Pahina 54

3K 144 9
                                    

54:

Hindi ko alam kung anong nakain nitong dalawang ito at nararamdaman ko talaga iyong tensyon. Mabuti na lamang at pumagitna si Yana at nagbiro, kaya naman umalis na din si Rence at tumawa na lamang itong si singkit.

Matapos niyang tumawa bigla niya akong nilapitan nang mas malapit kaya napaatras ako. Tss. Hindi ako si Yana, na kapag nilapitan nang sobra ay ayos lamang, baka nakakalimutan niya. Nahalata niya iyong kilos ko kaya ngumisi ang loko at saka marahang ginulo iyong buhok ko.

"Hindi tayo sabay mamaya ha. Maglalaro kami noong mga kaibigan ko." Paalam niya sa akin. Napatango na lamang ako doon.

"Huwaw naman. Parang magkatipan ah. Nagpapaalam ka na ngayon ha." Loko pa ni Yana sa amin at sa kaniya. Hindi ko napigilan ang natural na pag-ikot ng mga mata ko sa sinabi niya.

Normal iyon sa amin dahil lagi nga kaming magkasabay sa hapon. Kaya nga din maraming bulong-bulungan na mayroong namamagitan sa amin. At nagbibingibingihan ako tungkol sa mga naririnig kong iyon, dahil wala naman talaga silang alam.

Ilang sandali pa bumalik na kami sa kaniya-kaniyang upo dahil sa presidente namin. Ang sabi niya hindi na daw pupunta ang guro namin dito at siya na ang nagpaalala sa amin ng ibang mga anunsyo.

Siyempre dahil kapwa estudyante karamihan sa klase ay walang paki-alam. Pagod na pagod na din yata makipagpakiusapan sa amin iyong presidente kaya hinayaan niya kami sa mga kalokohan namin.

Habang nakikinig sa kaniya may kumulbit sa isang banda ko. "'My." Tawag niya. Napairap ako nang palihim dahil doon.

"Huwag mo akong mamiss masyado ha." Bwisit! Akala ko kung anong importante ang sasabihin. Iyon naman pala mang-aasar nanaman. Bakit ba laging ganito ang tukmol na ito? Ako naman nabubwisit sa hindi malamang dahilan.

"Kapal mo." Naimik ko na lamang.

"Pero gwapo." Tss.

"Hangin." Sagot ko.

"Pero presko." Takte! Daming alam nito ngayon ah.

"Babagyo."

"Then I will leave your heart in the state of calamity." Ano daw? Napatingin ako sa kaniya dahil doon at binigyan siya ng naaalibadbaran na tingin. Humagalpak siya ng tawa dahil sa ginawa ko. Nahithit nito?

Sinamaan ko na siya nang tingin dahil doon pero tinawanan lamang niya ako. Pinilig ko na lamang ang ulo ko sa kaniya. Nagpapansin pa siya pero hindi ko na siya pinansin. Panigurado kasing aasarin lamang ako nang isang iyan. Subalit, napapangiti ako kapag pakiramdam ko nagpapaawa na siya para lamang lumingon akong muli.

Matapos iyong mga sinabi noong presidente namin ay nag-alisan na iyong iba. Inaayos ko ang bag ko noong may humawak sa balikat ko at saka ako marahang iniharap sa kaniya. "Ingat sa pag-uwi, wala ako sa tabi mo." Nakakalokong sambit niya.

Napataas naman ako ng kilay doon. "As if." Imik ko sa kaniya, tapos humagalpak siya ng tawa.

"Mali pala. Sila pala mag-ingat sa iyo." Loko loko. Pagkatapos noon ay tinapik niya iyong balikat ko at saka kumaway para magpaalam bago siya tumungo doon sa mga kaibigan niya. Hindi ko alam pero dumadagundong talaga iyong puso ko.

Ano bang ginagawa ng singkit na iyon at ganito ang nararamdaman ko? May kung anong hipnotismo nanaman. Tss. "Bye!" Nasabi ko na lamang at saka kumaway kaya naman abot tainga ang ngiti noong isa.

Nakatitig pa ako sa likod niyang paalis noong biglang may dumanggil sa akin nang pabiro. "Naks! Para talaga kayong mag-girlfriend-boyfriend. Inggit much!" Claire suddenly exclaimed not that loud, iyong tipo na kaming dalawa lamang ang nakakarinig.

Reminiscence: From Me To YouWhere stories live. Discover now