Pahina 61

2.5K 121 23
                                    

61:

"Let's talk." Hindi ko maintindihan pero iba talaga ang epketo sa akin noon parang nakakapanibago kasi nga hindi naman siya ganoon sa akin lalo na kapag gusto niya akong kausapin. Nakakapanlamig, para bang may nagawa akong kamalian na hindi ko alam kung ano at kahit anong hula ko ay hindi ko magagawang malaman kung ano.

"Yeah, let's talk." Hindi ko nga alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob kong sabihin iyon nang hindi nag puputol-putol ang sinasabi. Masyado kasing malamig ang seryoso ang paraan ng pagkakatingin niya sa akin ngayon.

Pumunta kami sa likod ng klasrum. Walang nakakapansin sa tensyon namin kaya naman hindi ako nag-alala sa mga taong nasa loob din nitong silid.

Tiningnan ko nang diretsahan ang kaniyang mga mata. At sa pagkakataong titigan ko iyon ay halos higupin ko ang sariling hininga. He's communicating with me through his eyes. Our silent conversations.

Sa mga matang iyon alam ko na kaagad ang gusto niyang iparating. Nagtatanong iyon kung nang 'bakit'. Naguluhan ako dahil doon kaya napakunot noo ako. Pero tinitigan pa rin niya ako sa paraang iyon.

I looked at him with the same intensity quietly asking if I did something wrong to upset him.

Nakita ko ang pagguhit ng pagtatakha sa kaniyang mukha na para bang dapat siya ang nagtatanong noon at hindi ako. Ano bang problema namin? Bakit biglang ganoon niya ako kausapin? Tahimik na tanong ko sa aking isipin.

"You did nothing wrong." Finally he said something, like what I expected he really can read what exactly I have on my mind.

Tiningnan ko siya ng malamlam. Nakita ko na marahang nawala ang malalamig na titig niya at naging mahina ang mga iyon. Tila ba isang palabas lamang ang pagiging malamig at seryoso niya kanina at itong nanghihina, nalulungkot at nasasaktan ang totoo.

"Is something wrong?" Nag-iingat na wika ko sa kaniya. Gusto ko sanang balewalain iyong ekspresyon niyang iyon dahil parang sinasabi niya sa akin na ayaw niyang pag-usapan pero hindi ko mapigilan ang sarili ko hindi naman kasi pwede na balewalain ko na iyong nararamdaman niya na ayaw niyang iparating sa akin pero nakakaabot pa din.

"Wala. Akala ko kasi may nagawa akong masama sa iyo kasi simula noong ginawa ko kanina iyon, hindi mo na ako pinansin akala ko nagalit ka dahil doon sa eksena." Mahinang saad niya halatang hindi mapalagay.

I looked at him mellowly silently telling him it was okay. I was never upset.

Marahang lumitaw ang ngiti sa labi niya dahil sa ginawa ko. "Ikaw nga yata ang galit sa akin. The way you approached me was so serious and cold." Mahinang pahayag ko naman habang nakatingin sa sahig.

"Pasensya na kasi baka hindi mo ako kausapin kapag hindi ako seryoso. Kilala kita." Nahihiyang wika niya. Nakahinga ako ng maluwag dahil doon. Miscommunication. Akala namin parehas kaming galit sa isa't-isa kahit hindi naman.

Iyong tahimik na konbersasyon namin kung saan mga mata lamang ang nagsasalita, iyon talaga ang nakaresolba ng lahat. Nakakatuwa na may ganito kaming koneksyon. Ni kayna Yana o Claire hindi ako ganito... sa kaniyang lamang.

"Bati na kayo ni Rence ah." Biglang tukso niya na siya naman ikinapula ko. Pati ba naman siya? Tsk.

"Kayo din ni Yana." Ganti ko sa kaniya kaya siya tumawa. Nilapitan niya ako at saka marahang pinitik iyong noo ko. Hind iyon masakit kaya naman hindi ako nagreak na para bang matatanggal iyong ulo ko. Natawa na lamang din ako.

"Advance Merry Christmas." Mahinang sambit ko sa kaniya.

"Oo maagang pasko." Sagot naman niya.

Reminiscence: From Me To YouWhere stories live. Discover now