Chapter Twenty-Seven

4.3K 141 6
                                    

Side Trip

Bigla kong naramdaman ang pagbalik ng hangin sa sistema ko at agad na napaupo. Hinang-hina ako, I feel so drained na hindi ko na kayang buksan ang mata ko at magpahinga nalang. Basang-basa din ako, for a moment there, I actually forgot what happened when suddenly something warm enveloped my body.

"Finally! Pinagalala mo ako." Narinig kong salita ni Genova sa tabi ko. Napag alaman ko na siya din ang naglagay sa akin ng tuwalya. Looking around, nasa clinic na naman ako. "Kakadala lang ng nurse dito sayo. Your heart stopped beating." My eyes widened for a moment. It....stopped?

"You're alive." That was Dr. Mira who entered. May dala siyang isang kit na may mga lamang iba't ibang gamot. "The extra of the story has survived." Tss. Bakit para sa kaniya prang biro lang ang lahat ng 'to?

"Don't make fun of it." Nginitian niya lamang ako at humarap kay Genova.

"Genova, hindi ba? Mukhang magiging okay lang naman siya. You can go back and continue the rest of your classes." Nag bow si Genova.

"Then kayo na po ang bahala dito." Then she left closing the sliding door.

"Grabe ang pag-aalala niya sayo kanina." The doctor mentioned. Then she looked at me. "That fountain was actually shallow. Six feet tall." It's not shallow at all. O din naman ako malulunod. "At nalunod ka."

"Can't I get to say anything about this?"

"Something must have had happened to you. May nangyari na bang ganito noon sayo?" Now that she have mentioned it, takot na talaga ako sa tubig.

Hindi ko siya sinagot at tumayo na. Nanlalamig ako dahil sobrang basa ko ngayon. Kung pupunta ako ng ganito sa dorm nakakahiya since nakikita ang mga undergarments ko. But since I'm 'me' wala naman sigurong papansin, plus may mga pasok ngayon ang mga students. But still, thinking about it is already embarrassing.

"May extra na damit sa cabinet. Choose whatever you like, hindi yan nagamit."

Sinunod ko ang sinabi niya at binuksan ang cabinet habang siya ay may ginagawa na kung ano sa microscope na nasa table. Madali lang naman ang pagpili ko ng damit, pagtapos ay pumunta ako sa bathroom at naligo ulit. Ehile bathing under the shower, naalala ko ang kanina. Bakit ako nalunod? Six feet lang yun, pero alam na alam ko na hindi lang yun basta six feet lang, or maybe it was at nadala lang ako ng trauma sa nangyari noon? Either way, wala na akong planong mag swimming pa in the future.

Pagtapos kong mag shower ng mainit na tubig, since you can choose which one would you prefer, at agad na nagbihis. The clothes were well-suited for me. Lumabas na ako ng bathroom and I saw the doctor still with her works.

"Ah! Bago ka umalis," may kinuha siya sa kit at tinapon ito papunta sa direksyon ko. Isang tableta na may mga pills sa loob. My eyebrow lifted.

"At para saan naman to?" Wala kasing nakalagay na pangalan.

"Calming pills. Newly created. It should be able to help you up."

"Help in what exactly?" And newly created?

"Basta at umalis ka na. Pasasalamatan mo din ako."

Kinuha ko nalang ang pills at lumabas na ng clinic. Looking on the wall clock earlier, it's around 3 in the afternoon. And I was advised to rest so I walked towards our dorm. While walking, bigla akong napatigil nang may napansin akong kakaiba. I turned my head sudeward, then let out a small smile. It's already this time of the year huh?

Nagpatuloy ako sa aking paglalakad as I let the cherry blossoms flew pass by me. I got a feeling things from now will be more than interesting.

Magnus Academy: The Cursed BloodWhere stories live. Discover now