Pahina 17

2.8K 129 0
                                    

17:

"Ano nga? Anong mayroon sa inyo ni Rence?" Nabibingi na ako sa paulit ulit na tanong ni Claire. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na niya akong kinulit at tinanong tungkol kay Rence.

"Wala nga. Dati ko lamang siyang kaklase noong elementary at noong grade seven." Parang sirang plaka na din ako kasasagot sa kaniya, pero ayaw niyang maniwala. Ano ba kasing gusto niyang sagot? Ayaw kong pag-usapan kung bakit ganoon ako kay Rence.

"Mag-share ka naman, parang hindi ito kaibigan." Nagtatampong saad pa nito. Akala naman niya eepekto ang paawa niyang pangungumbinsi. Napabuntong hininga na lamang ako.

"Iyan kasi ang mahirap. Iyong kahit nakapag sabi na ako nang totoo, hindi mo pa din paniniwalaan, kasi hindi iyon ang gusto mong marinig." Makahulugang imik ko sa kaniya habang seryosong nakatitig sa kaniyang mga mata.

Natigilan si Claire doon, pero natawa din. "Hugot nito." Sabay palo pa nang bahagya sa braso ko. Dumali nanaman nagkasaltik nanaman.

"Tsk. Ang kulit kasi, sinabi ko na nga sa iyo tapos ayaw mo pa ding maniwala." Iiling-iling na wika ko. Napa-labi naman siya dahil doon.

"Ito naman, ang gusto ko kasi ikwento mo. Hindi iyong basta magkaklase lang kayo." Napabuntong hininga nanaman ako sa sinabi ni Claire. Bakit ba ang kulit kulit kulit nito?

"Claire. Hanggang doon nga lamang kasi iyon—" Hindi ko na natapos iyong sasabihin ko noong kumontra siya.

"Bakit ganoon? Madalas hindi ka kumportable sa isang tao—"

"Hindi naman ako kumportable sa kaniya ah." Depensa ko agad. Napakamot naman siya sa ulo na para bang naiinis na. Napatawa ako sa aking isip. Kasalanan niya, masyado siyang mausisa.

"Hindi." Mariing sambit niya. "Hindi iyon. Gulo nito."

"Ako pang magulo?"

"Aish! Patapusin mo nga muna ako." Napatango na lamang ako dahil doon. Hindi din mapigilan pagiging chismosa nito minsan. Tsk tsk tsk.

"Ano kasi. Hindi ka basta basta napipikon, hindi ka din basta basta nakikipagtalo, hindi ka din basta basta nagsasalita noong sinabi mo kanina. Pa-english-english ka pa diyan. Basta, parang may nag-iba sa iyo kanina noong kasama natin si Rence, kaya nagtatakha ako. Gusto naman kita madamayan kung ano mang mayroon." Mahabang paliwanag pa nito.

"Hay." Kamot ulong sambit ko. "Wala ka nga kasing dapat alalahanin. Nainis lamang ako kasi ayaw niyang ikonsidera iyong mga sagot ko na tama naman dapat. Iyon lamang iyon. Tapos." Pag-tutuldok ko sa usapan namin.

"Anong pinag-uusapan ninyo? Tara na. Kain tayo sa taps, gusto ninyo? Miryenda." Biglang pagsulpot ni Yana na kagagaling lamang sa comfort room. Hindi sumama si Claire sa kaniya dahil nga kinukulit ako nito tungkol kay Rence.

"Ito kasi." Turo sa akin ni Claire.

"What?" Imik ko naman.

"Iyong kay Rence kanina." Maikling pahayag ni Claire. Mabuti na lamang talaga at labasan na at wala nang tao dito sa klasrum kung hindi kami kami.

"Si Rence?" Sabay na sambit ni Yana at ni singkit. Nandito na din pala ang isang iyon na laging kabuntot ni Yana. Nasa labas lamang siguro siya ng silid kanina. Hindi namang pwedeng kasunod siya ni Yana sa banyo.

