Chapter 3, Part 2 : Penalty zone

2.5K 193 11
                                    

Hindi! Hindi ako papayag na mamatay. Ngayon pa? Kung kailan nag-uumpisa ng umayon sa akin ang mundo?

Inisip ni Clyde ang paraan kung paano n'ya maiiwasan ang sobrang talas na mga kuko ng taong lobo sa mukha n'ya. Nagbunga naman ang pag-iisip n'ya.

Narinig n'ya ang tunog ng nabasag na salamin. Lahat ng mga taong lobo na humahabol sa kanya ay napilitang sumugod kay Alejandro.

Sinummon n'ya kasi si Alejandro at pinapunta sa lupon ng mga taong lobo. Doon sabay inutos ni Clyde sa utak n'ya na gamitin ang spiritual weapon ni Alejandro at ang kanyang pinakamalakas na crowd control skill, ang divine pull.

Hindi naman inalintana ng mga taong lobo ang shield ni Alejandro. Hiniwa nila ito na para bang ito ay tubig, walang resistance. Kasunod noon ay inatake nila si Alejandro hanggang otomatikong ma-unsummon s'ya dahil napatay na s'ya.

Hindi naman napagod ang mga ito dahil saglit lang nilang dinispatsa si Alejandro. Pero sa sakripisyo nito, nabigyan n'ya ng oras si Clyde upang makakuha ng distansya sa mga taong lobo.

"Pasensya na Alejandro." Pabulong na hingi ng dispensa ni Clyde sa nag-iisang partner sa kasalukuyan.

Isinakripisyo n'ya si Alejandro dahil, mamatay man ito, muli pa itong mabubuhay. Hindi nga lang n'ya alam kung masasaktan ito.

Ang mahalaga buhay s'ya, sa oras kasi na mamatay s'ya, pati si Alejandro ay mawawala na rin ng tuluyan.

Nag-umpisa na naman ang habulan.

Pero sa panahong 'yon may naisip ng paraan si Clyde kung paano makakaalpas sa napakadelikadong sitwasyon.

Inumpisahan na n'yang maghanap ng kahit anong skill na maaari n'yang magamit mula sa shop ng holymancer system.

.....

[Shop]
[Skills]
[Movement Skills]

.....

Dumeretso s'ya sa movement skills para makahanap ng skills na pantakas. Base kasi sa nakita n'ya sa atake nila kay Alejandro, hindi mananalo si Clyde kahit isa man sa mga taong lobo na humahabol sa kanya.

Sinummon n'yang muli si Alejandro. Naramdaman n'ya kasing nasa likuran na agad ang mga humahabol. At muli ay hindi man lang tumagal ang duwende.

Pakiramdam ni Clyde ay lalabas na ang puso n'ya sa kanyang dibdib. Hindi lang dahil sa pagod sa pagtakbo, maging sa kaba sa walang humpay na paghabol sa kanya ng kamatayan.

Lalo na nang mapansin n'yang mahigit sampung segundo lang bago ulit makalapit sa kanya ang mga lobo. Paano n'ya tatakasan ang mga taong lobo sa loob ng sampung minuto? Napakatulin ng mga ito. Wala pang isang minuto ay muntik na s'yang mamatay ng dalawang beses.

Matapos ang pangatlong pagkakataong pagtakas n'ya sa mga taong lobo, nakita n'ya na ang hinahanap.

.....

[Movement Skills]

Conceal

An excellent escaping skill. It perfectly conceals the user's presence. It erodes the senses of everyone around the user. From activation, the user would be ten times faster than his usual speed. After ten seconds, the conceal state would vanish.

Mana requirement : Half of the user's mana.
Cooldown : 10 seconds

Price : 10, 000 gold

.....

Holymancer : Unang AklatWhere stories live. Discover now