Pahina 83

2.2K 89 3
                                    

83:

"I am an expert in that... destroying them... destroying, breaking and wrecking the people I want to protect, the people I want to treasure, the people I want to love infinitely."

Parang may kung anong mabigat na humampas sa dibdib ko. Nakaramdam ako nang kung anong sakit sa pulsuhan ko, maging mga luha ko tumigil sa pagpatak. Pero ang kakaibang sakit sa dibdib ko ay napakahapdi...

May kakaibang takot... hindi pala takot... emosyon, may kakaibang emosyon akong naramdaman. Para bang ginising ako sa katotohanan. Para bang may tumapik sa akin para tigilan ko na kung ano mang naiisip ko.

It hit me hard, right through my heart.

"Maybe you aren't... maybe you are just broken yourself that's why you make them bleed with your sharp edges... maybe fixing you first is something that should be done."

Hindi ko alam kung bakit ko sinabi iyon. I didn't tell it to him to make him feel bad or better about himself. I didn't... it was just something you called spur of the moment. It was sudden and unplanned.

Or maybe...

I stated it because... I want to comfort myself.

Hindi siya nagsalita matapos kong sabihin iyon. Hindi ko alam kung sumama ba ang loob niya o gumaan ang pakiramdam niya. Nakatingin lamang siya sa langit, kaya umiwas ako ng tingin sa kaniya.

I looked at the water from the pond that reflected the night sky.

"Maybe..." I heard him whispered.

Nagkaroon muli ng katahimikan nang ilang saglit hanggang sa nagpatuloy siya sa pagkwekwento.

"Siguro napagod ako... napagod sa ingay ng pagtatalo nila, napagod sa paghihintay, napagod na... umasa. O siguro hinanap ko ang atensyon nila sa akin? Hindi ko alam kung saang parte ako nagsimulang magbulakbol." Nanatili akong nakikinig.

Hindi ako nagsabi ng opinyon ko tungkol sa pagbubulakbol niya. May dahilan siya, at alam kong kahit may dahilan pa siya ay mali iyon, pero wala akong karapatan na husgahan ang mga ginagawa niya.

I remained quiet and listened willfully.

"May kaklase kasi ako noon na sabihin na nating masamang impluwensya. Ako naman si tanga, nagpadala." Alam kong sa boses niya ay pinagsisihan niya ang pagsisimula nang nangyaring iyon.

"They taught me how to drink. It was awful. It tasted bad. But somehow... I felt that the situation at home was worst. I got drunk in that friend's place." Kwento niya.

"That's when it started... the bitter taste became something I wanted, something I crave for." It was bad... it was a bad decision. He was only first year highschool, and yet... I couldn't help but sigh.

But... somewhere deep inside of me, I just wanted to take care of him so he wouldn't want the taste of the liquor again.

"Syempre noong unang beses ko nalasing ako. Hindi ko nga alam pa'no ako nakabalik sa bahay eh. Hindi ko talaga matandaan, pero ang kwento ni Kirsten sa akin, siya ang kumuha sa akin dahil siya raw ang tinawagan ko noon habang lasing."

"Siya rin ang naghatid sa akin sa bahay, at mukhang sobrang nagalit si Dad noon sa ginawa ko. I was punched in the face, but I couldn't even remember the pain. I was glad because of the alcohol honestly... at least... the pain lessened. At least... in that moment, I was numb."

I hugged Wuffy so tightly. Thinking it was him, it was my simple way of comforting him.

"Nang magising ako, himala siguro na wala akong natanggap na sigaw o kung ano man. Kahit papaano sa isang araw na iyon, tahimik ang buong bahay namin, tahimik sa hapag, at tahimik ang paligid."

Reminiscence: From Me To YouWhere stories live. Discover now