Chapter Sixty-Four

3.1K 119 3
                                    

Attacks and Confrontations II

Andrea's POV

"Wala pa ba? Kanina pa kami nandito ah!" Naiinip kong wika kay Reina. Hindi kasi namin deretsong macontact sina Cassie, something's interfering. Mas lumalaki lang ang disturbance na ito sa signal. May nangyayari ba sa kabila?

Halos mag i-isang oras na kami dito naghihintay ng balita sa mga nangyayari sa kabila, but Reina kept on saying 'everything will be fine' and seriously naiinis na talaga ako.

Ngayon ay may sampung blacks na nakabantay sa itaas ng pader na ito. And fortunately, we managed to take out two blacks earlier ay nagpanggap na kami ang mag shi-shift. Luckily hindi naman sila nagtanong ng kung ano-ano pa or else I'll continue with the plan regardless what's happening to the other side.

Pero sa kasulukuyan naming sitwasyon, nakatayo lang ako dito habang nagmamasid sa may madilim na gunat sa ilalim namin. With the darkness, I would hardly notice na may naghihintay na sa likuran ng mga punong iyan. I must say that they are hiding very well.

"Reina, wala ka bang alam sa mga nangyayari kina Cassie? Paano kung—"

"Ah Sandra. Huwag ka nga g mag-isip ng ganoon. That ghost is with Cassie." Ghost huh? I used to call her that too. Even now and then.

"Right. Miss Keila may seem really twisted, pero alam kong hindi niya papabayaan si Cassie kahit anong mangyari." Sandra finally agreed beside me.

And that's what I'm worried about. Gusto kong sabihin sa kanila yan pero mas mag-aalala lang sila. They seem to put too much trust on Keila despite the fact that they've only met once in that main event, at ayaw ko mang aminin pero kahit ako din, pinagkakatiwalaan ko ang babaeng yun. But what worries me is the way she thinks.

Hindi siya magdadalawang-isip iwan ang isa pang middle-schooler na yun kung pabigat lang siya sa plano niya. She'll think it's for the best. Once that girl says something, kahit ayaw niya mang gawin, basta sinabi niya na, gagawin niya talaga ang lahat para lang magawa yun. That's one of the very few things we both have in common.

"Pero kanina pa ang dalawang yun, imposible namang—"

"May pumasok." Napatingin agad ako sa direksyon ni Sandra na nakatingn lang sa ilalim ng pader.

This wall is about eighteen meters tall, we can now tell because we're here, at naalala ko na mararamdaman ni Sandra ang mga galaw ng tao sa paligid niya sa loob ng 20-meter range. And did she just say someone just went inside? Unknowingly?

"Palayo siya ng palayo. Nawala na siya sa range ko." Sandra said sighing.

"Imposible namang black yun dahil dapat titigil muna siya bago siya makapasok ng gate. Intruder?"

"May iba pa bang aatake sa lugar na ito? Pero it's possible that one's one of us."

Sometimes, people amaze me on how they are able to think so complicated stuffs. I could never think of such sophisticated things. Although ngayong sinabi na nila ito, mukhang may punto ang sinabi ni Sandra na baka nga isa sa kakampi namin ang pumasok. Pero bakit naman?

"Guys!" Muntik na akong mawalan ng balanse sa biglaang pagsigaw ni Cassie sa kabilang linya. Napahawak ako sa dibdib ko at lumabas ng malalim na hininga. That damn middle-schooler surprised the hell out of me!

"Cassie! May problema ba?" Alalang tanong ni Sandra. Pati ako ay nagtaka din. Mukhang pagod na pagod siya, plus she's panting too much. Ano ba talaga ang nangyari sa kabila? At nasaan si Keila?

"M-maayos lang ang kalagayan ko. P-pero si ate..." nagulat ako sa mga narinig naming salita mula sa bracelet na ito. Keila is in trouble? Or is she seriously hurt?

Magnus Academy: The Cursed BloodWhere stories live. Discover now