Pahina 16

2.9K 128 7
                                    

16:

"Okay, group yourselves into four. We will have a quiz bee." Agad kaming nagkatinginan ni Claire dahil sa sinabi noong guro namin sa siyensya. Nakangiti si Claire sa akin nang makahulugan na tila ba nagsasabi na kami dapat ang magkakagrupo. Agad naman akong tumango dahil doon.

"Sali ako." Napalingon din agad kami ni Claire sa likod namin noong may umimik noon. At walang duda, si Yana nga iyon na napakalapad ng ngiti sa labi. Agad naming inayos ang upuan namin ng pabilog. Para naman makasama si Yana sa usapan namin.

Mabuti na lamang at payag iyong si Miss Science o Chemistry na kami kami na ang bahala sa mga grupo namin.

"Sino pa iyong isa?" Takhang tanong ni Yana. Tatatlo pa lamang kasi kami, hindi naman puwedeng tatluhan lamang. Sakto kasi sa apat ang lahat sa section namin, may mga liban kasi sa klase.

Lumingon ako sa paligid at napansin na halos nag-grugrupo na agad iyong iba. Iyong iba naman ay kumpleto na. Nahagip siya ng paningin ko. "Ay, nandoon na siya sa barkada niya." Nakalabing sambit ni Yana, kaya naman napalingon ako sa kaniya. Tama siya, may grupo nang kaniya iyong singkit na iyon.

Nagkibit balikat na lamang kami ni Claire. Tumawag si Claire noong iba naming kaklase subalit may grupo na sila. Si Naya sana dahil medyo kumportable na ako sa kaniya, pero kasama na niya si Marita, Eunice at Lily. Barkada din kasi ang apat na iyon.

"Yow, people." Napa-atras agad ako sa aking upuan noong bigla na lamang umimik iyong isa naming kaklase na lalaki. Na-ilang agad ako sa kaniya. Hindi ako makapag-salita, hindi din ako makatingin sa kaniya.

"Rence!" Masayang banggit ni Yana sa pangalan niya at agad na nakipag-apir. "Dito dali umupo ka, tayo na lamang ang magkakagrupo." Paanyaya pa niya. Gusto kong kumontra. Gusto kong sabihin na huwag siya pero huli na ang lahat.

"Ex ni Yana pinsan nan." Narinig kong bulong ni Claire sa tainga ko. Agad ko siyang sinamaan ng tingin dahil baka marinig kami noong dalawa. Alam ko iyon. Alam ng buong batch iyon. Grade seven pa lamang ata si Yana noong maging sila nga noong pinsan nitong si Rence na si Reniel ang kaso naghiwalay iyong dalawa. Mabuting magkaibigan naman na yata sila ngayon. Pero, hindi iyon ang dahilan kung bakit naiilang ako at ayaw ko kay Rence.

Iniiwasan ko nga iyan dito sa klasrum. Hindi ko pinapansin kahit paminsan minsan ay nakakasalubong ko o hindi naman kaya ay kapag nagtatanong sa akin.

Sigurado ako ngayon na hindi na maipinta ang mukha ko. Sigurado din ako na masama ang tingin ko sa kaniya.

"Oy, Miss Trigo, may problema ba tayo?" Natatawang sambit pa niya na tila natutuwa sa hitsura ko. "Huwag mo naman akong simangutan, hanggang ngayon talaga ang taray mo pa din." Pabirong dugtong pa niya, kaya natawa si Yana at Claire, subalit ako ay hindi natuwa.

"Sige sa ibang grupo na lamang ako, alam ko namang—" Hindi na naituloy ni Rence ang sinasabi niya noong biglang nagsalita iyong guro na mag-sisimula na kami.

Napatikhim din ako dahil doon. No choice. Hindi ko na lamang siya tingnan. Nag-simula na iyong pagtatanong noong guro namin. Multiple choice ang unang limang tanong para sa easy round.

Hinintay ko munang matapos iyong tanong at pamimilian bago isulat ang sagot sa mini black board na kinuha ni Claire kanina. Alam ko kasing kapag sinulat ko habang binabanggit iyong sagot sa oras na sinasabi iyong tama sa pamimilian ay makikigaya na iyong iba.

