Chapter Fifteen

4.3K 154 5
                                    

Mission 2

"The relic is not in the mountain anymore for a man in black has stole it. Find the woman in the cave to seek for help." Sabi ni Delia, yung waitress?

Nalaman ko kasi na latin ito at nagkataon namang alam ng lola ni Delia, yung matanda sa counter, kung paano magsalita ng latin kaya tinuruan nito si Delia nung bata pa siya at hindi niya daw inakala na magagamit niya din pala ito.

Matapos ko kasing tulungan si Delia nagpasalamat ulit siya at bilang pasalamat, tinulungan niya akong mag translate nito. Mabait naman siya, kaseng-edad ko lang. Kaya friends na daw kami. Siya kaya ang una kong kaibigan simula nung napunta ako sa Academy. Mabuti nlanag talaga mabait siya.

Ininom ko na ang dala niyang iced tea at natapos ko nadin ubusin ang steak. Libre kasi ang pagkain kung dito ka matutulog, aba dapat lang. Three silver kaya ang bayad namin. That would cost me 300 points. Mabuti nalang talaga may perang dala si Thane. Speaking of him, kailangan kosniya rito. Pero 9 pm na, kanina pa siyang wala kaya siguro hindi na babalik yun. At kung hindi nga siya babalik, pwes, ako nalang mag-isa ang tatapos sa misyong to.

"Sabi ng lola mo hinahanap daw ng anak niya ang relic." Sabi ko kay Delia na ngayon ay nandito sa kwarto na tinutuluyan ko. Sinusuri kasi namin ang mapa. Wala akong maintindihan eh.

"Ah, si Uncle. Siya kasi ang tumatayong tatay ko nung namatay na ang totoo kong ama na nakababatang kapatid niya." She said, not looking at me. Kahit itago niya man, ramdam ko parin ang lungkot niya.

"And now you know the relic is missing. Paano nalang yun? At ganoon ba talaga kahalaga ang relic na yun?" I asked out of curiosity. Napatingin naman siya sa akin, halatang gulat.

"That relic can store huge amount of magic spell. It was a relic na balita ko nanakaw daw mula sa Mages of the West Association." Yan din ang sinabi ni Headmistress.

"Wait, akala ko nawala nila?"

"Mages of the West Association, pangalan palang halata namang mga magagaling sila. They are an organization na nakatayo na ilang dekada mula noon, after the War of the Worlds 3000 years ago. Hindi ko alam kung totoo pero, sabi ng iba nawala daw ang relic tatlong taon noon sa Greenland, at ngayon makikita nalang sa Crussade Mountain? That's obviously a lie at may nagnakaw talaga."

"Pero, ano naman ang makukuha ng mga magnanakaw sa relic na yun?"

"Either fortune dahil malaki daw ang makukuha mong pera kapag binenta mo ito and maybe because all the forbidden spells are found in that relic at gusto nila itong magamit. Malay ko. And for Uncle, he wanted to sell it. Pero sigurado ako ngayon na babalik na siya dito dahil nalaman niya na siguro na wala sa Crussade Mountain ang relic. Sigurado akong madidismaya siya."

"Everyone will. Kailangan ko nalang mabawi ang relic sa kung sino man ang nagnakaw ulit sa Crussade Mountain."

"That's suicide. Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? It was stolen by a man-in-black. Isa lang ang ibig sabihin nun." Nalito ako sa sinabi niya. She looked at me with a look saying 'seriously? Hindi mo alam?' Then she sighed.

"Either that person is working for the Black Clan, or he is one of that clan."

"Ano naman yang Black Clan na iyan?" Marami akong nalalaman sa babaeng to.

Magnus Academy: The Cursed BloodWhere stories live. Discover now