Pahina 85

2.1K 103 3
                                    

85:

Hindi ko alam kung paano siya pakakalmahin dahil sobra ang pagbaha ng emosyon niya ngayon. Maging ako ay hindi ko na malaman kung paano mawawala ang sakit na dulot ng pagkwekwento niya sa puso ko.

Bakit ganito kasakit? Hindi naman ako ang nakaranas nito ah? Pero bakit ganito kasakit ang epekto sa akin?

"Bring m-me back..." He stuttered painfully. Hugging me so tightly. I could only pat his head, because I didn't know what to say too. Pakiramdam ko nga mawawalan na rin ako ng hininga dahil sa matinding pag-iyak ko ngayon.

"All I could think about after I heard that news... was... bring me back." If his words earlier 'I waited' was too strong that it made an uncontrollable impact, this one just made me weak and unable to think properly.

"Bring me back the time I've lost..." Umiiyak na wika niya. Nanginginig ang katawan dahil sa matinding pagluha. "Bring me back to that day... and I would look at the big picture..." Hinang hinang sambit niya, nagmamakaawa.

Kaya pala...

Kaya pala ang sabi niya kanina ay ang pinakamalaking kasalanan niya sa lahat ay ang hindi pagtingin sa kabuuan ng mga pangyayari, at nanatili siyang matikid. Kaya pala... Just thinking about it... it made me breakdown too.

Naging matunog ang pag-iyak ko. I realized it now... why it hurts so much. Why the pain was killing me too. It was because of regret... it was because of... regret.

"Ang laking katangahan ang nagawa ko. Nawala 'yung oras na dapat kasama ko siya. Nawala 'yung lahat lahat ng pwede kong gawin para sa kaniya. Ang laki kong tanga." Naramdaman ko ang matinding pagkakayakap ni Singkit sa akin.

"Puro ako sana. Puro ako sana, at hanggang sana na lang ang lahat, at 'yun ang pinakamasakit sa lahat." I couldn't help but closed my eyes as tears streamed down my cheeks as if the liquid flow was cutting my skin.

"Kaya pala madalas nakatulala na si Mom noon, kasi iniisip niya 'yung sakit niya." Hinihingal na sambit niya. "Kaya pala madalas bigla na lamang siyang tumitigil sa pagpinta dahil sa sakit na nararamdaman niya."

"Kaya pala bago ang taon kung saan nagkagulo ang lahat, sobrang ingat na ni Dad kay Mom."

"Kaya pala nagsimula silang magtalo at magsigawan, hindi pala dahil sa kirida... dahil pala ayaw na ni Mom magpagamot kasi pagod na pagod na siya." Kinilabutan ako sa aking narinig, ramdam na ramdam ko rin ang panginginig niya.

Nagtatambol ang puso ko sa sakit na nadarama. Pakiramdam ko ako rin ang nakakaranas noong nararanasan niya dahil tagos na tagos sa akin bawat salita niya.

"Kaya pala, laging umiiyak si Mom hindi dahil galit siya kay Dad, dahil pala kinakain na siya ng sakit niya at wala na siyang pag-asa. I wasn't because Dad abandoned Mom for any other woman, it was because he loved her so much, that he wanted to find a cure for her, although she didn't want it anymore." He uttered woefully, he bursted into convulsively painful sobs that distorted his soft round face.

"Kaya pala... hindi na siya makapagpinta kasi, hindi na kaya ng katawan niya..." Humihina ang tinig niya pero mas sumasakit ang epekto nito.

"Kaya pala... lumayas siya. Mali sa pananaw ko lamang naman siya lumayas, kasi ang katotohanan sa likod ng pag-alis niya sa amin ay ang pagpunta niya sa hospital para ro'n na manatili. Iyon pala... iyon pala ang dahilan niya."

"She didn't leave me, she was just so sick, that she couldn't stay at the house anymore." Why? Just why... Ang hirap pala ng ganito, iyong huli na talaga ang lahat at wala na siyang magagawa pa para itama ang mali niyang nagawa.

Reminiscence: From Me To YouWhere stories live. Discover now