili nabigyan n'ya ng kakarampot na sandali para maka-react si Clyde sa supresang atake mula sa himpapawid.

Karagdagan sa pagbibigay ng babala, ginamit din ni Maria ang katawan para ipanangga sa magic spells ng kalaban. Dahil doon, nagkaroon ng pagkakataon si Clyde upang i-activate ang skill na naka-attach sa isa n'yang equipment. Ang blink skill sa Phantasmal boots ni Clyde.

...

Phantasmal Boots

- When wearing, it gave the skill blink to the user. When used, it leaves a real life afterimage of the user causing confusion to everyone.

Mana required : 500
Cooldown : Once a day

...

Sinamantala ni Clyde ang ginawang opening na 'yon ni Maria. Daglian n'yang inactive ang skill. Ang direksyon kung saan s'ya nag-blink ay sa kanyang likuran. Papalayo sa lahat ng mga sumusunod sa kanya.

Kasalungat naman ang sinapit ng kanyang mga summon sa matagumpay n'yang pagtakas. Sa maikling panahong nag-blink s'ya ay ang s'ya namang sunod-sunod na pagkagapi ng limang summons.

Unang naglaho si Maria. Ang diwatang summon kasi ang unang sumalubong sa mapaminsalang magic spells.

Sumunod ay si Alejandro. Sinamantala rin nina Roger at kasama n'yang si Xiao Lei ang supresang atake ng mga kasama. Maliksi nilang dinispatsa ang duwendeng tank.

Kasunod noon ang paglalaho ni Eba, ang batang mangkukulam at maging ang kanyang mga replikang likha. Si Sylvester, ang kanyang personal ba mount, na pawang summon din ni Clyde. Direkta silang tinamaan ng mapaminsalang mga magic spell. Na nagdulot ng kanilang pagkagapi.

Huli, si Mark, ang dating hitman ng Dark Resurgence. Marahil ay nakapagtataka kung bakit nagapi ang marksman gayong ito ang pinakamagaling sa pag-detect ng mga surpresang atake gawa na rin ng stat. distribution n'ya. Sa kada level n'ya ay inilalagay ang stat n'ya sa perception, intelligence at agility. Ang perception ay binibigyan s'ya ng kakayahan para mas madaling i-detect ang mga presensya sa paligid. Ang agility ay magbibigay sa kanya ng natural na liksi upang mag-react sa mga bagay-bagay sa paligid. Ang intelligence ay magbibigay rito ng angking talino upang pumili ng mga paraan para ma-i-execute ang naturang plano.

Sa totoo lang, sa panahong 'yon, imbes na umilag sa atake ay piniling samantalahin ni Mark ang pagkakataon para atakihin si Roger. Gusto n'yang turuan ng leksyon ang guild na trumaydor sa kanya.

Alam n'yang hindi naman s'ya mamamatay talaga dahil hanggang buhay ang nagsu-summon sa kanya, paulit-ulit lang s'yang i-susummon nito.

Ngunit hindi nagtagumpay ang nasabing plano.

Bakit?

Napansin ng bagong dating na sina Raymond Dominguez at Lu Men ang pagtutok ni Mark ng baril sa mga kasamahang hunter.

Walang-habas na pinaulanan ng mas mahihina ngunit mas matutuling pag-atake si Mark ng dalawa. Walang nagawa si Mark kundi ang maglaho ng hindi man lang nakakalabit ang gatilyo. Kaya naman tanging si Clyde lang ang natira sa kanyang panig.

Holymancer : Unang AklatWhere stories live. Discover now