Chapter 16, part 1 : Day of the fated clash

1K 113 10
                                    

Ngayon ang ika-sampung araw ng kamatayan ni Mang Tiburcio. Talaga namang hinanda na ni Clyde ang sarili para sa araw na ito. Upang sa gayon ay makapagpahinga lang s'ya bago komprontahin ang Dark Resurgence.

Kahapon, maliban sa saglit na pagpunta n'ya sa sementeryo para sa ika-siyam, naging busy si Clyde sa pagpasok sa tatlong dungeon.

Kaya naman ngayon, tanghali na ay nakahilata pa rin s'ya sa bahay for a change. Sinusulit n'ya ang buong araw sa pagpapahinga. Since, counted na ang ikatlong dungeon n'ya para ngayon dahil inabot na s'ya roon ng madaling-araw.

Tamad na tamad na nakatagilid si Clyde sa malambot n'yang sofa sa sala. Naiipi ang kanyang kanang pisngi dahil mas hilig ng lalaki ang wirdong posisyon sa paghiga sa sofa.

Dahil matangkad si Clyde kadalasan ay kapos sa kanya ang higaan. Naging habit na n'ya ang paghilig ng ulo sa mismong upuan nito. Mas pinipili n'ya 'yon kesa sa may katigasang armrest ng sofa. Sumasakit kasi ang likod n'ya sapagkat nahuhukot s'ya rito. Hirap din ang mga biyas n'ya sa normal na posisyon.

Nakasanayan n'ya na tuloy na nakabitin ang mga paa sa ibabang armrest. At nakapatong doon ang mga hita.

Nakadantay sa pagitan ng mga hita ni Clyde ang isang unan. Namumungay pa ang mga mata n'ya sa puyat.

Sa pagkamot sa magulong mga buhok ay s'yang paglilis ng laylayan ng kanyang puting sando. Lumitaw doon ang ngayo'y mas gumaganda n'ya ng pangangatawan.

Ang kakawork-out n'ya ay nagbunga na rin. Sumilay ang kumokorte na s'ya tiyan na ilang mala-pandesal na abs.

Ang dati ng matipunong hita at binti ay lalo pang tumitikas na kita sa maiksi n'yang cotton shorts.

Ngunit sa palagay ni Clyde ay naging malaking tulong din ang pagpapataas n'ya ng vitality at strength stats.

Maya-maya pa ay naburyo na rin s'ya sa paghiga. Natuklasan n'yang hindi na pala s'ya sanay ng walang ginagawa.

Tiningnan n'ya ang Holymancer system para libangin ang sarili at the same time ay ayusin ang ilang bagay dito.

...

Ang kanyang Holymancer currency.

...

Remaining balance : 141, 000, 000 gold

...

Ang laman ng kanyang system storage.

...

[Storage]

Health potion (S) : 326
Mana potion (S) : 319
Health potion (M) : 154
Mana potion (M) : 118
845, 000, 000 pesos

...

Inisip n'ya kung paano gagamitin ang lahat ng available na resources na meron s'ya para sa paparating na laban.

Bumangon si Clyde upang maghalungkat ng makakain. Pagdating sa hapagkainan ay nakita n'yang may pagkain na.

Napansin n'ya agad 'yon dahil sa takip ng ulam ay may isang makulay na sticky note.

...

"Dear big brother,

Hindi na kita ginising dahil mukhang pagod na pagod ka. Namula pa nga ang braso ko sa lakas ng pagkakahampas mo kapag ginigising kita.

PS.

Nag-iwan na rin ako ng pagkain mo d'yan. Mukhang tatanghaliin ka na ng gising." Napapangiting basa ni Clyde sa iniwang sulat ng nakababatang kapatid.

Sa pag-angat n'ya ng takip, nakita n'ya ang ilan sa paborito n'yang mga ulam. Swam, ginataang puso ng saging at ginisang ampalaya.

Umupo sa hapag si Clyde para lantakan ang pagkain. Pero bago mag-umpisa, 'di n'ya nalimutang magdasal. Syempre maging ang maglinis muna ng sarili.

Holymancer : Unang AklatWhere stories live. Discover now