Pahina 1

17.5K 382 31
                                    

1: Misteryoso,

Natatandaan ko noon, hindi kita pinapansin o kahit katiting na interes ay hindi ako nagkaroon sa iyo. Simpleng lalaki ka lamang na transferee sa school na pinapasukan ko. Ang sabi noong mga kaklase ko, gwapo ka daw, maputi, tisoy at chinito. Ang lakas din daw ng apil mo dahil maging mga lower years ay nahuhumaling sa iyo.

Samantalang ang tanging pananaw ko lamang noon, ay masyado ka nilang tinitingala, masyadong labis ang paghanga nila sa iyo. Ano bang espisyal na mayroon ka bukod sa mala-porselana mong kutis, at mala-perpekto mong mga mata? Ano bang mayroon ka at madami kang nabibihag? Samantalang, puro panlabas na anyo lamang ang kanilang napupuna sa iyo.

Ganoon na ba talaga sa panahon ngayon? Mas gugustuhin nila ang mala-dyos at dyosang mukha kaysa sa bukal na kalooban at walang katulad na katangian? Ang mga tao ngayon, sadyang mababaw.

Dumaan ang panahon, marami ka pa ding naakit na kababaihan. Marami kang katawanan at nakakausap sa kanila, ngunit may isang swerteng babae ang naging pinakamalapit sa iyo. Makulit at masiyahin siya, lagi kayong magkadikit at magkasama.

Minsan kapag napapatingin ako sa inyo ay natutuwa akong pagmasdan kayo, iyon kasing tingin niyo sa isa't-isa ay puro at may kinang na hindi mo maipaliwanag. Mayroon kayong koneksyon na hindi maikakaila, at nakakatuwang pagmasdan ang mga inosente niyong kulitan.

Unang pagkakataon na dinapuan ako ng singkit mong mga mata ay tandang tanda ko pa.

Hapon noon at labasan na. Nakita kitang tinatahak ang daan patungo sa labasan nitong paaralan. Dahil medyo maraming tao, ay hinahayaan mo silang makadaan muna bago ka mauna. Gentleman. Iyon lamang ang tanging pumasok sa isipan ko noong mga panahong iyon. Hindi ko iyon inasahan sa isang kagaya mo, akala ko ay mataas din ang tingin mo sa sarili mo na dadaan ka na para bang naghahari-harian, subalit kabaliktaran ang ginawa mo.

May magandang ugali ka pala.

Matapos dumaan noong iba ay umabante ka pauna, ngunit may bigla na lamang akong narinig na parang mahinang impit na tili, kaya't napunta doon ang aking pansin. Dahil sa pagtatakha at malikot na kuryosidad ko ay tingnan ko kung saan nagmumula ang ingay na iyon.

Laking gulat ko na lamang noong may mga lower years na mukhang natigilan at napatili dahil sa pagpapakita mo ng kagandahang asal. Napailing-iling na lamang ako saglit noon sa aking kinauupuan habang pinapanuod ang nakakalokong eksenang iyon...

Nang sa hindi inaasahang pagkakataon ay mahagip ka ng paningin ko, at halos muntik ko nang itaas ang kilay ko noong makitang tinitingnan mo ako. Wala akong katabi o di kaya'y kasama sa waiting bleachers kaya't sigurado ako na ako ang pinagtutuunan ng pansin ng iyong mga mata.

Akala ko ay kung ano ang gagawin mo o kaya naman ay baka napatingin ka lang talaga sa dako ko... Ngunit ang iyong kasunod na ginawa ay hindi ko inaasahan, ako'y bigla mong hinandugan ng iyong ngiti...

...ngiti na nakapagpatigil sa akin, ngiti na nagbigay sa akin ng kaba, at ngiti na pinagkaloob mo sa akin na nagtulak sa kuryosidad kong kilalanin ka. Sa pagkakataong iyon ko napagtanto, kung bakit ka nila pinagkakaguluhan.

Sikat ka man, ay masyado kang misteryoso na tila ba inaakit mo ang mga nakapaligid sa iyo, na mas kilalanin ka pa dahil hindi pa nila alam ang tunay na pagkatao mo.

Buong buo pa sa isipan ko ang ala-alang iyon. Iyon ang unang ngiti na iyong ibinigay sa akin, ang unang ngiti na dahilan kung bakit ako naging interesado sa lalaking tulad mo na sikat ngunit misteryoso.

* * *

Reminiscence: From Me To YouWhere stories live. Discover now