Chapter 43, part 1 : Desert battle, the girl and a scepter

473 50 14
                                    

Na-caught off guard si Clyde sa 'di inaasahang bumulaga sa kanya.

Bago s'ya pumasok sa nakitang lagusan sa dulo ng napakadilim na Seoul subway station, sinubukan nang i-anticipate ni Clyde kung anong uri ng lugar ang kasunod na susuungin, upang mapaghandaan n'ya ang bagong mga kalabang posibleng kahaharapin ngunit ni isa man dito sa mga napag-isipan ay wala sa kanyang naratnan.

Di magkamayaw ang mga kamay ni Clyde sa pagitan nang pagpapagpag ng kanyang damit at pagpapahid ng pawisan n'yang katawan habang 'di binubunyag ang kanyang tunay na pagkakakilanlan sa mga kasamahan.

Sa bawat pag-ihip ng hangin ay napapamura sa inis ang party na kino-compose ng tatlong rank S hunters. Sobra-sobrang dyahe kasi ang dala sa kanila nang mga pagbugso ng hangin. Kinakailangan pa tuloy nilang takpan ng isa nilang kamay ang mga mata upang 'di 'yon pasukin ng nagliliitang buhangin.

"Nasaan na kaya ang mga kalaban?" tanong ni Flare sa grupo.

"Mukha ba kaming tagarito na magsisilbing mga tour guide mo, ha? Flare? Mag-iisip-isip din paminsan-minsan!" napasinghap at nagkatinginan na lang ang dalawang lalaki sa pag-iiba ng ugali ng kasamahan nilang babaeng tinaguriang Saintess.

Nagmental note rin sila.

'Off-limits ang maiinit na lugar kay Crissa. Nagiging halimaw ang mala-anghel na babaeng 'to.'

Tumahimik ang paligid.

Wala silang ibang choice kundi lumakad nang lumakad.

Sa bawat hakbang ay bahagyang lumulubog ang kanilang mga paa.

Mainit na ay nagiging mabuhangin pa ang loob ng kanilang mga sapatos.

Sobrang 'di komportable sapagkat maraming naiipit na buhangin sa pagitan ng kanilang mga daliri sa paa.

"Nararamdaman n'yo ba 'yon?" ani Clyde.

Lumingon at sabay na tumango sa kanya ang mga rank S hunter ng La Liga Filipina.

Tahimik na minasdan ng tatlo ang buhanging kanilang tinatapakan.

Hinawakan din ng Combat Mage ang palapulsuhan ng Saintess.

Di naman pumalag o naging uncomfortable ang babae sa hawak ng lalaki. They've done this a hundred or thousands of times sa t'wing sila ay may emergency na kailangan s'yang ilipad papatakas ng kaibigang si Flare.

Gumulong si Clyde palayo. Eksakto namang pag-alis n'ya sa pwestong 'yon ay maingay na lumitaw mula sa mabuhanging kalupaan ang isang higanteng sandworm. Kung 'di pa s'ya nakaalis sa pwestong 'yon agad ay malamang sa malamang naging lamang-t'yan na s'ya ng halimaw na bulate na may napakaluwang na bunganga at matatalim na ngipin.

Di pa man naibabalik ni Clyde ang sariling balanse'y may sandworm na naman ang lumabas sa buhanginan sa may banda n'yang likuran. Hindi lang 'yon nag-iisa, kundi dalawa pa.

Gumulong pagilid, papalayo, sa nararamdaman n'yang maliliit na mga pagyanig ang Holymancer.

Saktong sa papagulong na pag-ilag ni Clyde, sabay na maingay na sumigabo ang mga buhangin sa kanyang magkabilang gilid. Paglapat ng isang paa at isang tuhod n'ya sa malambot at mabuhanging lupa ay s'ya namang pagco-cross ng dalawang higanteng sandworms sa ibabaw ni Clyde.
Saglit na bahagya noong natabingang ang matinding sikat ng liwanag na mahapdi sa balat kahit na balot na balot pa ang katawan ni Clyde.

"Flare tulungan mo!" naghihisteryang utos ni Crissa kay Flare.

Sa ngayon ay nasa safety na ang dalawa. Kasalukuyang buhat-buhat ng Combat Mage ang Saintess sa isang princess carry. Iyon ay habang sila'y 'di nananatiling stationary sa alapaap ng napakainit na dungeon. Tumitig ang Combat Mage sa lugar kung nasasaan ang Holymancer habang sila ay nasa himpapawid. Kasabay kanina nang pagbulaga kay Clyde ng 'sang sandworm ay ang s'ya rin namang pasurpresang pag-atake sa kanila ng isa. Umilag at malikot na kumilos si Flare na nag-fulfill ng requirements para makapanatili 'to sa himpapawid.

Holymancer : Unang AklatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon