Pahina 45

2.6K 126 17
                                    

45:

"Sabay tayo mamaya?" Nakailang ulit na niyang tinanong sa akin iyan. Sa totoo lamang naririndi na ako. Napaikot na lamang ako ng mga mata dahil diyan. Hindi ba niya makuha ang isang simpleng 'oo' sa tanong niya? Anong akala niya sa akin walang isang salita? Tsk.

"Ang kulit mo." Asik ko sa kaniya at saka siya sinamaan ng tingin. Evaluation na namin at wala na iyong guro namin. Biyernes na at nakapagusap na naman kami tungkol doon sa PE Practical Exam pero ang magpraktis ay hindi pa namin nagagawa. And here he goes again being annoying.

Annoying chinky eyes... is really really annoying.

"Sa praktis ng sayaw paano? Hindi ako puwede sa weekends—"

"Hep hep hep!" Sinamaan ko siya ng tingin at tumayo ako sa kinauupuan ko para harapin siya. At bakit hindi siya puwede? "And why?" Mataray na tanong ko. Medyo nabigla siya sa inasta ko pero natawa din kinalaunan.

"Sh—"

"Don't even curse." Banta ko pang muli. He glared at me because of that.

"Normal sa aming mga lalaki mag-mura. Arte naman nito." Asar na wika niya at saka tingin sa gilid.

"Alam kong maarte ako, at saka hindi porke normal ay gagayahin mo na. You are not cool. It's irritating to hear." I said firmly, he mocked me. Nakakainis iyong paraan niya ng pang-aasar. Kauti na lamang talaga makakaltukan ko na ito. Uubusin pa pasensya ko.

"Yes, boss." Natatawang sambit niya. "Pero bawal nga ako sa weekends. Sa Saturday, I'm going out with Kirsten. At sa Sunday, family day." Kibit balikat na dugtong pa niya. Tiningnan ko siya kung nabibiro ba siya o hindi at ginantihan niya ako ng tingin na seryoso siya kaya naman napa-iling iling ako.

"Kirsten?" Tanong ko.

"Girlfriend." Maikling sagot niya.

"Ooh? May pangalan pala iyon? Akala ko wala eh, itago mo ba naman—" Hindi ko na naituloy ang sinasabi ko noong sumabat siya at saka ako pinitik sa noo. Napapadyak padyak na tuloy ako ng paa sa inis. Ano bang klaseng usapan ito? Lumalayo nang lumalayo sa paksa. Tsk.

He chuckled while I'm stomping my feet. "So cute." Komento pa niya.

"Tsk!" Babala ko sa kaniya, kaya naman tumigil na siya sa pagtawa. "Cancel it." Maikli at mabilis na pahayag ko na agad niyang ikinaseryoso.

"Walang ganyanan." Sabi niya. "Selos ka lang eh, gusto mo akong kasama ano?" Nabigla ako sa dinagdag niya kaya naman binatukan ko na siya. Tumikdi pa ako dahil mas matangkad siya. Tss.

"Kapal mo po." Sarkastikong sagot ko at saka siya nginitian ng pilit. Pagkatapos ay sumeryoso ako kaya't napilitan siya na seryosohin ang mga sinasabi ko.

"I'm sorry if I'm going to offend you with my words. You should be used to it though." Panimula ko. Tinitigan lamang niya ako at hinintay magsalita. "Una sa lahat, hindi ko intensyon na sirain ang relasyon ninyo ng girlfriend mo. Gusto ko lamang na seryosohin mo ang pag-aaral, kagaya ng pagseseryoso ko ngayon dito. Maiintindihan naman siguro ng girlfriend mo kung hindi ka makakapunta dahil para naman iyon sa practical test hindi ba? Ikalawa, stop with your romance first study later thing. It's annoying. Mag-aral ka muna, ipasa mo muna iyong mga pagsusulit natin, at saka ka makipagkita sa nobya mo. Ikatlo, really? You two are going to meet on Saturday? Kasagsagan ng mga pagtatapos ng requirements at syempre review sa exam, tapos maglalandian lang kayo? Tss. At huli, kung hindi papayag iyang girlfriend mo na pagbutihin mo ang pag-aaral mo, I'm sorry to say, but you are going to regret it later. And go break up with her." Saad ko sa mahinahong tono.

