Pahina 86

2.3K 98 14
                                    

86:

Matapos niyang kumalma ay bumalik ako sa pagkakaupo ko at saka ko niyakap si Wuffy. Tahimik lamang kami at ang ingay lamang na naririnig namin ay ang mismong paligid. Tumigil na rin ako sa pag-iyak.

Hindi na rin yata siya lumuluha, at maayos na ang paghinga niya. Sa totoo lamang hindi ko akalain na ganito kabigat ang dinadala niya. Maliban sa mukha siyang walang problemang dinadala, ang galing niyang magpanggap na hindi siya malungkot.

Kung hindi ko kilala ang mga mata niyang nagsusumigaw ng katotohanan? Hinding hindi ko malalaman na may bigat siyang dinadala. Naging magsolo talaga siya sa loob ng mahabang panahon.

Nanatili akong nakatingin sa langit at tila ang saya saya nitong pagmasdan dahil sa napakaraming bituin doon. Ang aliwalas, ang liwanag, at ang ilan ay kumikislap na para bang may gustong sabihin.

Maayos na kaya ang pakiramdam niya ngayon? Kahit papaano ba gumaan ang pakiramdam niya matapos niyang ibahagi iyong mga nasa kalooban niya? Sana katulad ko, naramdaman din niya na kahit papaano sa pamamagitan ng pagsasabi sa iba ng masakit na karanasan ay parang mababawasan ang bigat na nararamdaman mo.

Sana... naramdaman niya iyon.

Niyapos ko na lamang si Wuffy. Pakiramdam ko paga na ang mga mata ko pero hindi ko man lamang naramdaman ang antok. Hindi talaga yata ako makakatulog. Napabuntong hininga ako dahil doon.

Napitlag ako sa biglang boses na narinig ko. "Bakit?" He suddenly asked. Napalingon ako sa kaniya nang nag-aalinlangan.

Maayos na siya. Hindi na mabigat ang awra niya. Hindi na rin umiiyak. Para siyang lumiliwanag sa paningin ko. Hindi ko alam kung bakit. It was like he was glowing with greater radiance. Did my tears made him look like that?

Napahawak ako nang marahan sa mga mata ko. Wala namang luha. Pero bakit parang ganoon ang nakikita ko? He seemed... breathing.

"Why did you sigh?" Ulit niyang tanong noong hindi ako makasagot. "Ah-uhm," hindi ko alam ang itutugon kaagad kaya marahan akong napaiwas ng tingin. Hindi ko yata kayang magsalita nang nakikita ko siya.

"Wala, baka kasi hindi ako makatulog." Mahinang sagot ko.

Namamahay na nga ako. Dumagdag pa iyong mga imahe mong paulit ulit na pinapakita ng utak ko. Gusto kong tuktukan ang sarili ko sa totoo lamang. Ano ba naman ito. Dumali na naman ako sa mga ganito ko. Tsk.

"Maaga pa naman, baka mamaya antukin ka na. Andyan naman si Wuffy kung tungkol ito sa pamamahay mo." Kaniyang wika habang nakatitig sa akin. Gusto ko sana siyang sawayin na huwag akong tingnan kasi kahit hindi ko siya mismong kita eh, ramdam na ramdam ko pagkakatingin niya sa akin.

"Sana..." Tanging sagot ko na lamang.

Katahimikan.

Bigla kong naalala kung paano niya akong niyakap kanina, at kung paano ko rin siya niyakap. Pakiramdam ko biglang umakyat lahat ng dugo sa mukha ko. Omchi! Saan ko nakuha ang lakas na loob na gawin ang mga bagay na iyon?!

Am I insane?! He hugged me and rested his head on my stomach, right?! Omchi! What happened to me? Halos mababaliw na ako sa utak ko, pero siguradong walang kaemo-emosyon ang mukha ko ngayon. Omchi na lang talaga.

Pakiramdam ko kapag mas nagtagal pa ko sa pagkakaupo ko malapit sa kaniya ay hindi ko na kakayanin. Kaya naman napatayo akong bigla. Narinig ko ang pagsinghap niya. Marahil ay nagulat sa bigla kong ginawa.

"Papasok na ako sa kwarto." Hindi magkaintindihang imik ko, baka hindi niya naintindihan dahil sa bilis pero bahala na. "Kapag dumating si Ate Jade pasabi pumasok na ako kasi medyo malamig." Dagdag ko pa at saka tuluyang umalis na hindi na hinihintay ang tugon niya.

Reminiscence: From Me To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon