Chapter Four

6.9K 202 9
                                    

Pirates Of the Magna Sea

Later after the outsider incident, bumalik na si Chief Greymond sa bahay ng mga Feyree. Hindi siya mapakali, ang dami na ng mga iniisip niya at mga kailangan niyang gawin. Nadagdagan pa ang outisder na ito. Hindi niya alam kung ano ang ginagawa niya dito, pero kailangan niya paring isipin ang kalagayan ng isa sa mga Main Family na kasalukuyang nawawala.

Madaling araw na, nakasikat na ang araw kanina pa. Ngunit kahit isang minutong tulog lang ay hindi magawa ni Alva'ryus. Pinagsisisihan niya ang nangyari, pero wala din naman siyang magawa. Agad namang lumabas si Ka'ela sa kwarto niya na galit na galit.

"Ka'ela, huminahon ka nga." Sabi ni Alva'ryus sa kapatid niya.

"Huminahon?! Kuya! Nawawala ang kapatid natin! And what's worse, she's been kidnapped." Galit na sabi nito sa kaniyang kuya.

"Ano?!" Nagulat si Chief Greymond.

"That outsider." Madaling nakuha ni Alva'ryus ang gustong sabihin ni Ka'ela. He slammed his palm on the table that caused it to break.

"Where are they heading?"

"It's too late. Nasa labas na sila ng boundary ng isla. We can't go out there without letting mom and dad know what's going on."

"I'm going to kill that outisder." Bulong nito sa kaniyang sarili. 

"Chief Greymond, send all available sentinels and follow them."

"Outside the boundary?!" The Chief exclaimed. "Alam mong gagawin ko ang lahat para mabalik ang kapatid niyo, pero hindi ko pwedeng baliwalain ang sacred rules ng isla, and one of them is to never go out of the boundary. Kailangan kong kausapin ang ama niyo dito."

"Darn it!" Galit na sabi niya sa sarili. "Ka'ela, send the message."

——————————————————-

Mataas na ang araw nung muli akong nagising. Nagugutom na ako, pero wala kaming makain. Ilang oras na kaming naglalayag, but all I can see is water and water everywhere. Gusto ko nang makaahon sa lupa, pero wala kaming nakikita. Ganoon ba talaga kalayo ang Magnus Town? Well, nasa kabilang parte kami ng mundo, kaya siguro ang layo-layo nga talaga nito.

Gusto kong matulog ulit para siguro kung makarating na kami ay nandoon na kami, pero hindi ko magawang matulog dahil gutom na gutom na ako. Ang lalakeng kasama ko naman, since hindi ko alam ang pangalan niya, tatawagin ko nalang siyang si Hoy. Kanina pa siya tahimik.

"Malayo pa ba tayo?" Tanong ko. He nodded. Ang honest niya. "Ssna nagsinungaling ka nalang."

"Tinanong mo eh. Kailangan nating bilisan, bago pa natin maakit ang mga pirata." Pirata? May pirata dito?

"Anyway, you mentioned Magnus Town, doon ka ba nakatira?" Tanong ko. He nodded.

"More like, doon na ako lumaki kahit na hindi ako napanganak dun." Eh?

"Lumipat kayo ng tirahan?"

"Yeah, ever since my mother died, bumalik kami ni dad sa Magnus Town at nagsimula ng bagong buhay. Though there is a reason why he wanted us to go back."

"At ano naman yun?" Natahimik siya ng ilang segundo bago humarap sa akin at nagsalita.

"My father wanted me to pass the exam in order to school in their Academy. Pero, hanggang dalawang buwan lang ang limited time para makakuha ka ng exam."

"And?"

"Hanggang dalawang beses ka lang pwedeng umulit sa pagkuha ng pagsubok, and I failed. Two times na hindi manlang ako nakatagal ng sampung minuto." He sounded frustrated when he said that. He looked away.

Magnus Academy: The Cursed BloodWhere stories live. Discover now