Pahina 55

2.6K 113 3
                                    

55:

Tahimik lamang kaming lahat sa klase dahil ibabalik na sa amin iyong test paper sa Math. Pang-apat subject na ito, kung saan ibinabalik na iyong mga pagsusulit. And guess what? Sa tatlong na subject kanina, lahat iyon matataas ang marka ko kaysa sa kaniya, kaya naman panalo na talaga ako.

Muntik pa ngang magkaaberya noong Filipino subject dahil mali ang tsek sa papel ko, kaya akala ko ang baba noong iskor ko, pero mataas naman pala. Mabuti na lamang at naitama. Napapangiti ako sa mga marka noong mga pagsusulit ko. Hindi bababa sa 85% lahat ng percentage.

"Ang daya mo naman. Sa math na lamang tayo pataasan." Pagmamakaawa ni singkit sa akin. Kanina pa iyan. Simula noong maibalik iyong mga pagsusulit namin. Wala eh, may resulta na iyong pustahan namin. Siguradong panalo na ako. Ni hindi pa nga ni nalalamapasan iyong mga iskor ko.

Inismikan ko siya. "Ang kasunduan, ay kasunduan." Pang-aasar ko pa. Napasimangot pa siya.

"Pero ito, kapag mas mataas ako sa math, ilibre mo ako ngayon." Suwestiyon pa niya. Malay ko ba sa sarili ko, kung bakit ako tumango. Paano kasi parang ang saya ko dahil sa mga marka ko, at may kung anong nagsasabi sa akin sa loob ko na mananalo din ako sa math. At saka wala namang kawalan dahil, talo na talaga siya.

"Sabi mo iyan ah!" He exclaimed happily, kaya napatingin iyong iba sa amin. Sinaway siya noong guro namin pero ngumiti lamang siya. Buti na lamang mabait itong si Miss Geometry kaya tumango lamang siya. Naibalik na iyong Trigo kanina, at mas mataas ako sa kaniya, kaya itong Geom na lamang ang pag-asa niya.

Maya maya nagsimula nang manawag iyong guro namin ng mga apelyido noong mga kaklase ko. Nagsimula na din mag-ingay at ako naman ay kabado. Hindi ganoon kalaki ang pera ko sana naman manalo ako.

Aligaga akong naghihintay na tawagin ang apelyido ko hanggang sa marinig ko ito. Halos mapatalon pa nga ako sa upuan ko, kaya tinawanan ako ni Yana na katabi ko sa isang banda ko. Agad akong tumayo at dali daling pumunta sa unahan.

Kada hakbang ko yata ay mas dobleng pagtibok ng puso ko. Nang makalapit ako ay halos hugutin ko ang hininga ko at saka ako pumikit nang mabilisan lamang bago tingnan iyong iskor.

"Yes!" Mahinang bulong ko sa aking sarili. 5 mistakes. Just five mistakes! Paniguradong mas mataas na ang marka ko nito kay singkit. Halos magtatalon ako habang pabalik sa upuan ko. Tiningnan naman ako ni singkit na para bang nasasabik sa kung iskor ko at kailan niyang mataasan iyon.

Hihigitin na sana niya iyong papel ko, pero napalingon kaming sabay sa unahan noong marinig namin ang kaniyang apelyido. Halos tumakbo siya papunta sa unahan, at halos ipagtulakan pa iyong mga kaklase naming nakahara sa daan.

Ang gulo kasi ng klase ngayon at sobrang ingay, pero hinahayaan kami noong guro namin. Marahil ay dahil matatapos na din kasi ang klase kaya ganoon at mag-tatanghalian na.

Ilang sandali lamang ay nag-time na nga kaya umalis na iyong guro namin. Samantalang kami ay naguusisa sa mga iskor namin imbis na maghanda para sa lunch.

"Anong iskor mo?" Nakangising sambit ni singkit noong makalapit sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin. May kakaiba kasi parang ang saya saya niya, kumpara doon sa mga kaninang pagsusulit. Bigla akong kinabahan.

"Ikaw muna?" Alinlangang imik ko. Mas lalong sumilay ang ngisi sa labi niya. Hindi ko alam pero imbis na kabahan sa iskor sa ngiting iyon ako kinabahan. Agh. Bigla kong naalala iyong mga sinabi sa akin ni Claire kahapon. Tsk.

"Ano, sabay na lamang tayo." Suwestiyon niya at saka inilahad iyong test paper niyang nakatupi para hindi kita ang marka. Itinupi ko din iyong akin at saka inilapag sa mesa, ganoon din ang ginawa niya at agad naming kinuha ang papel nang isa't-isa.

Reminiscence: From Me To YouWhere stories live. Discover now