Chapter 3, Part 1: Penalty zone

2.2K 185 13
                                    

"Clyde! Clyde!" Sabi ng isang kahali-halinang tinig na nagpabilis ng tibok ng puso ni Clyde.

Pilit n'yang hinahanap ang tinig na nanggagaling kung saan mang sulok ng gubat. Pilit n'yang sinusundan ang alingawngaw ng tinig.

Tinahak n'ya ang masuyak na gubat hanggang sa bigla s'yang nasilaw sa liwanag.

Ang tinig na kanina n'ya pa naririnig ay mas lalong lumakas. Sigurado s'yang nasa harapan n'ya na ang may-ari ng tinig.

Unti-unti n'yang minulat ang kanyang mga mata.

Ang tumambad sa kanya ay isang puting kisame.

"Clyde!" Sambit ng tinig.

Marahang ihinilig ni Clyde ang ulo sa kaliwa. Nasilayan n'ya ang maamong mukha ng isang magandang dilag. Nagkataon ding isa ito sa dalawa n'yang kaibigan, si Angel.

"Oi pre nagising ka na rin." Tila ba natauhan si Clyde. Tumigil s'ya sa paninitig sa mukha ng kaibigan.

Sa likuran ni Angel, nandoon si Jake, ang isa pa sa dalawang kaibigan.

Isang munting ngiti ang isinagot n'ya kay Jake. Nadiskubre n'ya kasing nanghihina pa s'ya para sumagot.

"Ang kuripot talagang sumagot ni Clyde kahit kelan." Nagbibirong turan ni Angel sa reaksyon ni Clyde.

Binalewala lang 'yon ni Clyde. Kilala na n'ya si Angel. Kapag napansin n'yang apektado ka sa sinabi n'ya, mas lalo ka pa niyang aasarin.

"Angel! Kahit ngayon lang 'wag mo munang pagtripan si Clyde. Siguro nanlalata pa s'ya? Understandable naman dahil tatlong araw s'yang natutulog." Pagdepensa ni Jake kay Clyde.

"Tatlong araw?" Gulat na bulalas ni Clyde sa sinabi ni Jake. Mahina at paos ang pagkakabigkas noon ni Cylde.

"Oo pre." Tipid na sagot ni Jake.

"Alalang-alala kami sa'yo. Lahat kasi kayong na mga pumasok sa dungeon na pinasukan mo ay lumabas ng walang malay. Isang strange incident talaga. Yung apat na kasama mo ay nagising din sa parehong araw na lumabas kayo sa dungeon. Pero ang mas nakakapagtaka ay lahat sila walang maalalang kakaiba kung bakit sila nakatulog. Tapos ng hindi ka pa rin nagigising ng dalawang araw na, mas lalo kaming nag-alala." Nawala na ang nagbibirong bikas ni Angel. Napalitan ito ng pag-aalala.

"Iyak ng iyak si Gaea. Naaawa na kami sa kanya kaya-- " Biglang natigilan sa pagsasalita si Angel na para bang may kung anong naalala.

"Si Gaea nga pala!" Napatili pa s'ya ng maalala ang kapatid ng kaibigan.

"Balitaan mo muna si Gaea. Ako na ang bahala kay Clyde. Sabihan mo na rin sa nurse station na gising na si Clyde." Lingon ni Jake kay Angel.

Nagmamadali at walang imik na lumabas ng kwarto si Angel.

Pansamantalang nanaig ang katahimikan sa kwarto. Para bang naninimbang ang dalawa kung sino ang unang magsasalita. Naupo muna si Jake sa isang upuan sa loob ng kwarto ng ospital.

"Kamusta ka na pre? Ano ba talaga ang nangyari sa loob ng dungeon?" Hindi mapigilang magtanong ni Jake. Marahil na rin siguro sa matinding interes sa misteryosong nangyari sa grupong sinamahan ng kaibigang hunter.

"Eto gaya ng sabi mo nanlalata pa nga. Wala rin akong maalala sa nangyari sa loob ng dungeon gaya nilang apat pare." Nahihirapang magsalitang tugon ng hunter na nagkaroon ng ikalawang pagkakataon.

Napagdesisyunan niyang itago ang mga nangyari sa loob ng dungeon.

Una sa lahat, sa tingin n'ya, ang holymancer ay ay isang form ng re-awakening. Oras na mabunyag 'yon, mapupunta na s'ya sa spotlight. Si Clyde kasi ay isang wirdong tao na mas pipiliing gumawa ng mga bagay na mabubuti ng palihim. Hindi kasi siya tipo ng taong pinangangalandakan ang magagandang ginawa para purihin ng iba. Sapat na sa kanyang ang nasa taas lang ang nakakakita ng mga 'yon.

Holymancer : Unang AklatWhere stories live. Discover now