4th Holymancer general : Mark Liu

645 89 3
                                    

Author's note : Naganap ang istoryang ito sa mismong araw nang pagiging Holymancer summons nila Alexander.

...

"Sa nakalipas, may isang batang prinsipeng masiyang nananahan sa isang palasyo. Ang prinsipe ay kuntento sa kanyang pang-araw-araw na pamumuhay.

Magagarbong kasuotan, mga serbidor at serbidorang laging handang umagapay, masasarap at masasaganang mga pagkain sa hapag-kainan.

Sinong hindi makukuntento sa buhay na mayroon ang prinsipe?

Idagdag mo pa ang pinakaimportanteng bagay sa lahat.

Sa pang-araw-araw na buhay na 'yon, laging kasa-kasama ng batang prinsipe ang napakarilag at mapagmahal na inang reyna.

Perpektong buhay hindi ba?

Ngunit sa isang araw na akala ng batang prinsipe ay normal, dumating ang nakakatakot na amang hari.

Ang mala-paraisong pamumuhay ng batang prinsipe ay tuluyan na ngang nagambala.

Ang amang hari ay isang mapagmalupit na kabiyak sa inang reyna. Madalas nitong pagbuhatan ng kamay ang inang reyna.

Walang magawa ang batang prinsipe, sapagkat inutos sa kanya ng kanyang inang reyna na huwag na huwag lalabas kahit na anong mangyari sa loob ng kanyang kwarto.

Hindi kayang suwayin 'yon ng prinsipe.

May sinabi sa kanya ang inang reyna na talaga namang nagbigay sa kanya ng matinding takot. Kapag s'ya ay sumuway sa ipinag-uutos n'ya ay iiwanan s'ya nito sa palasyo kasama ang mapagmalupit na amang hari.

Hindi naman nagtatanim ng galit sa inang reyna ang prinsipe. Alam ng prinsipeng para sa kanya rin ang ginagawang iyon ng inang reyna.

Lumipas ang ilang araw. Muling umalis sa palasyo ang mapagmalupit na hari.

Bumalik ang pansamantalang kapayapaan sa palasyo. Dahil bata pa ang prinsipe, nagawang ipalimot sa kanya ng inang reyna ang masamang bangungot na naganap sa nagdaang mga araw. Naging ubod ng saya na naman ang prinsipe sa kabila ng lahat.

Ngunit hindi 'yon nagtagal. Gaya ng nakaraan, peryodikong umuuwi sa palasyo ang mapagmalupit na hari.

Sa pagkakataong ito, mas kasuklam-suklam ang lantarang ginagawa ng amang hari.

May inuwi itong kalaguyo, at hindi lang 'yon isa o dalawa, kundi tatlo.

Sa gulat, takot, pandidiri at galit ng prinsipe ay may ginawa itong katangahan.

Sinaktan n'ya ang mga kalaguyo ng mapagmalupit na hari.

Nang malaman iyon ng hari, galit na galit na ginulpi ng hari ang batang prinsipe. Kung hindi pa inawat ng inang reyna ang mapagmalupit na hari ay baka napatay na nito ang prinsipe.

Sa pangyayaring 'yon ay napuno ng pagkasuklam ang puso ng prinsipe.

Bilang ina, agad na napuna 'yon ng inang reyna. Pinangaralan n'ya ang kanyang mumunting anak.

""Prinsipe, walang kasalanan ang mga kalaguyong 'yon ng 'yong amang hari. Ang tunay na may kasalanan ay ang amang hari. Kung hindi n'ya ginamitan ng mabubulaklak na salita at mga pangako ang mga inosenteng babae ay hindi nila gagawin ang kasalanan. Mga biktima rin sila gaya natin. Iyan ang palagi mong pakakatandaan."" Lubos na mabait ang inang reyna. Kahit na may kasalanan ang mga babae ay hindi pa rin n'ya sila sinisisi.

Higit sa lahat, ayaw n'yang matuto ang prinsipe na maging mapagmalupit dahil sa galit. Ngunit hindi n'ya mapigilang kasuklaman ang walang konsensyang kabiyak.

Holymancer : Unang AklatOnde histórias criam vida. Descubra agora