Pahina 47

2.5K 114 5
                                    

47:

"'My!" Tawag sa akin noong dalawa nang malapitan nila ako. Niyakap nila ako at saka kinamusta. Ewan ko ba, pero ang akto nila iyong tila wala sa paligid iyong isa. Siguro ay marahil hindi nila alam kung paano aakto sa harapan niya.

Natahimik na lamang si singkit at saka napahawak sa batok niya at saka umupo doon sa may bag namin at saka kinuha ang gitara.

"Anong ginagawa n'yo dito?" Tanong ko.

"Ah?" Natatawang sambit ni Yana. "Magprapraktis noong PE Practical. Dapat doon kami sa park na mas malapit kayna Marv, kaso maraming batang naglalaro, tapos sabi ni Marv, meron naman daw dito kaya ayun." Nakangiting paliwanag niya.

"Sumama na kami kay Yana at Marv na magpraktis kaya nandito kami ni Rence." Agad na dugtong naman ni Claire. Napangiti ako ng pilit at saka napatango tango. Hindi ko din alam ang sasabihin ko. Siguro, kahit hindi ko na din sabihin kung bakit ako nandito ay alam na nila.

"Ah? Ganoon ba. Sige, magpraktis na kayo." Iyon na lamang ang sinabi ko. Nilapitan din ako ni Marv at Rence. Si Rence ay kinulit nanaman ako kagaya nang nakagawian, pero hindi ko siya pinansin. Samantalang si Marv ay tatawa tawa akong sinasabihan ng kung ano ano.

Malay ko ba sa dalawang lalaking ito na akala mo naman ay malapit na malapit kami kung makaasta. Sinuway ko na lamang sila at pinalayo sa akin. Ayaw pa nilang tumigil sa pagdadaldal kung hindi lamang nagsalita si singkit.

"Can I get my partner?" Maangas niyang salita. Napa-ismid ako doon. Dumali nanaman sa kayabangan. Tsk.

Hinigit niya ako sa kamay kaya't napalapit ako sa kaniya. Nasasanay na siyang hawakan ako nang hawakan sa kamay. Napakunot noo tuloy ako doon at saka binawi ang kamay ko. Hindi ako sanay. Hindi ako kumportable sa mga ganoong bagay.

"Magsimula na din kayong magpraktis, at layuan ninyo dito, malawak naman itong parke, kailangan kasi naming matapos ito." Paliwanag pa niya. Medyo nagloko pa iyong dalawang lalaki, pero mukhang nasindak din sila noong samaan ko sila ng tingin kaya't lumayo na sila sa amin.

Pumunta si Marv at Yana doon sa medyo gitna na mayroong quadrangle. Samantalang si Rence at Claire naman ay nagtungo malapit sa slide kung saan may lilong dahil sa maraming puno. Hiwa hiwalay na kaming magkakaparehas kaya't kahit malakas ang music noong speaker namin ay hindi kami nakakabusisi sa kanila.

Dahil na din doon ay nagsimula na kaming muli na ayusin ang mga steps na aming ginawa. Paminsan minsan ay nagkakamali kami kaya't tinutulak ko siya papalayo. Ang lakas kasi manapak ng paa. Minsan naman ay halos matumba ako sa mga steps namin kaya iniiba namin iyon.

"Lapit ka nga." Sambit niya. Habang inaayos namin iyong isang galaw. Medyo malayo kasi ako sa kaniya. Hindi naman kasi ako iyong tipo na wala lamang ang mga pagdadait ng balat. Sa akin ay ibang kaso iyon, masyadong nakakabahala.

Kung sa iba ay wala lamang iyon, marahil ay dahil nasanay na sila sa takbo ng mundo ngayon. Pero ako'y parang napag-iwanan pa din ng panahon, dahil hindi ako masanay sanay sa mga ganitong bagay. Minsan kasi kahit walang malisya ay nagkakaroon dahil sa dumi ng isip ng mga tao.

At saka dahil na din sa lola ko na pinalaki akong Pilipinang-pilipina na akala mo'y galing sa sinaunang panahon.

"One step closer." He commanded. I pouted. He laughed. Bwisit.

"Hindi ka ba kumportable sa ganito kalapit?" He asked then he gestured towards me and touched my elbow. Pakiramdam ko ay nanigas ang katawan ko dahil doon. Ngumiti pa siya, iyong ngiti na napkiramdam ko ay safe ako ay wala akong dapat alalahanin.

Napabuntong hininga ako at saka marahang humakbang nang isa paatras. At saka nahihiyang iniling ang ulo. Masyadong malapit. Halos dumait na ang katawan namin sa isa't-isang maigi. Iyon ngang mahawakan ako sa kamay ay hindi ko maiwasang mailang ito pa kaya?

Reminiscence: From Me To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon