Chapter Eleven

4.7K 175 18
                                    

First Combat Training

And so I found myself yawning on the first day of class. I sighed habang lumalakad ako patungo ng classroom. Sino ba naman kasi ang hindi mapapagod? My two other roommates and I just slept almost TWO am in the morning dahil lang sa paggawa ng report kung bakit sira ang mga gamit sa kwarto at ang kwarto mismo. Then we had to write another dozen of reports para mag request ng bagong mga appliances. Then another report kung bakit kami naga-away in the first place. Sinulat nalang namin na sa lugar kasi kung saan ako nanggaling, uso sa amin ang ganoong klaseng greeting kaya hindi kami talagang naga-away. Sa sinulat namin, siguro isang libro ang kapal nun.

Habang naglalakad, napansin ko ang mga matang nakatingin sa akin. Ah, oo nga pala. Mukha parin akong multo sa itsura ko. Ang haba haba ng buhok ko na abot sa tuhod at ang bangs ko na tinatakpan na ang mukha ko, dagdagan pa ng uniform na kulay itim na long sleeve at skirt with a red ribbon, sa appearance ko parang multo nga talaga akong bumalik to haunt other students. I hate the idea that's building up in some students' minds. They even started another rumour about what happened yesterday in the room and now they are starting another set of rumour about my appearance.

Lahat napatingin sa akin nang pumasok ako sa kwarto. Ang iang babae nabitawan niya pa ang mga hawak niyang gamit nang nakita ako. Ang kaninang maingay sugurong classroom ay ngayon ay puno na ng tahimik as if an angel has passed. But in this case, isang multo na ang nakita nila. Tinignan ko ang isang lalake na nagdadalawang-isip pa na kunin ang cross niya na nakasabit sa leeg niya. I glared at him at napa-atras siya ng konti. Gamitin ba naman sa akin ang cross niya!

I ignored all of them habang pumunta ako sa likod at uupo na sana sa may silya na malapit sa bintana nang may isang babae na dito na nakaupo, mukha siyang nerd dahil sa suot niyang salamin. Lahat parin nakatingin sa akin, nararamdaman ko ang mga emosyon nila. Curiosity, amd some are actually scared. Like this girl in front of me.

"Ah eh, ikaw na ang umupo dito. Pasensya na, sorry talaga, hindi ko alam na nandito ka pala umuupo. Sorry talaga." Anong problema niya? Iniisip ba nila na ipo-posses ko sila? Hello, hindi nga ako multo.

Anyway, tumayo na siya at lumipat malayo sa akin. Nang umupo ako, napansin ko na ang taong nakaupo sa unahan ko at sa armchair na sa tabi ko ay lumipat narin ng upuan. Well, I don't really care kung ano ang iniisip nila. Bahala sila sa buhay nila. In fact, I could use this appearance of mine to threaten others to give an intimidating presence, and use it as an advantage. Though as if I would bother to do such thing.

Muling natahimik ang mga bulong-bulongan nang pumasok si Andrea. Lahat napatingin sa kaniya, and the serious atmosphere just now just changed.

"Oh my gosh, ang ganda niya girl!"

"Oo nga. Bro, ligawan ko yan."

"Huwag na! Ako lang ang sasagutin niyan!"

"Super gorgeous niya!"

"As expected from the Headmistress' daughter."

Lahat sila ay pumalibot sa kaniya, but she paid them no heed at nang malaman na wala nang upuan, napilitan siyang umupo sa tabi ko kung saan ang walang taong armchair. She sighed in defeat, and reading her expression, she doesn't like to be placed near me. Well, I don't care anyway. Might as well start hating the idea of that too.

Mag roommate nga kami, pero hindi naman kaming tatlo in good terms. Who would after nangyari ang kahat ng patayang yun kahapon? It would be awkward kung mag-uusap nga kami. Kahapon, nag-uusap lang kami kung kailangan at importante, but mostly we ignore each other. Kaya nga kahit mag roommate kami, nauna ako sa kanila pumunta dito sa classroom. I didn't even bother to make breakfast for myself dahil ayaw kong makita sila dahil tulog parin sila kanina.

Magnus Academy: The Cursed BloodWhere stories live. Discover now