Chapter Seventy-Five

2.8K 122 2
                                    

Reality's Illusion II

"Bakit? May dapat bang mangyari?" Tanong ko pabalik.

I got disrespectful all of the sudden. Pero hindi ko naman pwedeng bawiin ang sinabi ko dahil nasabi ko na. I just can't hold myself back anymore. Paniginip man ito o realidad ay gusto kong malaman ang lahat ng bagay na dapat kong malaman. It's time for the truth if they want me to trust them.

"Wala naman." My sister replied. She acts so calm saying that pero nararamdaman ko ang emosyon niya, and it's the exact opposite. So wala silang plano sabihin, or is it me not showing my intention enough?

"Paano kung dumating ang araw na hindi ko na ma-summon ang weapon ko sa walang kadahilanang rason and found out my weapon's actually different?" Natahimik sila ng ilang segundo at napatingin na naman ulit sa akin.

"Sinasabi mo bang may nangyayari sa weapon mo? What kind of joke is this Ke'ala? Kung may problema ka sabibin mo na. If none, don't make such stories." Hindi ako sanay pagalitan ni kuya, in fact he doesn't scold or get mad at me at all. Well he usually don't. Kaya naninibago ako.

"I'm not making up stories kuya. I'm merely saying the possibility. Pero bakit parang galit kayo? Ako ba o kayo ang may nalalaman na ayaw niyo lang sabihin?"

"Alva'ryus, Ka'ela, you might want to explain what's going on. Bakit siya nagkakaganito? She wasn't like that as long as I can remember." Wika ni grandma. So they're saying na ako pa ang may mali dito.

Bigla na lamang akong napatayo and the sound of the chair against the floor creaked which attracted their attention. Am I acting like a brat? Bakit kaya? Dahil parin ba ito sa katotohanang hindi prin stable ang enerhiya ko which affects my own emotions? Kahit sinusubukan kong kumalma ay mukhang kaonti din lang naman ang epekto nito.

Emotions are scary, they drive you crazy.

"Tapos na po akong kumain. Pupunta lang ako sa likod para magpahangin." I need to get myself together now, sa unahan ka ng pamilya mo Ke'ala. You need to calm down and return to your normal self!

Before I could even take a step, tinawag ako ni kuya, his face looks more serious na nakakatakot ito. It's as if he's threatening me.

"Since nandito sina Grandpa at Grandma, wouldn't it be best na ipakita na kung saan ka na ngayon sa training mo?" In other words, he wants a fight. Ganoon ba talaga siya kagalit?

"Pasensya na kuya, pero may pupuntahan kami ni Jarvis maya-maya. Hindi ba Jarvis?" I looked at Jarvis who's confused at the moment, he looked back at me, our eyes met.

"Anong ginagawa mo? Please don't tell me he's angry." Tanong niya sa isip ko.

"Oh he is."

"Ayaw kong madamay no! It all happened because you changed. Ano ba ang nangyayari sayo Ke'ala? You can at least tell me."

"I...." I trailed off. I just can't tell him all of the sudden na nagising ako sa isang panaginip kung saan maraming nangyari tapos ay bumalik ako dito at ganoon nga ang nga nangyayari. Alam kong magulo ito.

"Ah oo Alva'ryus, importante yata ang pupuntahan namin ahaha." Nice Jarvis, nagpapahalata ka talagang scripted.

"Oh? I'm sure you can wait, right? May mas importante pa ba sa training mo Ke'ala?" I sighed, giving in.

"Fine Brother, if that's what you wish."

Kahit ni isa ay hindi ko pa natalo si kuya sa mga labanan namin dahil masyado siyang malakas at mabilis, without even using his actual weapon and ability. Ni isa ay hindi ko siya natamaan, he's just that strong, even when he's holding back. Ganoon din si ate, kung mas nakakatakot si kuya, ay mas naman si ate kung magalit. I don't know but that's just how our family is, kaya nga siguro adopted lang ako.

Magnus Academy: The Cursed BloodWhere stories live. Discover now