Chapter Twenty-Three

3.9K 126 0
                                    

Jakarta River

"Class dismissed. Keila, maiiwan ka dito." I knew it.

Eh paano naman kasi. Combat Training tong class nato eh, at anong ginawa ko? Naging strategists ako. Lahat na umalis at mas nainis ako nang tumingin sa akin ang dalawa na nakangisi. Pasalamat nga kayo na dahil sa akin naka 297 points tayo eh! Though ako lang naman ang pumaplano.

"Um...Professor babawi ako—" hindi niya ako pinatapos.

"I'm not here to scold you about your performace Keila. Though I do admit it's entirely wrong. But anyway," tumingin siya sa akin then lumakad na. "Follow me to my office."

Sinundan ko lang si Professor at habang naglalakad, napansin ko na hindi sa akin familiar ang mga hallway na dinadaanan ko. Tapos lumiko kami sa may dulo at sa dulo nun ay may pinto. Binuksan niya ito at pumasok na kaming dalawa. He moved the curtain at ang kaninang madilim na kwarto ay ngayon hindi na. Pero puno naman ng mga libro at kalat ang 'office' niya.

"Sigurado po ba kayong office to? O starage room." Tumingin siya sa akin na para bang na-insulto siya. Aba sorry naman.

"The Headmistress told me your punishment." I stared oddly at him. So walang nagawang explanation si Headmistress at sinabi nalang ang lahat sa kanila? How great Headmistress.

"And that is?"

"You'll clean my office. Pinaalam na kita kay Professor Trei so start working."

Inutusan LANG naman niya ako kung saan ilalagay ang mga libro na base sa alphabetical name nila na nakasulat sa isang papel na binigay niya sa akin. Lininis ko pa ang mga shelf at pinunasan ang mga alikabok sa mga 'pinakamamahal na mga libro' niya daw. Tapos ay winalisan ko din ang buong office niya pati narin sa mga sulok.

"Mukhang sanay ka na ah." Hindi ko alam kung compliment yun o hindi. Pero wala akong pake.

"Ito kasi ang palagi kong ginagawa sa bahay." Sabi ko. Kaya sanay na talaga ako. Wala naman kasi akong magawa sa bahay dahil hindi ako lumalabas. So let's say na parang expert na ako dito.

"Willar." Napatingin ako sa kaniya habang siya'y may mga hinahawakang mga papeles na hindi ko alam kung ano ang nakasulat. "The Headmistress told me only about your case and your friend's." Siya lang? That's good. Maybe. "But she said you wouldn't reveal where you came from. Why?" Because I can't. It's one of our sacred rules not a single outsider shall know our island of Arizole exists.

"Just because." Sagot ko naman.

Hindi niya na ako kinausap tungkol sa buhay ko at tinuloy lang namin ang paglilinis hanggang sa finally! Malinis na malinis na parang bago narin ang office ni Professor. He smiled nung nakabalik na siya dahil may isa pa kasi siyang klase eh. Buong araw din ako naglinis ng office niyang to. At least I deserve a free lunch. Pero as if naman.

"Impressive. I shall call you more often." Nawalan ako ng buhay nung sinabi niya yun. Ayaw ko nga. Dindagdagan mo pa problema ko eh.

"Tapos na po Professor. May kailangan pa kayo?"

"Actually meron. Come back here early in the morning tomorrow. May hahanapin lang ako. And you may go." Sabi ko nga, walang free lunch. Sasarado ko na sana ang pinto nung tinawag niya ulit ako. Ano na naman?

Magnus Academy: The Cursed BloodWhere stories live. Discover now