Chapter Twenty-One

1.5K 86 7
                                    

The Guilty Keepers' Trials

"What's your name?" Tanong ng lalaki sa unahan ko habang nakaposas parin ako na gawa sa mahika.

Simple lamang ang istraktura ng ginamit nilang mahika kaya hindi ako nababahala dito. Mas nababahala ako sa bawat segundong lumilipas at sa bawat paglipas nito ay ang pagkawala ng mga natitirang oras. Wala na akong panahon para dito. Kailangan ko siyang mahanap o magiging walang bisa ang lahat ng ginagawa namin.

"I will ask again, kid. Ano ang pangalan mo at ano ang ginagawa mo dito sa Magnus?" Naiirita niyang tanong.

Nakasuot siya ng silver armour which indicated na isa siyang Knight, may lima pa siyang kasama sa likuran niya. Nagising nalang ako na nandito na nakaupo habang nakaposas sa saradong kwarto na ito. Ni wala nga akong nakikitang bintana kaya hindi ko alam kung uamaga na ba o gabi.

"Bro, baka sinubukan siyang dakpin ng mga pirata sa Magna Sea at napunta siya dito sa isla." Sabi nung isa. Napataas naman ang kilay ko dito.

"Hindi ikaw ang kinakausap ko." Matalim na sabi niya dito bago niya ibinalik ang tingin niya sa akin. "Ikaw, huwag mo ding subukang magsinungaling gamit ang istorya na iyon. Dahil simula nung sumabog at nawala sa mapa ang Enchant Woods, nagtipon-tipon ang mga Saints para isarado ganit ng isang uri ng barrier ang isla kaya walang makakapasok dito."

"So there's a way out?"

"No, even going back outside is impossible unless you have special permission granted by the Saints themselves, at sa pagkaktaon na ito ay wala. Kaya hindi ka makakatakas sa amin bata."

"Paano nawala sa mapa ang Enchant Woods?"

"Nagka-amnesia ka ba? Balitang-balita 'yun sa buong mundo!" Sabi nung isang Knight na nakabantay sa pintuan. I sighed. There is no point talking with these Knights.

Tumayo ako at ibinuka ang mga kamay ko kaya nabasag ang posas na siyang ikinagulat nilang lahat. I smirked at their reaction. Akala ba talaga nila mapipigilan nila ako gamit lang nito? Sabay-sabay nilang sinummon ang mga spears nila. They would be pretty much boring to fight with kaya tatapusin ko na kaagad.

Hinawakan ko ang pader sa gilid ko at sa isang iglap ay yumanig ang buong lupa kasabay nito ay ang mabilis na paghati ng lupa sa iba't ibang direksyon. This action sounded an alarm which gave me the idea na nasa isnag facility ako kung saan nila palaging dinadala ang mga hindi mapagkakatiwalaang tao just to interrogate.

Nataranta sila pero nagawa parin nilang atakihin ako ng mga weapons nila. Nagpalabas din ako ng dual blades ko at mabilis silang lahat nilampasan na sa halos tatlong segundo lamang ay napuno na ang sahig ng dugo nila. Tumigil narin ang pagyanig kaya nagmadali akong lumabas sa lugar na ito.

Another batch of Knights kept chasing me around but I didn't need to turn back for I just stepped my foot on the ground and let the darkness chased after them. A moment later, I heard their painful cries as I finally found the exit. Hinati ko ang pintuan gamit ng dalawang espada ko at tumalon palabas, landing on one of my knees.

Turning my head around the big building na napapaliguran ng punongkahoy, tinaas ko ang isa kong kamay at nanonood habang isa-isang sinakop ng kadiliman ang buong lugar. Nakikita ko ang sariling repleksiyon ko sa mga espada ko, and the Cursed Mark on my neck transparently appeared over the side of my neck, maliit lang ito pero masakit.

I retrieved the shadows back and let the whole facility explode in fire. Wala ni isa na dapat makaalam na nandito ako, hindi man nila ako kilala but I fear they'd misundertsood everything if they recognize me...especially this mark. Pinawala ko ang dalawang espada ko at lumakad palayo.

Magnus Academy: The Cursed BloodWhere stories live. Discover now