Pahina 62

2.9K 116 11
                                    

62:

"Hello!" Boses pa lamang ay alam na alam kong talagang sobrang saya na ni Rence. "Tumatawag ka ba talaga?" Hindi makapaniwalang imik pa nito. Akala mo naman katapusan na ng mundo kung makapagsalita.

"Tumawag ako para magpasalamat." Direktang sabi ko sa kaniya. Hindi ko na kasi kailangan pa magpaligoy-ligoy. Sobrang pasasalamat ko talaga dahil soon sa regalo niya gustong gusto ko iyon.

"Sabi ko na nga ba magugustuhan mo!" Masayang masaya talaga siya, pakiramdam ko kulang na lamang tumalon ang isang ito. Natawa ako ng marahan sa sariling naiisip.

"Pero ang mahal noon, sana iyong hindi ganoon kamahal iyong binili mo." Sambit ko sa kaniya, it was more than 400 pesos. Grabe, masyadong mahal para doon sa tamang kailangan, hindi naman ganito kagalante ang taong ito.

"Wala sa presyo ang bagay na iyon, sinasabi ko sa iyo. Talagang nag-effort na ako, gusto ko kasi magbati na tayo. Look, it payed off, you called me, which you never did for years." Nahimigan ko ang saya pero may kalahong lungkot sa kaniyang tinig. "Hindi naman mapapatayan ng pera ang samahan." He sincerely told me.

"Lalim." Biro ko sa kaniya, humalakhak siya dahil doon.

"Magkwekwento muna ako. Susulitin ko na na tumawag ka." Malumanay na wika niya. Natawa ako dahil doon. Ibang klase talaga akala mo naman ay bukas bukas ay hindi ko na siya papansining muli.

Akala ko biro lamang pero tinotoo talaga niya. Ang tagal niya akong kinuwentuhan sa mga kung ano anong bagay tungkol sa nangyari sa kaniya at iba pang bagay. Paminsan minsan ay nagkokomento ako pero kagaya ng nakasayan ay karamihan ay nakikinig lamang ako sa sinasabi niya.

Noong halos magtrenta minutos na ay sinabi ko na tinatawag na ako kahit hindi naman totoo. Mamaya kasi umabot pa ng isang oras. Ngawit na ngawit na ako, may ibang araw pa naman at hindi naman ako mawawala.

Matapos iyon ay tatawagan ko sana si singkit pero nagulat ako noong biglang lumabas ang pangalan ni Yana sa cellphone ko. Kinabahan ako. Kasi nalaman ko na iyong pabor niya pero hindi ko naman pwedeng sabihin basta basta lalo na at masyadong pribado iyon para kay singkit na ni kayna Lilibeth at Naya ay hindi niya gustong ipaalam.

Nagbuntong hininga muna ako at saka lumunok bago sagutin iyong tawag ni Yana.

"'Myyyy!" Ang hyper kaagad.

"Grabe, missed me that much?" I joked, she laughed.

"Baliw." She retorted playfully.

"Kanina pa kita tinatawagan ah! Bakit busy iyong digits mo?" Interoga kaagad nito sa akin. Napailing iling naman ako. Hindi ko naman kasalanan.

"I called Rence to thank him for the gift. Hindi ko naman akalain na patatagalin ng bwisit na iyon iyong pag-uusap namin." Maikling pahayag ko sa kaniya. Tumili pa ito at tinukso ako pero parang wala lamang sa akin iyon dahil wala naman kasi talagang malisya.

"Thank you din pala sa regalo mo." Sambit ko sa kaniya.

"Ano ka ba! Wala iyon. Salamat din sa regalo! Gustong gusto ko." Maligalig na sambit pa niya.

"Bakit ka pala tumawag?" Tanong ko naman.

"Wala lang, si ano, si..." Tapos ay binanggit niya ang pangalan niya. Kinabahan ako. Sinabi ba ni Naya o ni Lilibeth na nag-uusap kami kanina, na may narinig silang Kirsten? Alam kong alam ni Yana ang pangalan ni Kirsten dahil sa mga nangyari noon.

"Ano kasi nasabi sa akin ni Mario." Napalunok na ako sa pagkakataong iyon, Mario was there too when Naya, Lilibeth, singkit and I were talking nandoon lamang sila malapit sa unahan dahil nga sa pagkain.

Reminiscence: From Me To YouWhere stories live. Discover now