Pahina 21

2.7K 128 3
                                    

21:

First Quarterly Exams.

Seryoso na ang mga estudyante kahit may ibang walang paki-alam at todo pa din sa pakikipagkwentuhan. Sila iyong mga parang walang malasakit sa magulang na ang laki laki na nga ng ginagastos sa pribadong paaralan na ito, wala pa silang ginawa kung hindi magloko. May iba din naman na kahit hindi nag-aaral ay alam mong may isasagot at alam mong maganda ang kalalabasan ng marka. Iba't-ibang uri naman ng estudyante ang nandito kaya naman hindi ko din sila mahuhusgahan kung bakit ganoon talaga sila. Hanggang impresyon lamang ako, iyon lamang wala nang hihigit pa.

Hawak ko ang kwaderno ko sa sibika iyon kasi ang unang exam. Tinitingnan ko lamang iyon dahil baka may makaligtaan ako. Hanggang sa dumating na iyong guro namin at saka kami inutusan na ilagay sa likod ng klasrum ang lahat ng gamit namin.

"Girls, tanggalin din ang necktie ninyo pati ang ID. Sa mga boys, tanggalin ninyo ang ID." Hindi na kami nagreklamo sa sinabi noong guro namin. Ganoon naman talaga sa ibang guro mahigpit pagdating sa ganito.

Nilagay ko iyong ID ko sa loob noong bag. Pagkatapos ay pinagmadali na kami noong guro namin dahil mauubusan kami ng oras. Kaya naman nagmadali na din ako. Tinanggal ko na iyong necktie ko at saka ko mabilis na itinali doon sa backpack ko, doon sa may maliit na pabilog na tali sa tutok nito.

Pinapila din kami muna sa labas ng by student number. Unang pinapasok ang lahat ng lalaki. Maunti lamang sila. They are only 16. Samantalang kaming mga babae ay 22. G-2 ako kaya naman nasa unahan ako ng linya sa babae maliban sa G-1. Pinapasok na din kami sa loob.

Ang katabi naming mga nauna ay mga lalaki. Napalingon ako sa gilid ko at doon ko nakita si Rence na nakatingin sa akin ng hindi mo malaman kung natutuwa o hindi. Napairap ako ng palihim at tumingin sa una.

Maya maya habang papasok pa iyong ibang babae ay may kumuhit sa balikat ko at doon ko nakita iyong chinitong iyon. Nakangiti siya sa akin at nagsabi ng 'goodluck'. Nasa medyo likod ko siya. Ang katabi niya ay iyong G-3. Ngumiti na lamang ako sa kaniya at umayos na muli ng upo.

Pinatahimik kami noong titser namin at saka siya lumabas sa silid para kuhanin iyong exam namin. Tahimik akong naghintay dahil doon, subalit mayroong tumawag sa pangalan ko. Ngunit, hindi ko iyon pinansin.

"Pst." Muling pagkuha niya sa atensyon ko, pero wala pa din akong paki-alam. Pero bigla na lamang akong nagulat noong may lumapit na upuan sa akin.

"Oy." Bati niya. Ang lapit na noong upuan niya sa akin dahil inisod niya iyon. Napalayo tuloy ako nang kaunti. "Ano nga ulit iyong..." Nagtanong siya tungkol sa paksa sa sibika.

Umirap ako. "Lumayo ka. Ibalik mo sa ayos iyang upuan mo." Madiing sambit ko.

Pinilig ni Rence ang kaniyang ulo samantalang ako ay halos mapikon na agad. "Umalis ka pwede?" Asar na dugtong ko pa. Mamaya dumating pa iyong guro at mapagsabihan pa ako sa klase. Ayaw ko nang ganoon.

"Sagutin mo muna ang tanong ko." Alam kong hindi papatalo ang Rence na ito hangga't hindi niya nakukuha ang sagot na gusto niya. Kaya naman kahit inis na inis ay sinabi ko na para lumayo na siya sa akin.

"Apir naman diyan!" Masiglang pangungulit niya noong ipaliwanag ko na sa kaniya iyong sagot.

"Lumayo ka nga." Nagtitimping sambit ko. Ayaw ko ng ganito. Naiinis ako sa kaniya. Ang gara din ng bwisit na ito minsan. Hindi ba siya marunong makiramdam na ayaw ko sa kaniya? Na naiinis ako sa kaniya? Na nakaka—basta. Ayaw ko talaga sa kagaya niya.

"Rence, umayos ka na ng upo." Laking pasasalamat ko na lamang noong biglang umekstra si singkit at tinapik ang balikat ni Rence na nasa tabi ko. Napa-iling-iling si Rence dahil doon. Tila nagpapahiwatig na huwag dapat maki-alam ang hindi kasali sa usapan.

Reminiscence: From Me To YouWo Geschichten leben. Entdecke jetzt