Napatitig siya sa akin na animo'y hindi makapaniwala sa sinabi ko. "Ang haba..." Wala pa sa ulirat na sambit niya.

"Ha?" Takhang reaksyon ko.

"Wala, wala. Nagiging palasalita ka na talaga." Sabi niya. "Hay. Mabuti na lamang at nasasanay ako sa mga direktang kumento mo. Nakakainis kaya mga sinabi mo, lalo na dun sa break up with her. Tss. Pero sige, kakausapin ko para sa iyo." Medyo nabigla ako nang kaunti noong hindi siya nakipagtalo pero natuwa din ako.

"Sorry pala sa pagsasabi ko noong paglalandian. I don't really know what's going on between the two of you, sorry for intruding." Malumanay na pahayag ko na ikinatango niya.

"Okay lamang. Alam ko namang nirerespeto mo iyon, sadyang hindi ka lamang marunong gumamit ng sugar-coated words." Nakangiting imik niya sa sinserong paraan.

Gumaan ang pakiramdam ko dahil doon. Hindi kasi ako nagdahandahan sa pagsasalita kanina, kaya baka magkagalit nanaman kami. Hindi naman sa ayoko o tutol ako sa relasyon nila o sa ibang relasyon sa lebel namin ngayon, kanila na iyon, wala na iyong kinalaman sa akin, pero sana naman hindi maging dahilan iyang relasyon na iyan para pabayaan na nilang dalawa ang pag-aaral. There are couples who maintain their high grades because they are inspired by each other and that's good, I'm not against those. Kasi alam nila ginagawa nila. Pero iyong mga pabaya, doon ako natatakot at naiinis. Oh well, it's their business not mine.

I'm just involved with chinky eyes and his girlfriend right now, because he is my partner for the practical test and that's all. I don't want a low grade for this one. I want to aim a high score.

"I'll call you tomorrow to inform you about it." He said. "Ahm, no. I'll call tonight." Biglang bawi niya at tumango na lamang ako. Dumating na din iyong guro kaya naman nagbalikan na kami sa mga upuan namin.

Pinalabas na din kami matapos ang ilang paalala. Naunang lumabas si singkit sa silid at medyo nahuli pa ako gawa nina Yana. Hindi ko na siya nakita sa pasilyo kaya't akala ko ay binawi na din niya iyong pangungulit niya kanina sa akin pero namataan ko siya sa gate, kaya naman nag-paalam na ako kayna Yana.

"'My, ha? 'Yung favour ko." Pag-uulit ni Yana. I just nodded my head. At saka niyakap iyong dalawa para tuluyan na akong maka-alis.

Lumapit ako sa kaniya at saka kinuhit ang braso niya. Napalingon siya sa akin at napangiti. "Akala ko umuna ka na." Sambit ko.

"Nope." He smiled. "Waiting for you." Hindi ko alam kung bakit parang natigilan ako sa mga salitang iyon at kung bakit parang may kakaibang kabog ngayon sa dibdib ko. Parang hindi ordinaryong kaba at hindi ordinaryong pagtatambol dito ang nararamdaman ko. Kakaiba.

"Tara." Iyon na lamang ang tanging nasabi ko at saka kami nagsimulang maglakad patungo sa sakayan ng dyip.

"Matanong kita..." Napakunot noo ako noong sabihin niya iyon.

"You and Rence." Medyo kinabahan ako sa winika niya.

"Hmm?" Painosenteng tanong ko.

"Anong mayroon sa inyo?" Tanong niya.

"Classmates?" Mabilis na sagot ko pero hindi sigurado ang tinig ko.

Nginusuan niya ako dahil doon. Kaya dinilaan ko siya. "Seryoso. Hindi lamang kayo classmates." Saad pa niya. "Ex mo ba siya?" He asked.

Parang biglang may nagbara sa lalamunan ko. Diretso siyang nakatingin sa aking mga mata pero umiwas ako. He seemed so serious about this small talk and it's starting to get uncomfortable.

"Ex mo ba siya?" Pag-uulit niya. His voice is commanding me to tell him the truth so I did.

"Oo."

***

Reminiscence: From Me To YouWhere stories live. Discover now