"Sulat mo na." Nagmamadaling sambit ni Rence. Agad ko siyang binigyan ng masamang tingin.

"Mag-intay ka nga." Matalim na imik ko sa kaniya, na siyang ikinangiti niya. He also mocked my emotionless face. Kaya't nagkatawanan sila ni Yana. Muntik pa kaming masaway noong guro dahil doon.

"Inis." Mahinang bulong ko kay Claire na agad niyang pinagtakha pero mas minabuti niyang hindi na lamang magtanong.

Nasa ikatlong tanong na kami sa easy round. So far, so good. Wala pa kaming mali, dahil kahit naman maloko si Rence ay alam din niya ang sagot, at hindi kami nagtatalo dahil alam naming parehas na iyon naman talaga ang tama sa pamimilian.

Noong nasa ika-limang tanong na kami ay may mga nagkamali na grupo. Kasama doon ang grupo niya, dahil nakasimangot si Yana sa kanila, kaya naman napansin ko.

Nagpatuloy kami sa average round at doon nagsimula ang matinding pagka-inis ko. Kinokontra na ni Rence ang sagot ko kahit tama. Para kasing identification na ang nangyayari at wala nang pamimilian.

"Shut up, will you?" Noong hindi na ako makatiis ay nasabi ko na iyon. Bahagyang nagulat si Yana at Claire sa inasta ko. Hindi kasi ako mabilis mapikon, wala din akong paki-alam sa mga bagay bagay madalas, at dahil sanay sila na ganoon ako ay nabibigla sila kapag nagsasalita ako ng marahas sa taong hindi ko naman nakakausap sa silid na ito.

"Woah. Oo na po, miss trigo." Pasukong sambit ni Rence. He's calling me 'Miss Trigo' because I'm the trigonometry coordinator. Hindi ko gusto ang inaasta niya. Akala niya naman malapit siya sa akin kung maka-asta.

Hindi na lamang ako nagsalita at muling nakinig sa mga tanong. Wala pa kaming mali, at ganoon din ang grupo nina Naya. Top 1 namin si Marita, ngunit hindi pa naman tapos ang first quarter, pero kasali kasi siya sa over all top ten kaya parang sigurado na siya na ang Top 1. Top 2 guess namin si Eunice matalino kasi talaga, kaya iyong grupong iyon ang mahirap kalaban.

Nagpatuloy kami sa difficult round. Madami nang nagkakamali sa mga sagot. May dalawa na din kaming mali dahil nakikipagtalo pa si Rence sa akin, alam kong iyon ang sagot pagkatapos sasabihin niyang iyong sagot daw niya. Hinayaan ko na siya na ang gumamit noong black board at bahala na siyang sumagot. Basta sa huli huwag niya akong masisi-sisi.

"Alam niyo iyong sagot?" Biglang tanong niya. Napa-ismik ako dahil doon. Sa wakas, nanghingi na din siya ng tulong. Napakataas kasi ng apog ng bwisit.

Kinuha ko iyong board at sinulat iyong sagot. At halos magtatalon sa saya si Claire at Yana noong kami lamang ang tama sa buong klase. Nakipag-apir si Rence doon sa dalawa at humaya din ng kamay para sa akin. Hindi ko pinansin kaya't ayun kung ano-ano nanaman ang sinabi niya tungkol sa akin.

I hate his guts, bigtime.

Natapos iyong quiz bee. Ikalawa kami sa ranking. Una ang grupo nina Naya, pagkatapos ikatlo iyong kayna Ranie na siyang matalino din. Ngumiti iyong iba sa grupo namin. Akala siguro ay si Rence ang sumagot nang sumagot. Kahit naman maloko ang isang iyon ay may leadership skills siya, dahil mayor siya nang buong batch last year. At ngayon ay siya ang Auditor sa silid namin dahil ayaw daw niya nang mataas na pusisyon sa klase. Tsk. As if.

Nagbalikan na kami sa kani-kaniyang upuan at umalis na iyong guro.

"Anong mayroon sa inyo ni Rence?" Nagulat ako sa biglang tanong ni Claire. Ngumiti na lamang ako at saka napabuntong hininga.

"Basta." Tanging sagot ko sa kaniya.

***

Reminiscence: From Me To YouWhere stories live. Discover now