Pahina 27

2.4K 117 2
                                    

27:

Noong mag-uwian na ay nagpaalam na ako kayna Karmela. They invited me to go with them for tomorrow. I accepted the offer which is kind of new to me, because it takes like forever before I get comfortable with other people. Parang noong kayna Yana parang halos tatlong araw pa yata bago ako nagsimulang masanay sa kanila. But with Karmela, there's no hesitation. I just feel so close to her already.

Magkasabay kami ni singkit ngayon, gaya noong usapan. Nagpasya kaming maglakad patungo sa sakayan ng dyip. Hindi naman sobrang layo noon, talagang minsan tamad lang kaming maglakad kaya't nagtritricycle kami. Pero ngayon gusto niya daw maglakad, at ayos lamang naman iyon sa akin.

"How's your day?" He asked while sipping from his mango juice.

"Masaya. Noong umaga kasama naman kita, kaya okay lang. Tapos noong tanghali kasama ko sina Naya. Medyo nailang lang ako kay Marita." Tungon ko sa tanong niya.

"Lagi ka namang naiilang." Natatawang sambit niya. Napa-ismik naman ako doon. "Pero mukhang kumportable ka kaagad kayna Karmela?" Biglang pansin niya. Agad naman akong tumango doon.

"Oo nga. Ewan ko ba. Masaya kasi silang kasama. Lalo na si Karmela. Though, I'm older than her, she felt like a mom." Ako mismo ay natawa sa deskripsyon ko kay Karmela.

He tapped my head. "Good for you. Sa wakas nakikihalubilo ka na." He said while beaming.

"Medyo. Pero sa piling tao pa din." Sagot ko.

"Ikaw, kamusta?" Pagtatanong ko naman sa kaniya.

"Noong umaga kasama ka. Tapos noong magtanghali maglalaro sana kami ng DOTA ng mga kaibigan ko pero nag-pass na ako kasi may praktis kami para sa battle of the bands." Aniya.

"Nice. Good luck for that."

"Thanks. Then after the practice. I watched Yana's volleyball play. They lost. But she's doing fine. Maghapon din kaming magkasama ni Yana." Kakaibang ngiti na agad ang sumilay sa kaniyang labi noong sabihin niya iyon.

"Ikaw ha. Ano, nakakaraos ka na ba sa pagporma mo kay Yana?" Natatawang sambit ko.

"Gumaganyan ka na ha. Unlike before, you'll just nod your head." Pansin pa niya sa sinabi ko. Napa-iling naman ako doon.

"Umiiwas ka sa paksa." Pahayag ko.

"You caught me." Sukong sambit niya.

"Ewan ko. Basta." Masikreto din pala itong isang ito. Hindi ko na lamang pinakialaman pa kung ayaw niyang pag-usapan. Hindi ko naman gustong makiusisa sa bagay na hindi niya gustong sabihin.

Habang malapit na kami sa sakayan ay napansin ko na nag-cellphone siya. Pagkatapos ay biglang nagkunot noo at dumilim ang paningin. I felt bothered because of it. Bakit kapag natingin ito sa cellphone niya ay paminsan minsan ay iyon ang reaksyon niya?

"Are you alright?" I asked. Nakuha ko ang pansin niya doon. Nagtatakha siyang tumingin sa akin. "Para kang pinagsakluban ng langit at lupa. May multo pa dyan sa cellphone mo?" Biro ko.

He laughed sarcastically. "Ha-ha-ha." Bwisit.

"Ang waley noong biro mo. Teka nga. Joke ba iyon?" Hinampas ko ang braso niya dahil doon. Asar minsan na nga lang akong magbiro sa kaniya ganoon pa.

"Appreciate mo na lang." I said.

"Oo na po. Minsan ka lang maging ganyan. Awkward din pala." He laughed again. Bwisit.

"Hindi." Biglang pagbawi niya. "Biro lang. Huwag ka nang sumimangot. Nanibago lang ako bigla. You used to be so nonchalant about things. I'm glad you are starting to be talkative." He smiled.

Noong makita ko siyang ngumiti ay namangha akong bigla. He looks so... calm? No, mellow. Sobrang natural... Sobrang inosente? Hindi ko alam, pero iyong ngiting iyon may halong misteryo pero may bahid ng totoong saya. Napaka-puro. I would like to see that smile often.

Chinky eyes's natural smile is... somewhat relaxing.

"Hey?" Biglang pag-wagayway niya ng kamay sa may mukha ko. Mukhang nag-space out ako. Nag-iwas agad ako ng tingin.

Laking pasasalamat ko at nakarating na kami sa sakayan. Sumakay agad ako at sumunod siya. Tumabi siya sa akin.

"Bukas anong gagawin mo? Want to join me tomorrow? Isasama kita sa praktis namin. Naya is also there, she would be glad to see you." Iyon ang sinabi niya pagkaupong pagka-upo.

"Unfortunately it's a no." Bago pa siya makapagtanong ay sinundan ko na. "Pumayag na ako kayna Karmela na sumama sa kanila bukas ng maga. Then afternoon. Mukhang practice ng field demo ulit." Paliwanag ko.

"Sayang." He snapped.

Nag-usap pa kami sa ilang mga bagay. Hanggang sa dumating na siya sa kaniyang paroroonan kaya't nagpaalam na siya sa akin. Noong maka-alis siya ay muling bumalik sa isipan ko iyong ngiti niya kanina.

Ang ngiting iyon...

He's gentle and easy to be with. His mysterious aura is just so relaxing for me. Weird. Kapag misteryoso ay para akong hindi mapakali o hindi kaya naman ay gusto ko pang malaman ang isang bagay. Pero bakit ang kaniya ay ganoon ang hatid sa akin? Nakakapanibago.

We used to have silent conversations... And now... I'm starting to get used of us talking non-stop. I guess... I'm really starting to change?

***

Reminiscence: From Me To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon