Chapter 35, part 2 : World's number three, Masahiro Musashi!

427 72 11
                                    

Napasalampak at nangangatog si Noel sa kinatatayuan n'ya kanina. Hindi n'ya inaasahang biglaan na lang s'yang papuputukan nitong bagong dating. Halos maihi s'ya nang madiskubreng muntikan na s'yang mamatay roon. Higit sa lahat ay 'di n'ya inaasahang isang hunter ang pakialamerong dumating na nagligtas kay Gaea at sa isa pang matandang pakialamero. Ang mga balang nakabaon sa kung saan-saang parte ng eskinitang 'yon ay pawang mula sa daliri nitong hunter. Ang puluhan ng sampung daliri sa kamay ng hunter ay nakabukas kung saan lumabas ang mga bala.

Pilit tinayo ni Noel ang sarili.

"Sir! Ano ho bang naging atraso namin sa'yo? Bakit n'yo kami pinagdidiskitahang mga simpleng tao lamang? Isa kayong hunter." Matigas n'yang sabi.

Kahit kinakabahan ay pilit nagpanggap na matapang si Noel.

Sa isip nito ay kailangan n'yang ipakita sa mga kasama ang pagkakaiba nila. Na sa oras ng ganitong panganib ay hindi s'ya nasisindak. Sa gayon, sa oras na makatakas sila sa suliraning yaon ay hindi na kwekwestyunin pa ng mga kaibigan ang kanyang leadership dahil s'ya ang pinakamalakas at matapang sa kanila.

"Gusto mo talagang malaman?" Sabi ng hunter na nagte-threaten kina Noel at sa mga kasama habang unti-unting lumalapit.

Tumango si Noel.

"Just because bitch!" Nagmiddle finger pa ang hunter sabay paputok sa langit noong pinakabaril sa kanyang pinakagitnang daliri.

Clearly, kanina pa nag-arrive ang hunter. Way before Gaea and that old man, White.

The nearing hunter kept on barely missing his targets on purpose eliciting fear and embarrassment from Noel's cohorts.

Hanggang sa na-corner na nga ng hunter ang grupo ni Noel.

Nagkumpol-kumpol sila Noel sa tabi ni Stan, ang bi-bully, na ngayon ay na-stun sa 'di inaasahang kaganapan. Di na nila inalintana pa na nagiging kalebel na lang nila ang binu-bully sa sitwasyon nila. They fear that this psycho of a hunter suddenly kills them for no reason.

"Sir pakawalan n'yo na ho kami. In exchange, we'll fulfill any of your condition. You want money? Meron ako n'yan. Kung 'di n'yo natatanong ay mayaman ang pamilya ko. Name it. I'll give it to you." This time medyo may galang na ang tono nang pananalita ni Noel. Di gaya nang kanina'y may pagkabarumbado s'ya. Syempre hindi pa rin naaalis sa kanya ang pagmamayabang.

Self-centered si Noel. Inumpisahan n'ya ang sentence sa we/kami ngunit nagtapos 'yon sa puro na lang I/ako na akala mo ay ang lahat ng bagay is all about him. Doon na naman nakilala ang isang spoiler brat na tulad ni Noel. It's nothing new to his friends or lackeys to call them more appropriately. Sanay na kasi sila sa kanya so they don't get offended.

Huminto ang hunter.

Nagliwanag ang mata ni Noel maging mga kaibigan n'ya. Nagkatinginan sila at nakita ang pangungusap ng matang nagsasabing, tagumpay sila.

"Pag-iisipan ko." Nagbunyi ang lima sa isip-isip nila ngunit pilit nilang ikinubli 'yon sa takot na ma-offend nila ang hunter.

"Sige sir. Take your time." Nakangiting turan ni Noel dito. "Maghihintay lang kami rito."

"May naisip na ko." Nakangising sabi ng hunter. Sa pagngisi ay lumitaw ang kanyang trademark na dimples.

"Strip!" Nakakabinging katahimikan ang namutawi matapos sambitin 'yon ng hunter.

"A..ano nga ulit sinabi n'yo?" Matapos maka-recover sa pagkakadiskaril ang utak ay 'di makapaniwalang napatanong na lang si Noel sa hunter.

"Ang sabi ko ay mag-hu-bad ka-yong li-ma!" In-emphasize talaga ng hunter ang pag-uulit n'ya.

Holymancer : Unang AklatWhere stories live. Discover now