Pahina 9

4.5K 161 5
                                    

9: Pag-amin,

"Pumila na kayo!" Malakas na sigaw noong presidente ng klase namin at sinunod naman agad namin iyon ng hindi nag-aalma o nag-iingay.

Bukas na ang kompetisyon namin sa sabayang pagbigkas at hapon na ngayon kaya't mas puspusan ang pagprapraktis namin. Ang usapan pa nang buong klase ay hindi kami uuwi agad kung hindi namin magagawang pagandahin pa ang magiging pagtatanghal namin.

Wala ding kaso kung halos ala-sais na kami ng gabi umuwi dahil alam naman iyon noong mga guard ngunit bawal lumampas sa ala-syete ng gabi ang pagtatagal namin dito sa paraalan. Kaya kahit alas kwatro pa lamang ng hapon ay nag-sisimula na kami.

"Formation, we will start in three, two, one!" Malakas na sigaw noong guro namin. At pagkaimik na pagkaimik niya noon ay nagsimula na kaming mag-bigkas ng malalakas at matatapang na kataga.

"And the echoes... echoes, answered back... Freedom!" Malakas at sabay sabay na sigaw namin. "Freedom!" Muling pag-sasabi noong mga lalaki at, "Freedom!" Banggit naman naming mga babae.

Nasa kalagitnaan na kami noong praktis noong may magkamali sa amin ng pagsasalita dahil hindi siya nakakilos ng akma doon sa kaniyang sasabihin, kaya't awtomatiko kaming napa-reklamo nang kaunti.

"Argh." Maririnig mo agad ang alma nang karamihan, nagsimula na din silang magsishan agad samantalang iyong iba naman ay nagtawanan.

"Simula ulit sa una!" Muling sigaw sa amin noong adviser namin.

Kahit ayaw namin na umulit pang muli dahil bukod sa nakakapaos ay nakakapagod din, wala pa ding kaming nagawa kung hindi sumunod.

Naging maayos at tuloy-tuloy ang kasunod naming pagbibigkas sa piyesa. Ngunit, habang pinapakinggan ko ang sarili naming mga tinig ay pakiramdam ko may kulang.

Nasa kalagitnaan na kami ng pagprapraktis namin, noong biglang humina ang mga boses namin, nagtakha ako noong una ngunit paumasok sa isip ko na, hindi pa nila memorya ang buong piece, kaya ganoon sila.

Lalong humina ang mga pag-imik, kahit ang tinig ko ay humina din dahil nahihiya ako baka ako na lamang pala ang umiimik sa amin.

Dumating sa punto na naglilingunan na ang iba sa amin, at nagulat na lamang kami noong umimik iyong presidente ng klase.

"Hindi niyo pa din memorya?!" Madiin at inis na inis na sambit niya. Halos mamula na din ang mukha niya dahil doon.

"Lagi na lamang kayong nag-aaksaya ng oras." Dadag pa niya at saka napa-iling-iling. Halatang halata ang pakadismaya sa mga mata niya at ganoon na din sa kilos.

Napalingon din ako sa kung nasaan iyong guro namin, at nakita ko siya sa isang tabi, pinagmamasdan kami at makikita mo sa ekspresyon niya ang pag-aalinlangan at tila kawalan ng tiwala sa amin.

Nakaramdam ako nang pagkabahala dahil doon. Ganito naman ang seksyon namin, puro kalokohan at minsan talaga hindi mo maasahan sa mga gawaing pang-grupo at pagkakaisa. That's one of our greatest weakness. We lack at teamwork.

"Magsimula tayong muli sa una, may babaguhin ako sa ginagawa niyo, wala kasing buhay at masyadong paulit-ulit at nakakasawa." Biglang pag-sasaad noong guro namin.

Ang iba sa amin ay hindi maitanggi ang pagkadismaya at pag-aalala dahil nga, kung babaguhin pa namin ito—mahihirapan kami dahil sa nga pagbabago na makakapagpalito sa amin.

Ngunit, para sa akin, mas ginanahan ako dahil magaling ang guro namin sa ganito, tiningnan lamang talaga niya kung ano iyong maiisip namin nang wala ang tulong niya. Pagkatapos ay tutulungan niya kami.

Reminiscence: From Me To YouWhere stories live. Discover now