Chapter Ninety

3.2K 202 28
                                    

Silverrium's Revelations

"Alvin! Mapapahamak tayo nito!"

May narinig bigla akong boses hindi malayo sa kung saan ako. I feel a soft and comfortable foam beneath me, and it was a pleasant smell engulfing my senses.

"Magtiwala ka sa akin Accel. I know what I'm doing."

"You know what you're doing by bringing them here?! Sa base natin?! Seryoso ka ba kuya?!" They seem to be shouting at each other, pero hindi ito gaano kalakas.

Binuksan ko ang mga mata and was met by an unfamiliar wooden ceiling. Sa ibabaw ay may bulb na nakakabit and looking around, mukhang nasa isang kwarto ako. Napahawak ako sa ulo ko, the pain I felt through my whole body before I lost consciousness was long gone.

"Accel please, just trust me. When did I ever let you down?" Napatingin ako sa may pintuan banda kung saan nakikita ko si Alvin na may kinakausap na isa pang lalaki, mas maliit ito kumpara kay Alvin but the boy's black hair was longer than him na naka-braid sa likuran niya na naka ponytail. It's quite normal for guy with long hair to have that kind of hairstyle.

"You let me down just now. You let the whole clan down!"

"Accel I'm asking you to trust me as your only family." Seryoso niyang wika ng isa.

The other guy hesitated and looked away. Upon doing so, napunta sa akin ang tingin niya. Agad niyang sinummon ang mahabang dagger niya at tinutok ito sa akin. But before he could come in contact with my skin, ay mabilis akong napaupo sa hinihigaan ko, caught his arm na hawak hawak ang dagger at ginamit ang isa kong kamay para hawakan ang likod niya as I bent his arm behind him.

"See? Delikado siya! Not only is she a ghost but a wild animal too!" He exclaimed and I still didn't let him go.

Sino sa tingin niya ang iniinsulto niya?! At nasaan ba ako? At ano ba tamaga ang nangyari matapos akong nawalan ng malay? And where the hell is Silverrium?! Don't tell me he went on rampage somehwere at kasalanan ko na naman kung bakit!

"Bitawan mo muna ang weapon mo at Adrianna, calm down." Napabuntong-hininga ang lalaki at nawala din sa wakas ang weapon niya. I stood up from the bed and glared at him as he stretch out his arm at napaupo sa kama.

"Alvin kailangan kong—"

"Huminahon ka Adrianna, you're safe here."

"Safe or not I don't care about that! Nasaan si Silverrium?"

"About that..."

"Hey lowly humans! Nagugutom pa ako!" A voice suddenly echoed through the place, and I noticed Alvin sighed.

"I hate that guy! Sino ba siya para insultuhin tayo? Kahapon pa ako naiinip sa kaniya!" The guy sitting on the bed stated with a great deal of annoyance.

"S-sino yun?" Tanong ko.

"Gusto mong malaman? See for yourself." Sinundan ko si Alvin palabas ng kwarto.

As we head out for the door, isang sala ang sumalubong sa akin. The building was made of woods, like a cabin, pero medyo malawak. Dumerecho si Alvin sa kitchen kaya sumunod ako sa kaniya passed by the living room, sumusunod din sa akin sa likod ang isa pang lalaki na nangangalang Accel base sa usapan nila kanina.

Alvin suddenly stopped in front of me, and my gaze soon went toward a small figuro eating something. Nakatalikod siya sa kung sana kami nakaharap, he has a long silver hair na nakaabot hanggang sa tuhod niya, at malaki din ang suot niyang damit. Naramdaman niya yata na pumasok kami dito kaya humarap siya agad para harapin kami. Then I felt so shock that I blinked a few times para masigurado na totoo ang nakikita ko ngayon.

Magnus Academy: The Cursed BloodWhere stories live. Discover now