Chapter Thirty-Four

3.6K 139 5
                                    

What A Preparation

Papunta kami ngayon sa bahay nina Iyana. What I know is sikat ang pamilyang Klein sa buong isla that they even had connections sa ibang isla. In other words, she's one rich kid. But the way she often acts, parang hindi halata.

Napatigil kami ngayon sa harap ng isang malaking gate, hindi ko makikita ang sa loob dahil sa laki nito. May pinindot si Iyana sa may pader na bilog.

"Si Iyana 'to." Sabi niya at ilang minuto ang lumipas ay bumukas din ang gate. Automatic yata ito.

Pumasok kami at agad namang sumara ang gate sa likod namin. Sa ngayon ay naglalakad kami sa daanan kung saan sa gilid ay puno ng mga bulaklak at kung ano pa. Like a garden. Pansin ko din ang daming tao ang naka tuxedo sa kanila ang nakabantay sa paligid na may partner pang mga aso. I'm quite surprise.

At the end of the path, may malaking bahay ang nakahintay sa amin. Umakyat kami sa may hagdanan bago buksan ang double doors, there it revealed a man. Ngumiti lang siya sa amin at hinayaan kaming pumasok.

To my surprise, nawala ang supposed appearance nina Andrea at Iyana, bumalik sila sa kung ano sila originally. Naka uniform na sila. But me, looking at the transparent vase, hindi ako bumalik sa dati. Hindi ko alam but that seemed to be a relief for me.

"May magic barrier dito sa bahay. Anything will fade the moment you step in here. Mukhang malakas ang ginamit ng witch na iyon sa iyo." Wika ni Iyana with a smirk. I just rolled my eyes.

Ang usually bored look at walang motivation na si Iyana ay umiba. The moment we stepped in this house, parang iba na talaga ang vibe na pinapalabas niya. More like, a fine lady.

"Miss Iyana, gusto niyo po ba ipaghanda ko kayo ng tea ng mga kaibigan niyo?" Tanong ng lalaki.

"Ah, yes please." Iba nadin ang boses niya. Naging lady-like na talaga siya. Hindi obvious na isa siyang makulit at immature na bata. "Ah, this is Martino, ang head butler ng bahay." She said with a fine smile. Iyana don't usually smile. She always had this bored expression on her face. It's creepy.

"Ikinagagalak kong makilala kayo. Ito ang unang beses na may dinala siyang kaibigan." Natatawang wika ng butler at umalis nadin.

"Iyana, if only you could act like this even in school." Sabi ni Andrea.

"Oh shut it. Makinig nga kayo, walang nakakaalam kung ano ako sa skwelahan, naiintindihan niyo ba?" Oh the usual her. "My family thinks I'm not into fights and violent stuffs like that. I'm a lady and I should remain that way since ako lang ang isang babae na anak sa pamilya."

"So hindi nila alam na isa ka sa pinakamalakas na studyante sa Academy?" Tanong ko.

"Of course not. They think I'm just the normal popular kind of student. So don't you dare say anything that would ruin their image of me."

"Bakit naman?" Again, I asked.

"Because they wouldn't like it." Ramdam ko na may iba pang meaning sa sinabi niya pero hindi na ako nagtanong. Hindi ako chismosa no.

Napaupo kami sa mamahaling couch at sabay naman kaming hinandaan ng mga maiinit na vanilla tea at freshly bakes cookies. Nahihiya akong kumuha ng cookie kaya uminom nalang ako ng tea. And shems, ang sarap nito.

"Iyana! Mabuti naman at mukhang maayos naman ang kalagayan mo. I kept sending you letters saying to visit here often. Oh, you even brought friends." May isang lalaki na nakasuot ng formal suit ang bumaba mula sa hagdanan, he is very handsome actually. He seems to be around 20 or something.

"Brother Ian, matagal ko nang gusto bumisita sa bahay. Wala lang talaga akong panahon. Mukhang maayos din ang kalagayan mo." Nakangiting wika ni Iyana as Andrea and I stood up.

Magnus Academy: The Cursed BloodWhere stories live. Discover now