Chapter Sixty-Three Part II

282 26 9
                                    

The Power That Revere An Unknown

Hindi ko manlang namalayan dahil sa bilis ng oras na isang buwan na pala ang nakalipas. Nagsimula narin ang winter season kaya mas malamig ngayon kumpara sa mga nakaraang buwan. Umuulan din ng snow pero hindi ganoon masyado na pwede nang maglaro ang nga bata sa labas. Isa pa, mga ganitong panahon din kami palaging lumalabas para kumuha ng maraming resources.

Kaya ngayon ay naghahanda na kaming apat lumabas ngayong pasikat pa lang ang araw. We have to get more medicines especially this season, since for the last few years ay palagi na lang nagkakasakit ang karamihan sa amin. At first it would be a simple fever, then it would get worse as days go on at kung hindi maagapan ay hindi ko alam kung ano ang pwedeng mangyari.

"Erhiel," tawag sa akin ng kasama ko dito sa kwarto habang sinusuot ko ang makapal na coat. Humarap ako sa kaniya para isuot narin ang boots ko.

"Bakit?"

"You can't do magic, can you?"

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "So? You already know that. I can do a simple barrier spell, pero hindi ganoon kalakas dahil sa una pa lang ay mahina na ang enerhiya ko."

"The others?"

"Some of the children have magic and my friends have their own specialities, though it's not that much." Hindi na siya nagsalita pa kaya binuksan ko na ang pintuan. "If you need something, just shout for Marvi or one of the children. Aalis na ako."

"When do you think you'll come back?"

I shrugged, forgetting for a moment she couldn't see. "Baka bukas o sa susunod pang araw. Hindi kasi ako sigurado. Mas mahirap kasing makakuha ng mga bagay bagay lalo na ngayong buwan."

"I see. Then you should be careful." She waved her hand kaya tumango na lamang ako at umalis na.

Nadatnan kong naghihintay ang tatlo kong kasama sa labas ng orphanage. Napansin ko din si Marvi na may kinukuhang mga herbs sa tabi tabi kaya kumaway muna ito sa akin bago nagpatuloy. Lumapit ako sa kanila na nag-uusap habang hawak hawak ni Charl ang gawa nitong mapa.

"Malaki ang base nila dito." Narinig kong wika ni Psyra sabay guhit ng bilog sa isang lugar. "Kahit malayo ay sigurado naman akong marami silang resources."

"If we go there, we might not get back in two days." I said instead. Kinuha ko ang lapis na hawak ni Psyra at nilagyan ng bilog ang isang lugar medyo malapit lang. "Remember this base we robbed a week ago? Natatandaan kong may storage room sila na hindi natin nagawang tignan dahil nagmamadali tayo."

"Pero paano kung wala?" Tanong ni Denma.

"Then we'll split. Charl will come with me and you two will go check this base in the east. Mas malapit ang sa inyo kaya kung walang mangyayaring mali ay makakabalik kayo bukas o mamayang hapon." Sagot ko.

"Pero okay lang ba talagang hindi tayo magkakasama?" Tanong ni Charl. "Sa totoo lang ay mas gusto ko pang isang grupo lang tayo."

"No. If we split by two, we can sneak in and out more efficiently and plus, if all goes well, we might double our resources and we don't have to go for the next two weeks until New Year."

"Tama si Erhiel." Pagsasang-ayon ni Psyra. "Let's take this chance."

"Since we're going east," sabi ni Denma. "Sa gubat na kami dadaan."

"Sa tunnel naman kami." Sabi ni Charl.

Tumango kami sa isa't isa bago tumakbo sa mga sarili naming pupuntahan. Palagi naming ginagawa ito kaya sigurado akong alam nila kung ano ang dapat gawin at hindi. Hindi pwedeng malaman ng mga sundalo na may namumuhay dito at mas lalong hindi dapat kami makita ng mga Dragonbornes. We can at least fend off those damn soldiers but those irregulars are too much for us ordinary people to handle.

Magnus Academy: The Cursed BloodWhere stories live. Discover now