Chapter Thirty-Five

3.7K 143 0
                                    

Unexpected

I was reading a book na nakuha ko lang sa pader after I pressed some buttons on the keyboard. It was titled, 'A Strategic Way To Win' by Bernard Joles. Nandito ako ngayon nakaupo sa may binatana sa kwarto ni Iyana, while the two are sound asleep. After I carried them here, they should be grateful.

I watch the setting sun habang umiihip ang hangin. It was nighttime, kaya sigurado ako malapit na tumunog ang kampana. I closed the book at timing namang nagising na ang dalawa. Mabuti naman nagising na sila, or else I'll have to pour a bucket of ice water on each of them.

"Anong oras na—" hindi na natapos ni Iyana ang tanong niya ng tumunog na nga ang kampana. Hudyat ito na 6 pm na.

"The main event is going to start soon." Sabi ko sa dalawa at tumayo na.

Pagkatapos naming maghanda ay agad kaming lumabas sa kwarto. Then soon after naming magpaalam kay Martino since umalis so Ian, which is I'm grateful for, ay lumabas nadin kami ng mansion.

Iyana and Andrea's supposed appearances were back the moment they stepped out of the house. At kahit ngayon ay hindi sila sanay dito, at mas lalong hindi ako sanay na pinagtitinginan ng mga tao. Nakikita ko din na mukhang maraming students nga from the Academy ang ngayon ay nasa labas na.

"Mukhang pagod pa kayong dalawa." I said. Mukha kasing walang gana sila ngayon. Walang gana when they were the ones who originated this plan.

"No, I'm completely fine just....sleepy." Sagot ni Iyana. She's always sleepy. Pinatong noya ang dalawa niyang kamay sa likod ng ulo niya, a habit of hers.

"Well I am tired so let's get this over with."

"Hoy, kayong dalawa. Kayo ang nagplano nito, don't you dare loose motivation now."

"Pero, ang dami yata talagang sasali ngayon." Andrea mentioned while looking around.

"Obviously. Mas marami pa nga ngayong taon." Iyana replied.

We immediately headed to where the main event is going to start. Isa itong napakalaking dome sa gitna ng bayan. Lahat na nandito ay ang mga sasali lamang habang ang mga nanonood ay nasa malaking arena sa isa pang parte ng lugar sa bayan. I bet more then five hundreds are here. Kahit ako ay hindi din makapaniwala na ganito ka inaabangan ang main event na ito.

May isang naka armour ang umakyat sa stage, agaw pansin talaga siya dahil sa kaniya lang nakatuon ang spotlight, sarado din ang buong dome upang walang makapasok o makalabas manlang, kaya madilim dito ngayon. Nang maayos nang nakatayo yung lalaki sa gitna ng stage, doon ko nalaman na si Thomas pala ito.

"Due to the unexpected number of participants, the number of phases will increase to six, or probably seven." He announced at ramdam ko ang gulat sa paligid ko.

"Ang competition na ito ay grupo ng tatlo. The objectives are clearly to improve teamwork, perseverance, and communication. Sa pitong phases, lahat ay random. Kaya walang makakaalam o makakapaghanda manlang kung ano ito." Dagdag niya.

"Well then, why don't we start?" Nakangiti niyang wika which caused an uproar in the whole dome.

May hinawakan siyang lever sa tabi niya at sa likuran niya ay may lumabas na malaking screen. Habang hinihila niya ang lever, ay kitang-kita ko ang paghahanda ng lahat. It sent chills down my spine. For some reason kinakabahan din ako. Wait....don't tell me...

"Keila, maghanda ka na. The moment the category is locked on, the first phase will immediately start." Iyana said. I knew it.

Bahagyang may lumitaw na random letters sa screen, and after few seconds, nabuo ang mga salitang ito.

Magnus Academy: The Cursed BloodWhere stories live. Discover now