"Oo. Hindi ba nga? Iyong pagkapikon nito kanina kay—"

"Stop it, Claire. Wala nga iyon." Mahinahong pagputol ko sa kaniya. "Tara na lamang sa taps. Gutom na din ako." Pag-iiba ko ng usapan. Tumango si Yana at saka siya pumayag sa suwestiyon ko. Pagkatapos ay ako ang unang lumabas at naglakad. Baka kasi kulitin nanaman ako ni Claire.

Naramdaman kong may sumunod sa akin. At may narinig akong tanong. "Anong meron?" Isa pa itong chinitong ito. Kainis.

"Wala nga." Maikling pahayag ko.

"Weh?" Natatawang sambit pa niya. Nagpakawala ako ng buntong hininga dahil sa paulit ulit na lamang ito. Nakakasawa.

"Magkakilala kayo ni Rence?" Tanong pa niya.

"Obviously, we are classmates." Muntik ko nang sundan iyon ng 'duh' dahil state the obvious nga naman.

He laughed mockingly. "Huwag kang pilosopo. I mean. Hindi kayo nagpapansinan sa klase, or should I say, you are quite distant with him." Napatigil ako sa paglalakad at saka ko siya hinarap.

Napatigil din siya dahil doon at nagpinta pa ng ngisi sa labi. I gave him a glare, but he just shrugged. I acred my brow while he was waiting for my answer. "So you are saying that you are always watching me?" Panghahamon ko.

Mas lalo siyang humalakhak sa aking sinabi. Agh. Ang kapal din ng mukha ko para sabihin iyon. Napatungo tuloy ako nang wala sa oras at saka naglakad. Nakakahiya ako. Tsk.

"Paano kung sabihin kong oo?" I was taken aback when I retorted that answer to him a while ago, but now, I was beyond confused with his words. Ang alam kong sasabihin niya dapat ay: Ang kapal mo.

"Seriously?" Mataray na imik ko.

"Kidding aside." He said in a low tone. Natigil na din siya sa pagtwa. "Napansin ko lamang. Iilan lang kaming pinapansin mo sa klase." Kibit balikat na sambit niya. Nagkibit balikat na lamang din ako.

"Copy cat." He accused. I glared. He laughed. Bwisit. Hindi ko na lamang siya pinansin kahit nagsasalita pa siya sa tabi ko. At noong magsawa siya kasasatsat ay pumunta siya sa likod at siguro doon sinabayan si Yana.

Nakarating kaming apat sa taps. Wala pa daw kasi iyong service ni Yana, kaya naman doon muna kami. Kumain kami nang matiwasay. Pagkatapos ay nagkwentuhan din. Laking pasasalamat ko noong hindi ako kinulit ni Claire at noong isa tungkol kay Rence.

Si Yana naman, paniguradong kinuwentuhan na siya ni Claire kanina noong naglalakad kami papunta dito. Masaya kaming apat hanggang sa napunta ang paksa namin sa:

"First quarterly exam na sa susunod na linggo." Malungkot na pahayag ni Yana.

"Oo nga. Hell week nanaman." Sang-ayon ni Claire.

"Ayaw na ayaw ko talaga ng exam weeks. Nakakapagod, masyadong madaming gawain." Wika ko naman. Ganoon naman kapag malapit na ang exam week, ang daming pinapagawa. Mga notes, mga individual works, mga projects at kung ano ano pa. Nakakastress masyado.

"Beb, paturo naman ako bago mag-exam. Wala kasi talaga akong naiintindihan sa tinuturo." Pakiusap ni Claire sa akin.

"Sige. Sa inyo na lamang tayo, kapag pinayagan ako, okay lang ba?" Sagot ko. Magandang ideya din kasi naturuan ko siya kasi iyon na din ang magiging balik aral ko kapag nagkataon. At saka gusto ko siyang tulungan. Dating gawi.

"Sama ako!" Masayang salita naman ni Yana. Tumango naman ako habang nakangiti.

"Ako din. I'll be the math tutor." He said proudly and we agreed. So I guess, it's a group study huh? Sana hindi maging disaster—and disaster meaning magkwekwentuhan at magkwekwentuhan na lamang kami at hindi na mag-aaral. Iyon kasi ang laging nangyayari. Sana hindi talaga. Hindi pwedeng maging mababa ang mga grado ko.

***

Reminiscence: From Me To YouWhere stories live. Discover now